"Salamat." Nakangiting tugon ko matapos bumaba sa kotse ni Raven. Mag-aalas siyete pa lang pero napaaga ako dahil gusto niya akong ihatid. Maaga na lang siguro akong uuwi.
"Pa'no, pasok na 'ko?" Nginitian niya ako saka siya nagkibit-balikat. "Papasok ako kapag nakaalis ka na."
Malapad ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang kotse niyang papalayo. Kahit na kakaunti pa lang ang tao sa opisina, sobrang ganado akong magproofread. Tutok na tutok nga yata ako sa computer. May something kasi sa akin na nagsasabing 'wag nang hintayin pa ang target date.
"Aba. Last, last day ang gloomy mo tapos ngayon..." Nilapitan ako ni Annie. "Kwento naman diyan."
Binitawan ko saglit ang keyboard saka siya tiningnan habang nakangiti. Kinuwento ko naman lahat, no'ng una nga nainis siya kay Melissa kaya hindi niya napigilang sumingit pero sa huli natuwa pa rin siya.
"Oh kaya naman pala ang saya mo. May nangyari na ba sa inyo ni Raven?" Tanong niya.
"Annie!" Napatakip ako ng bibig dahil napalakas 'yung boses ko. Nanlalaki na naman yata 'yung mga mata ko dahil sa narinig. Ano ba namang klaseng tanong 'yon.
"Ano?" Tumatawa siya. "Natulog si Raven sa bahay mo! Tapos kayo lang!" Napatampal na lang ako sa noo saka siya tinalikuran. Muli kong binalik ang atensyon sa computer.
"Ewan ko nga sa 'yo. Sa kabilang kwarto siya natulog. 'yang utak mo talaga ang dumi na. Kakasex with no feelings niyo 'yan." Sinimangutan niya lang ako nang marinig 'yon kaya ako naman ang natawa this time.
Minsan nga halos isipin kong baka mamaya niyan nakatali na rin si Leo kaya puro one night stand lang. Naisip ko pang baka may sakit siya. I mean, 'di ba natural lang naman na ganito karumi 'yung utak ko? Lalo na at playboy si Leo. Pero hindi naman siguro siya marumi or wala siyang sakit.
"Hay ano ba 'to." Bulong ko saka napailing-iling. Tae. Kung ano-anong maruming bagay na tuloy ang naiisip ko.
"Pero..." Sumilip si Annie sa gawi ko saka idinantay ang chin niya sa mesa. "Wala pa ba talagang nangyayari sa inyo ni Raven?"
Dinampot ko ang pen holder na nasa gilid kaya bahagya siyang lumayo. Tawang-tawa siya habang nakikita ang namumulang reaction ko.
"Wala nga. Ang kulit. Kiss lang..." Lalo siyang humagalpak ng tawa. Nakakainis siya. Masyado siyang natutuwang ganito ako magreact.
"Sige na. Kayo na ang virgin couple ng taon." Pang-aasar niya pa. Mukha daw kasi kaming mga teen-ager.
Wala namang kaso sa akin 'yon. Hindi ko talaga naiimagine ang sarili na makikipagsex bago ang kasal. Masyado kayang old-fashioned sina Mama. At isa pa, baka iwan lang ako no'n 'pag binigay ko. Mas mabuti ng mamatay nang virgin. I mean, hindi ko naman sinasabing wala akong tiwala kay Raven, 'yon lang talaga 'yung perspective ko noon pa. At isa pa, nuknukan ng pagkagentleman si Raven.
Pagpatak ng alas dose. Sabay-sabay ulit kami nina Benj pero this time, hindi na sila nagpa-una pa. Sabay-sabay yata kaming natigil sa paghakbang nang makita si Melissa. Ngayon naman naka pure violet siya mula ulo hanggang paa.
"Aba. Ang lakas ng loob mong magpunta rito." Hasik ni Annie.
"Mag-ooffer na naman yata ng milyon." Saka sila natawa sa sinabi ni Benj. Sinenyasan ko silang 'wag ng pikunin pa si Melissa.
Naappreciate ko naman sila, 'yung effort nila pero ayoko silang madamay rito.
"You really won't leave Raven. Ang tigas ng ulo mo." May diing sabi niya. Ramdam ko ang pagtatama ng mga ngipin niya dahil sa galit.
"Hindi. Okay? Kaya manahimik ka na. Umalis ka na. Tigilan mo kami." Iritableng saad ko bago nilingon sina Benj. "Tara na."
Sumunod naman agad sila sa akin. Natigil ako sa paglalakad nang may kung ano pang sinabi si Melissa.
BINABASA MO ANG
Indestructible Love
RomanceSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...