Hello! This is the last chapter of Indestructible Love, the first book of Behind the Screen Series. Thank you for supporting Raven and Arabella's story!
***
Para na kaming tanga at nag-iiyakan. Pati sina Annie sa gilid namin ay umiiyak.
"Wait here. May aayusin lang ako." Binilin niya ako kay Annie saka siya tumakbo pabalik sa loob ng simbahan.
Ang gulo na sa loob. Galit ang kamag-anak ni Melissa. Nagtataka naman ang mukha ni Tito Albert. Napupuno ng mga bulung-bulungan ang apat na sulok ng simbahan.
Tumigil si Raven sa tapat ni Tito Albert at sa Dad ni Melissa. Pero mas ikinagulat ko ang ginawa niya.
Lumuhod siya sa tapat nila. Sa harap ko at sa harap ng maraming tao. Hindi alintana ang mga matang nakatutok sa kaniya. Kanina, umiiyak lang siya pero ngayon, maririnig na ring humahagulgol na siya. Lalo akong naiyak nang makita 'yon.
"Dad... Tito... I'm sorry. Mahal ko si Arabella." Simula niya habang nakayuko siya at halos halikan na ang pulang carpet sa sahig.
"Tito, sorry kung pinaasa ko ang anak niyo no'ng pumayag ako sa engagement. Sorry but... can you... let us live a normal life. Kami ni Arabella."
"Raven, please... Don't do this. Tumayo ka na." Pakiusap ni Melissa habang hinahawakan sa braso ang nakaluhod na si Raven. Nanatili namang nakayuko si Raven at hindi kumikibo.
"Tito, walang nangyari sa amin ni Melissa. Nirerespeto ko siya bilang isang babae... pero gusto ko nang makalaya. Gusto kong mahalin si Arabella nang hindi nangangamba ng banta mula kay Melissa... please..."
"Naiiyak ako." Bulong ni Annie saka ako dinamba ng yakap. Maging ang ibang taong nandito ay nakikiiyak. Masyadong mabigat ang atmosphere. Masyadong nakakahawa ang mga salitang binibitawan ni Raven.
Iyak ako nang iyak habang pinakikinggan siya. Masyadong selyado si Raven at habang pinakikinggan ko siyang maglabas ng saloobin sa unang pagkakataon, wala akong ibang magawa kundi ang umiyak.
"I'm sorry... please... Hayaan niyo na kami."
Napatayo si Melissa mula sa pagkakaupo sa tabi ni Raven. Unang beses ko rin siyang makitang umiiyak. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng simbahan saka muling nilingon si Raven.
"I hate you." Nagtatakbo siya palabas ng simbahan. Hindi rin siya tumigil kahit nakita niya ako sa may bulwagan.
"Melissa!" Hinabol siya ng Dad niya at ng iilan. Ni hindi nila ako tiningnan o sinulyapan. Alam ko namang galit sila sa akin dahil napahiya ang unica hija nila. Bukod sa iniwan siya sa altar ng groom, nakita pa ng lahat kung paano magmakaawa si Raven na palayain siya ni Melissa.
"Get up, Son." Si Tito Albert na mismo ang umalalay patayo kay Raven. Niyakap niya ito habang may kung anong ibinubulong.
"Tara doon." Si Ate Klauvien na mismo ang nag-aya sa amin papasok, papunta kay Raven.
"Sorry po." Tugon ko nang makitang nakatingin sa akin si Tito Albert. Nagkibit balikat lang siya bago ako hinila para yakapin.
Sobrang emotional ng oras na 'yon. Nag-iiyakan kaming lahat habang ang iba naman ay nagsi-uwi na, disappointed dahil hindi natuloy nag engrandeng kasal at pagmerge ng dalawang mayamang pamilya.
"Thank you." Bulong ni Raven habang sobrang higpit ng pagkakayakap sa akin. Niyakap ko rin siya pabalik.
"Salamat." I mouthed to Annie and Leo, kahit si Sir Calvin ay nakangiti habang pinagmamasdan kami.
"I love you." Napangiti ako nang marinig ulit 'yon. Pareho kaming nakangiti pero ayaw magpaawat ng mga luha sa mga mata.
"I love you too."
BINABASA MO ANG
Indestructible Love
Storie d'amoreSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...