"Maaga ka ngayon ah?" Puna ni Annie nang makitang nakaupo na lang ako. Nakalahati ko na ang storyang ineedit ko tapos ipapasa ko na 'yon kay Sir J, para maipasa nila sa ibang editor at maidouble check, though confident naman ako palagi sa natatapos.
"Oo. Matatapos mo na 'yung sa 'yo?"
"Hindi pa," natawa siya. "Wala pa nga ako sa kalahati." Napailing na lang ako. Ang bagal niya kasi talagang mag-edit. Madalas niyang nirarason 'yung pacontest. Balita ko'y ipupublish ang story na magugustuhan ng mga nasa taas.
"Yung isang story nga pala, 'yung previous. Hinihingi ni Sir, galing siya dito kanina nung nag coffee break ka." Napatingin ako kay Annie.
"Sinong Sir?" Tanong ko dahil malamang, tatlong Sir ang meron kami.
"Sir Pogi." She mouthed kaya natawa na lang ako. Loka-loka talaga.
"Ipapasa mo na?" Tumango lang ako saka kinuha ang flash drive. Nagpaalam ako sa kaniya na mauuna na. Kapag linggo kasi, ayos lang kahit anong oras kaming umuwi. 'wag nga lang sobrang aga.
Kinatok ko ang pintuan ni Sir bago pumasok. Wala akong nadatnang tao sa loob. Bakante ang silya niya pero nakabukas ang laptop na nasa mesa.
"Calvin Bustamante." Mahinang basa ko sa pangalan niyang nakalagay sa mesa. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng pagbukas at sara ng pinto. Iniluwa no'n si Sir Calvin. Hinintay ko siyang maupo sa silya niya bago nagsalita.
"Tapos na po." Saad ko saka ipinatong sa mesa ang flashdrive na naglalaman ng manuscript na inedit ko. Tumango lang siya bago may kung anong kinalikot sa laptop.
"Sir baka pwedeng..." Nag-angat siya ng tingin sa 'kin kaya napayuko ako. "'wag romance." Pahina nang pahina ang pagbigkas ko kada syllable. Napaangat ang sulok ng labi niya.
"Okay." 'yon lang ang sinabi niya kaya nanatili akong nakatayo sa pwesto. Nang muli niya 'kong tingnan ay napaatras ako.
"Ay uuwi na nga pala ako." Bulong ko saka siya tinalikuran. Wala naman na siyang sinabi. Umaasa akong sana naman dinggin niya kahit papaano ang dasal ko. Sukang suka na ako sa romance.
Pag-uwi sa bahay ay naisipan ko agad na buksan ang wifi at magFacebook.
RAVEN
5:09 AMRaven: good morning
5:17 PMArabella: Hey.
Raven: bat ang aga mo ngayon hhahaha
Arabella: So?
Raven: so?
Arabella: Wala ka bang ginagawa sa buhay?
Raven: meron hahahha
Arabella: Talaga lang? Hindi ka nag-aaral?
Raven: grabe
Raven: graduate na ko
Arabella: Raven
Arabella: Is that your real name?
Raven: oo
Arabella: Yung totoo?
Raven: oo nga
BINABASA MO ANG
Indestructible Love
RomansaSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...