Indestructible ❤️ - Chapter 33

25 3 0
                                    

Tinanghali ako ng gising. Siguro dahil medyo late na ako nakatulog kakaisip. Agad akong naligo at nagbihis saka dumiretso sa kusina, para sana magtimpla ng kape. Pagbuhat ko sa pag-iinitan ng tubig, may note na nakalagay sa ilalim.

"Thank you and sorry for the trouble last night." 'yon ang laman ng note at alam kong kay Sir Calvin 'yon galing.

Bitbit ang kapirasong papel na dala, pinuntahan ko ang kwarto kung saan natulog si Sir Calvin kagabi. Nakaayos na ang higaan at mukhang mas masinop pa siya sa akin magligpit. Napabuntong hininga na lang ako saka ininom ang kapeng tinimpla.

Hindi ko man lang namalayan ang pag-alis niya. Pumasok na lang ako pagkatapos mag-ayos.

"Good morning," bungad sa 'kin ni Annie, nakaupo na siya sa usual niyang pwesto. "Kumusta ang holiday?"

"Umuwi ako sa 'min." Saad ko saka naupo. In-on ko agad ang computer.

"O hinahanapan ka na naman nila ng boyfriend?" Tanong niya na tinanguan ko. Natawa siya saka naiiling na napasandal sa upuan niya.

"Ngayon tuloy may magkapatid na Bustamante sa buhay mo."

"Magtrabaho ka na nga lang diyan."

Sabay-sabay ulit kaming naglunch pagpatak ng alas dose.

"Ay wala si Sir Calvs." Nakangusong reklamo ni Myla pagkatapos ma-upo sa usual niyang pwesto. Kaniya-kaniya kaming kuha ng mga pagkaing inorder.

"Oo nga e. Ngayon lang yata nag-absent 'yon." Komento naman ni Lalaine.

"Baka naman nasa University at nagtuturo." Pagsingit ni Benj. Napatango naman ang dalawa.

"Sabagay may point."

"Nasa University ba si Sir?" Tanong ni Myla habang nakatingin sa akin. Naubo ako bigla. Palagi na lang yata akong nabibilaukan o nauubo kapag kasama sila. Jusme naman.

"Ba't ako ang tinatanong mo. Wala naman akong alam." Pagrarason ko saka sinubo ang isang buong karne para makaligtas man lang.

"E nililigawan ka ni Sir."

"Tumigil na nga kayo, ikain niyo na lang 'yan." Sabad ni Annie. Kinindatan niya pa ako. Natawa na lang din ako. Mabuti na lang talaga at nandiyan si Annie para iligtas ako sa panggigisa nilang lahat.

Mabilis lumipas ang buong araw ko, nagkaroon lang yata ng kakaibang nangyari no'ng lunch time. Wala kasi si Sir Calvin, mukhang absent siya. Hindi na lang ako umimik nang binomba nila ako ng mga tanong.

"Girl, mauuna na ako ha?" Paalam ni Annie saka ako tinapik sa balikat. Um-oo na lang ako. Balak ko kasing tapusin na lang 'tong isang chapter na sinisimulan ko pa lang.

Napaunat ako ng mga braso habang sinesave ang file. Natapos din ako sa wakas. Bukas panibagong chapter na naman ang ieedit.

Pinasadahan ko ng suklay ang buhok bago kinuha ang bag saka naglakad palabas. Wala na halos lahat ng mga katrabaho ko. Mag-aalas nuwebe na rin naman kasi.

Pagtapak ko sa labas, natigil ako. Naalala ko 'yung sinabi ni Sir Calvin. Na palaging nasa labas ng opisina namin si Raven. Ayoko namang umasa pero deep inside gano'n pa rin naman. Ang gulo ko.

Iginala ko ang paningin. Napadako ang tingin ko sa kabilang kalye pero wala naman siya. Napalingon ako sa parking lot pero wala akong nakitang pamilyar na kotse.

Napabuntong hininga ulit ako saka naisipang maglakad-lakad sa mga kahilera ng kotse. Napatingin ako sa parte kung saan mayroong nakahilerang iilang puno. Napatigil ako sa paglalakad.

Sa pagitan ng dalawang puno, nandoon si Raven. Nakatayo at matamang nakatitig sa akin. May yosi na naman siyang hawak. Gaya noong una ko siyang nakitang naninigarilyo, tinapon niya 'yon sa gilid at inapakan.

Indestructible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon