Dahil sa sobrang nangyayari sa buhay ko lately, naisipan ko na lang na dumalaw muna kina Mama. Tutal ay holiday naman at walang pasok ng dalawang araw.
Napabuntong hininga ako. Nandito ako sa tapat ng bahay namin, nina Mama. No'ng una ay nagdadalawang isip pa akong pumasok pero nang maisip kong walang mangyayari sa 'kin kahit tumayo ako maghapon, kinatok ko na lang ang gate.
"Sandali po." Rinig kong sigaw ni Alyssa mula sa loob kaya napangiti ako. Niready ko na ang pasalubong na tsokolate.
Pagbukas niya ng gate, nanlaki ang mata niya saka nagsisigaw. "Mama, Papa nandito si Ate!" Niyakap niya ako nang mahigpit kaya niyakap ko na rin siya pabalik.
"Halika ate!" Hinila niya ako sa kamay saka kami pumasok. Halatang masaya siyang makita ako kaya natutuwa rin ako.
"O Arabella." Nagmano ako agad kay Mama at Papa. Alam kong pareho silang nandito dahil holiday. Kahit si Adele at ang asawa niya ay nandito muna dahil sa panganganak ni Adele. 4 months old na rin naman yata 'yung Baby. Gusto raw kasi ni Mama na tumulong man lang sa pag-aalaga sa mag-ina, ayaw niyang maiwan mag-isa si Adele habang nagtatrabaho ang asawa niya.
"Ate." Tuwang-tuwa rin siya nang makita ako. Niyakap niya ako pero saglit lang 'yon at dahil karga niya ang Baby.
"Anong pangalan niya?" Tanong ko habang tinititigan ang anak niya.
"Penelope." Napangiti ako saka bahagyang nilaro ang Baby. Gaya nga ng sinasabi ni Adele sa akin through phone call, palangiti si Penelope. Hindi rin siya iyakin. Palagi nga lang daw 'yon tulog.
"Kumain ka na ba? May pagkain pa dito." Malakas na sabi ni Mama habang naghahain siya.
"Hindi pa po." Sagot ko saka siya nilapitan. Mukhang umingay ang bahay dahil sa pagbisita ko.
"Anong nakain mo Anak at naisipan mo kaming bisitahin?" Tanong ni Papa habang nakasunod sa kusina. Nginitian ko na lang sila bilang sagot. Siguradong nagtataka sila dahil first time ko 'tong bumisita nang walang okasyon o birthday.
"Alyssa, hinay-hinay sa chocolate. Baka sumakit 'yang ngipin mo." Untag ni Adele habang magkaharap sila ng bunso naming kapatid. Enjoy na enjoy siya sa pagkain ng mga dala kong pasalubong.
"Nag-abala ka pa rito pero sige na, salamat." Nakangiting tugon ni Mama bago nagsimulang isilid sa ref ang mga prutas na binili ko.
"Uuwi ka ba agad? Dumito ka muna."
"Sige po." Lumapad lalo ang ngiti niya sa naging sagot ko. Maya-maya'y nagpaalam siya na aayusin muna ang dati kong kwarto.
Napangiti ako. Hindi ko alam na ganito kawarm ang welcome nila. Kapag nakikita kasi nila ako, lagi na lang silang nagtatanong tapos kokontrahin kung anong gusto ko. Palagi pa akong pinapangaralan. Napaisip ako. Kahit minsan man lang, gusto kong pasukin ang isip nila Mama. Kung bakit ganoon sila sa akin. Pero kapag naaalala ko ang paulit-ulit nilang sinasabi sa 'kin noon, bahagya kong naiintindihan kung bakit naging gano'n ang trato nila sa akin.
Sabi kasi ni Mama, gusto niyang umasenso kami sa buhay. Kaya halos mabaliw siya no'ng nakitang nagrerebelde ako at hindi na pumapasok.
"Sabi ko naman sa 'yo, miss na miss ka nina Mama." Napalingon ako kay Adele. Hindi niya na karga si Baby Penelope, mukhang tulog na yata. Palibhasa'y gabi na rin naman. Nginitian ko lang siya saka ako bumangon mula sa pagkakaupo at nilagay sa lababo ang mga hugasin.
Ilang beses na kasi akong sinabihan ni Adele na dumalaw rito, ako lang 'yung may ayaw.
"Naghanda pa sila no'ng birthday mo. Anyway, taon-taon naman nilang ginagawa 'yon." Tahimik lang ako at hinayaan siyang magkuwento. Aniya'y palaging umiiyak si Mama noong pinaalis nila ako. Siya rin daw ang nag-utos kay Papa na puntahan ako at hindi raw ipon ni Papa 'yung binibigay nila sa 'kin, kundi galing mismo kay Mama.
![](https://img.wattpad.com/cover/231062445-288-k259653.jpg)
BINABASA MO ANG
Indestructible Love
RomanceSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...