"Good morning." Napangiti ako. Sino bang hindi matutuwa kung tawag niya ang bubungad sa akin. Mag-aalas singko pa lang yata pero heto at gising na siya.
"Ang aga mo." Sagot ko matapos tingnan ang orasan. Siguradong tulog pa sina Mama ngayon dahil napuyat kagabi. Magsisimba rin yata kami mamaya. Napahikab ako saka tuluyang bumangon.
"Kailan ko pala isasauli 'tong phone mo?"
"Saka na lang." Tumango na lang ako kahit 'di niya 'yon nakikita.
"Hmm. Sunduin ba kita diyan?" Tanong niya and I'm telling you, nakakakilig ang boses niya ngayong bagong gising. Naalala ko na naman tuloy 'yung mabilis na halik niya. Gosh.
"Hindi na. Sulitin mo muna 'yang bakasyon mo." Alam ko namang hindi biro ang maging isang guro. Kailangan nasa school palagi tapos kapag nasa bahay naman, may trabaho pa rin dahil sa mga test papers at kung ano-ano pang dapat irecord o icheck. Gusto kong sulitin niya 'to kasama ang family niya.
"Susunduin kita." Pagpupumilit niya.
"Hindi na nga. Dadaan din pati ako kina Annie, kukuhanin ko mga damit." Pagpapaliwanag ko. Ngayong araw din yata ang balik no'n ni Annie dahil nga may trabaho na naman bukas. Kahit na day-off ko bukas, gusto ko nang umuwi para ayusin 'yung naiwang bahay. Sayang din naman 'yon. Ilang taon kong hinulugan.
Rinig kong napabuntong hininga siya. "Then let your bodyguard pick you up." Napabusangot ako. Akalain mong nagkaroon pa ako ng instant bodyguard. Jusme akala mo naman yayamanin.
"Sige na nga. Basta enjoy mo 'yang bakasyon ha? Tatawagan kita 'pag uwi ko." Nakumbinse naman na siya ro'n kaya pinatay na namin ang tawag. Natulog na lang ulit ako dahil sobrang aga pa. Mukhang sinadya niya lang talagang gumising ng ganitong oras para sunduin ako, kahit na sobrang layo ng biyahe niya.
Pasado alas kwatro nang mapagdesisyunan kong umuwi na. Tinext ko si Raven. Salamat sa cellphone niya at sobrang yaman ko bigla sa load. Nagreply naman siya agad.
"Babalik po ako sa New Year." Tugon ko habang yakap-yakap sina Mama. Anila'y siguraduhin ko lang dahil magluluto ulit sila ng marami.
Gaya ng napag-usapan at binilin ko kay Raven, sa may kanto nga nakatigil ang kotseng itim kung saan nakatayo ang dalawang bodyguard 'ko' kuno. Jusme talaga. Hindi ako sanay na may nakabantay sa kilos ko. Nakakaasiwa. Hinayaan ko na lang. Wala naman akong choice at magagawa dahil para rin 'to sa safety ko.
Ibinaba nila ako sa tapat ng building ng condo ni Annie. Sumunod naman sa akin ang isa.
Pagdating ko ro'n. Hindi na ako kumatok pa at agad pinindot ang passcode. Binigay kasi 'yon sa akin ni Annie, noon pa. Ang laki talaga ng tiwala niya sa akin. Nakangiti ako nang binuksan ang pinto. Siguradong matutuwa si Annie sa pasalubong ko.
"Shuta!" Malakas na sigaw ko. Agad akong napatalikod. Rinig ko ang tarantang sigaw ni Annie.
Napakurap-kurap ako. Jusme. Mukhang hindi na inosente ang mga mata ko! Bumungad lang naman sa akin ang halos hubad na upper part ni Annie. Nakakita tuloy ako ng melon. Nakapaibabaw naman sa kaniya ang topless na si Leo. Jusme. Ang sakit sa mata ng mga nakita ko.
"O-okay na." Nilingon ko sila. Sinalubong ako ng pulang-pulang mukha ni Annie. Natawa na lang ako kaya siniko niya ako.
"Dapat bang kumatok muna ako..." Mahinang bulong ko kaya sininghalan niya ako. Iginiya niya ako sa kusina. Inilapag ko ro'n ang mga dalang ulam.
Niluto 'yon ni Mama kanina. Kinuwento ko kasi sa kanila si Annie. Ang nag-iisang kaibigan na napagkakatiwalaan ko. Masaya naman silang nakahanap ako ng kaibigan na kagaya niya. Kaya ayon, pinadalhan nila ako ng ulam.

BINABASA MO ANG
Indestructible Love
Любовные романыSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...