Indestructible ❤️ - Chapter 34

34 5 0
                                    

Abala ako sa pag-eedit nang katukin ni Annie ang mesa ko. Nakatayo na siya at inaayos ang mga gamit.

"Lunch na, tara na."

"Sige, ligpitin ko lang 'to." Tumango ako saka mabilis na sinave ang file. In-off ko ang computer bago kinuha ang wallet.

"Nauna na sina Benj." Tugon ni Annie habang papalabas kami. Sinalubong kami ng mainit na sikat ng araw kaya nagmadali kaming maglakad. Siya lang pala, dahil okay lanh naman sa 'kin na maarawan kahit minsan. Madalas kasing nakikishare siya ng payong kay Lalaine o Myla.

"Upo na kayo. Gutom na kami."

"Kaya nga. Ang tagal niyo talaga." Reklamo nila na binelatan lang ni Annie. Naupo kami sa usual naming pwesto kaya napaangat ako ng tingin kay Sir Calvin. Nandito na ulit siya. Nginitian niya lang ako kaya hindi ko tuloy alam kung anong irereact.

"Ba't wala kayo ng two days, Sir? Work from home?" Usisa ni Myla habang abala kami sa kaniya-kaniyang pagkain.

"Oo e." Tipid na sagot niya.

"Bakit parang ang tahimik niyo masyado, Sir?" Ngiti lang ang sinagot ni Sir Calvin kaya nagkatinginan silang lahat. Mukhang natunugan nilang may something off sa kaniya kaya hindi na sila nang-usisa pa. Mabuti naman at medyo sensitive din kahit papaano ang mga katrabaho namin.

Tanging kami lang ni Annie ang nakakaalam ng nangyari kaya nanatili kaming tahimik hanggang pagtapos ng lunch time.

Papabalik na kami sa opisina nang tawagin ako ni Sir Calvin.

"Arabella." Sabay kaming napalingon ni Annie dahil magkasabay kaming naglalakad.

"Po?"

"Pwede ba kitang makausap?" Nagkatinginan kami ni Annie saka niya inalis ang kamay na nakaangkla sa braso ko.

"Mauuna na 'ko, Girl. Ayusin mo 'yan." Aniya saka ako kinawayan. Alam ni Annie ang pagkikita namin ni Raven noong isang araw at pati na rin 'yung kagabi.

Masaya naman siya para sa akin, sa amin ni Raven pero marami siyang binigay na pangaral sa akin. Tulad ng 'wag kong ibibigay lahat kay Raven dahil hindi pa nito sinasabing mahal niya rin ako. Na hindi siya sigurado kung dapat niya ba kaming suportahan ni Raven dahil mayroong Melissa. Pero wala naman daw siyang ibang magagawa dahil kaibigan niya ako. Nadawit pa kasi ang family issue. Nag-aalala siya sa akin dahil malaking pamilya ang Bustamante, although hindi naman daw issue sa pamilyang 'yon ang estado sa buhay ng aasawahin, mahirap pa rin daw ang sitwasyon namin ni Raven. Ayaw niya namang umabot sa punto na sumalungat kami ni Raven sa Dad nila.

Nakakatawa pero ang laki talaga ng punto ng mga sinabi ni Annie. Naikuwento ko nga lang 'yon sa kaniya sa phone call dahil day-off niya kahapon.

Napabuntong hininga na lang ako saka tahimik na nakasunod kay Sir Calvin. Tumigil kami sa parking lot kung saan may pwestong hindi naaarawan.

"Alam mo naman 'yung pinasok mo 'di ba?" Tanong niya habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko. Siguradong 'yung tungkol sa engagement ni Raven at Melissa ang tinutukoy niya.

"Alam ko naman 'yon." Sagot ko dahilan para maihilamos niya ang palad sa mukha niya. Mahina siyang napamura na sobrang bihira niyang gawin. Ano pa nga bang ieexpect ko sa good boy na tulad niya?

"Ayokong masaktan ka." Aniya saka ako hinawakan sa magkabilang balikat. "I'll talk to Dad pag-uwi niya, na iurong na lang ang engagement. Dad will understand but Melissa..." Napabuntong hininga siya. Base sa pagkakaalam ko, only child si Melissa kaya naman ganoon na lang siya kaspoiled, na halata naman sa pananalita at pananamit niya.

Bahagyang umaliwalas ang pakiramdam ko ng marinig na maiintindihan ng Dad nila. Ang hindi ko lang maunawaan ay 'yung tungkol kay Melissa.

"Ano bang meron kay Melissa?" Paglalakas loob na tanong ko.

Indestructible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon