Indestructible ❤️ - Chapter 4

73 6 0
                                    

"Hay ano ba 'to?" Sumasakit ang ulo ko habang ineedit at inaayos 'tong story na nakatoka sa akin, tapos na 'to sa developmental editing at ngayon, naglaline edit ako.

May iba't-ibang level kasi ng editing. Pinakauna ay 'yung developmental, kung saan kailangan may contact kayo ng author, kumbaga pinag-uusapan 'yung mga posibleng mabago sa story. Sunod ay ang line editing, literal na linya o mga dialogue sa story ang inaayos. Saka pa lang magp-proceed sa content, at copy editing na nagfofocus sa sentence structures gaya ng punctuation marks, grammars at kung ano pa. Panghuli na ang proofreading, madalas na pinagtutulungan 'yon ng dalawang editor.

Napasimangot ako. Nakakainis naman. I mean oo, masaya akong ganito ang trabaho ko. Nakaupo maghapon, nagsusulat o nag-eedit ng story pero sino ba namang matutuwa kung 'yung story ay puro typo, grammatically incorrect at sobrang cliché. Sige na, tawagin niyo na akong judgemental pero nakakapagtaka namang nakaabot 'tong story ng Million reads.

"Ang sakit sa ulo." Napasandal na lang ako saka hinilot ang sentido. I've been doing this job mula pagkagraduate kaya naman minsan may mga oras na ganito ako kabagot sa storyang tinatrabaho.

"Oy." Napaayos ako ng upo at nakita si Annie na nakasilip sa cubicle ko. "Coffee break?"

"Tara." Napabuntong hininga na lang din ako bago sumunod sa kaniya. May kitchen/pantry area kasi rito, kung saan kami madalas magtimpla ng kape tuwing, coffee break syempre. Napatingala ako saglit saka napasandal sa lababo habang nagtitimpla naman ng kape si Annie.

"Mukhang stressed na stressed ka sa ineedit mo ah?"

"Oo. Nyeta. Bakit ba kasi gusto nila ng mga story na gano'n. Ang sakit sa ulo. Ang hilig nila tayong bigyan ng gano'ng story! And for pete's sake, ayoko nga ng romance! Ang corny. I'm so sick of it. Gosh!" Maktol ko saka kumuha ng tasang malinis.

"Nakakairita na talaga. Nakakainis din kasi talaga si Sir Calvin!" Kahit hindi siya ang team leader namin, naiinis ako dahil siya ang nagdecide ng storya na napunta sa 'min.

Napabuntong hininga ako saka tiningnan si Annie. Ang tahimik niya kasi bigla. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa likuran ko.

"Bakit?" Maang na tanong ko saka nilingon kung anong tinitingnan niya. Nanlaki rin yata ang mata ko sa gulat nang makita si Sir. Naka asul na long sleeve siya ngayon, na nakafold sa siko. Umangat ang sulok ng labi niya ng makita ang reaction ko. Para tuloy akong maamong tuta na napayuko at gumilid para makaraan siya.

"Bakit hindi mo sinabi?" I mouthed to Annie. Napahagikhik lang siya saka may kung anong sinenyas na hindi ko naman nagets. Natigil lang kami sa ginagawa nang tumikhim si Sir.

"Hi, Sir." Malanding bati ni Annie. Napailing na lang ako. Bata pa naman kasi talaga siya, mas matanda ako sa kaniya ng 3 years. Mabuti pa nga siya, nakalimang boyfriend na yata. E ako? Bokya pa rin.

"Kumusta?" Matapos niyang maglagay ng kape at kakaunting asukal, hinarap niya si Annie. "Sasali ka raw sa pacontest?"

"Oo, Sir. Sayang din ng prize." Napangiwi na lang ako dahil sa harap harapang panglalandi niya.

"Hindi ka sasali, Arabella?" Baling niya sa 'kin. Bakit ba kasi masyado siyang casual sa mga empleyado niya? Kainis tuloy. Masyadong friendly kasi.

"Ah hindi po muna." Napangisi siya saka humigop sa kapeng tinimpla niya.

"Dahil sa storyang ineedit mo?" Napailing-iling ako.

"H-hindi po. Ang saya saya ko nga po habang nag eedit e." Saka ako alanganing natawa. Nagkibit-balikat lang ulit siya saka nagpaalam na babalik na siya sa opisina niya.

"Girl!" Napa 'aray' ako dahil sa malakas na hampas sa 'kin ni Annie sa braso. "Type ka talaga no'n ni Sir pogi! Iba kung ngumiti 'pag ikaw ang kausap."

Indestructible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon