Indestructible ❤️ - Chapter 46

31 4 0
                                    

"Tangina. Ano bang pinagsasabi mo?" This time, galit na ako at hindi ko na kayang magtimpi pa. Tinawanan niya lang ako. Baliw ang babaeng 'to.

"Go and ask Raven yourself." 'yon ang huling sinabi niya bago siya naglakad paalis saka sumakay sa sasakyan niya.

Nanghihina akong naglakad papasok. Hindi ko alam kung anong lumalamon sa akin ngayon. Galit ba? Selos? Hindi ko matukoy.

Mabilis akong pumasok sa kwarto saka tinawagan ang number ni Raven. Nanginginig ang buong kalamnan ko, ganoon din ang mga labi ko dahil sa mga hikbing pinipigilan.

Ilang ring lang at sinagot niya agad ang tawag.

"Hi." Bungad niya dahilan para kumawala ang hikbing pinipigilan ko. Parang mga gripo 'yung mga mata ko at hindi tumitigil sa kakaproduce ng luhang iniluluwa.

"Hey... Bakit ka umiiyak?" Natatarantang tanong niya saka ako nakarinig ng mga kaluskos. "Arabella, are you okay?"

"R-raven..." Halos hindi na ako makapagsalita dahil sa sobrang kaiiyak. Humahagulhol na rin yata ako. Ang bigat ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko, niloko ako. Tinraydor. Ganito ba 'yung nararamdaman ni Melissa noong nalaman niyang palihim kaming nagkikita ni Raven? Ganito ba siya kung umiyak at masaktan? Ganito ba kabasag ang puso niya?

"Pinuntahan ka ba ni Melissa? Did she hurt you?" Hindi ako umimik. Iyak lang ako nang iyak.

"Tangina. Pupuntahan kita." Rinig kong mura niya sa unang pagkakataon.

Hindi niya pinatay ang tawag. Rinig na rinig ko ang pagpapaandar niya ng sasakyan niya. Maya-maya lang narinig ko na ang boses niya sa labas. Tinatanong ang dalawang bodyguard kung okay lang ba ako. Kung anong ginawa sa akin ni Melissa.

"Arabella." Bumukas ang pinto ng kwarto at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha niya. "Anong nangyari?"

"Totoo ba... Totoo bang... buntis... si Melissa?" Putol putol na tanong ko habang diretsang nakatitig sa mga mata niya. Napakunot noo siya.

"Hindi ko alam."

"May... may nangyari ba sa inyo noon?" Napabuntong hininga siya at hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n. Napupuno ang utak ko ng kung ano-anong toxic na ideya at conclusion.

"Arabella, wala. Walang nangyari sa 'min noon." Malumanay na sabi niya saka ako hinawakan sa magkabilang balikat.

Saka ko lang namalayang nakasalampak pala ako sa sahig. Tinulungan niya akong makaupo sa kama ko.

"Tahan na. Walang nangyari sa amin noon man o ngayon." Untag niya. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan.

Itinaas niya ang kamay, akmang pupunasan ang pisngi ko pero iniwas ko ang mukha ko. Tinabing ko ang kamay niya. Bakas ang gulat sa mukha niya.

"Gus...gusto kong mapag-isa." Napabuntong hininga siya saka tumango. Si Raven 'yon kaya alam kong ganoon nga ang gagawin niya.

"Sorry." Mahinang bulong niya bago ako iniwan sa kwarto. Nanatili naman akong umiiyak.

Tangina. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Kung anong paniniwalaan? Bakit ba kasi ang gulo? Masaya pa lang ako kahapon, kanina. Bakit biglang ganito?

Nahiga ako sa kama. Pinoproseso ng utak ko ang magkaibang bersyon ng storyang narinig. Naisip kong, ganito nga siguro talaga ang buhay. Pwede kang maging masaya ngayon tapos bukas, hindi na. Parang switch ng ilaw. Kung kahapon puno ng kaliwanagan at kasiyahan ang buong maghapon mo, kinabukasan pwedeng kadiliman at kalungkutan ang yayakap sa 'yo. Walang sino mang nakakaalam ng mangyayari kinabukasan kaya wala kang ibang magagawa kundi masorpresa, kung anong bersyon ang sasalubong sa 'yo. Malungkot ba o masaya.

Indestructible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon