Hindi ko alam kung paano pa ako nakaakyat sa kwartong nakaassign sa amin nina Annie. Hinang-hina ako. Pakiramdam ko anytime pwede akong mahimatay at bumulagta rito. Ngayon lang yata ako nagulat nang ganito, sa tanang buhay ko.
"Oo Ate, salamat ng marami... Oo papatulog na rin... Yes naman... Enjoy kayo ni Kuya Klyde!... Oo babye na." Agad na binaba ni Annie ang tawag ng makita ako.
"Arabella, tinanong ko si Ate kung may kilalang Raven si Kuya Klyde." Bungad niya nang maupo ako sa kama namin. Lutang akong napatitig sa kawalan.
"Isa lang ang Raven na kaibigan niya, 'yung bunsong kapatid ni Sir Calvin. Raven Bustamante." Nag-aalala niya akong tiningnan. Ngayong kumpirmado na kung sino talaga si Raven, hindi ko na naman alam kung anong unang irereact. Tatlo silang magkakapatid, 'yung pinakapanganay ang nag-iisang babae.
Matutuwa ba ako dahil sa nalaman? Hindi ko na alam pa.
"Ara, okay ka lang?" Tanong niya saka ako tinapik sa balikat.
"Nandito siya, Annie." Mahinang saad ko. Kanina, gustong-gusto ko siyang yakapin, kamustahin. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa mga bagay na alam kong siya lang ang makakasagot.
"Nandito siya?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Napailing-iling siya. "Geez. Palibhasa'y sabado at linggo."
"Ang dami kong gustong itanong sa kaniya." Untag ko saka napayuko.
"Girl, alam kong maliit ang mundo pero hindi ko ineexpect na kapatid lang pala ng Boss natin ang taong hinahanap mo."
"Ano nang gagawin ko?" Napabuntong hininga rin siya. Mukhang pati si Annie na hindi nauubusan ng salita ay walang masabi ngayon.
"Matulog na tayo, okay? Bukas na natin problemahin 'yan." Sinunod ko na lang ang sinabi ni Annie at natulog na.
Kinabukasan, maaga akong nagising para maligo. Gising na rin naman sila. 6 AM daw magsstart ang mga activities na magsisimula sa breakfast sa restaurant sa Resort kaya kakailanganin ulit naming maglakad doon.
Sabay-sabay kaming apat na bumaba at pumunta sa nasabing venue. Marami-rami rin naman kaming nakakasabay.
"Hoy, ang haba na ng leeg mo." Puna ni Annie saka ako inakbayan. Inalis ko naman agad 'yon saka siya sinamaan ng tingin.
"Mahahanap mo rin 'yon maya-maya. Malay mo kumakain din dito." Bulong ni Annie saka kami sabay na kumuha ng plato at makakakain. Buffet style kasi ang nandito kaya naman unli-kain, libre din kami ng kakainin. Snacks lang ang babayaran namin pero hindi ang almusal, lunch at dinner. Gaya ng sinabi ni Annie, hindi ko nilubayan ng tingin ang pintuan at nanatili akong nakabantay sa mga taong pumapasok. Hanggang sa natapos na kaming kumain, wala pa ring Raven ang nagpapakita kaya bagsak balikat akong sumama sa kanila.
Sa malaking hall kami pinatuloy, hindi na sa loob ng Mansion. Mas matutuwa pa sana ako kung doon dahil mas malaki ang chance na magkita kami ni Raven.
Naupo kaming lahat sa sahig, nakasquat lang. Dahil nga kakatapos lang naming kumain, indoor games daw muna at mamayang hapon na lang daw ang mga pang-outdoor.
"So for our first indoor activity, we will play 2 truths and a lie." Nakangiting saad ng taga-assist. Napangiwi tuloy ako. Laos na laos na 'yon. Nakakabagot naman. Simple lang naman ang instruction ng game. Kada team, kailangang nakapabilog. Isa-isang tatayo ang mga participant at maglalahad ng tatlong statement, dalawang truth at isang lie. Kailangan lang mahulaan kung ano ang lie sa sinabi. Paramihan ang bawat isa, kada team ng mahuhulaang lie. Bibigyan daw ng prize ang mananalo.
"Baka toothbrush lang prize nito ha?" Nakataas kilay na saad ng isa mula sa Team D kaya natawa ang nagsasalita sa unahan.
"Ready? Game starts now!" May 30 minutes lang daw kami para laruin 'to.
BINABASA MO ANG
Indestructible Love
RomanceSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...