Kahit gabing gabi na, tumakbo ako papunta sa pinakamalapit na tindahan para lang magpaload. Tinawagan ko siya nang tinawagan pero hindi niya sinasagot, panay ring lang 'yon.
"Sagutin mo na, please." Bulong ko habang papasok sa kwarto. Naupo ako sa kama habang hinihintay na sagutin niya ang tawag.
To: Stranger
+639387211***
Today 11:31 PM TNTRaven, mag-usap tayo please?
To: Stranger
+639387211***
Today 11:33 PM TNTSagutin mo naman, please?
To: Stranger
+639387211***
Today 11:34 PM TNTUnblock mo na 'ko. Sige naman na o.
To: Stranger
+639387211***
Today 11:35 PM TNTHindi pwedeng ganito na lang tayo. Please, mag-usap tayo.
From: Stranger
+639387211***
Today 11:39 PM TNTbakit?
Dahil sa reply niyang 'yon, agad ko siyang tinawagan na sinagot niya rin naman.
"Gabi na. Hindi ka na dapat lumabas pa para magpaload." Nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses niya.
"Mag-usap naman tayo." Untag ko. Hindi ako mapakali. Panay lakad ako sa kabuuan ng kwarto. Hindi nga ako nagpunta sa coffee shop para hindi matigil ang pag-uusap namin kaya hindi ako papayag na mangyari 'to.
"Nag-uusap na tayo."
"Galit ka ba dahil hindi ako pumunta?"
"Hindi." Tumigil siya saglit. "Alam ko namang hindi ka pupunta." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya saka naupo sa kama. The more I think about it, mukhang kilalang-kilala niya na ako. Para bang sobrang predictable kong tingnan pagdating sa kaniya.
"Bakit alam mo?"
"Hindi sa pagmamayabang pero alam kong hindi mo kayang tigilan ang pagchat sa 'kin." Natawa ako sa sinabi niya. Mukhang tama nga ako, kilalang-kilala niya na talaga ako. Alam niyang hindi ko isasakripisyo ang pag-uusap namin para lang makita ko siya ng isang beses.
Nanatili kaming tahimik. Pinapakiramdaman ko lang siya mula sa kabilang linya at alam kong ganoon din siya.
"Taga saan ka?" Sa tanong kong 'yon, natawa siya ng mahina. Mukhang hindi niya inaasahan. Hindi siya sumagot. Alam ko namang wala siyang balak na sagutin 'yon, pero atleast alam kong malapit lang siya rito. Sa akin.
"You should sleep." Aniya matapos ng mahabang katahimikan.
"Okay na ba tayo?" Nakakatawang ilang beses ko siyang tinatanong kung okay ba kami samantalang hindi naman talaga kami in the first place.
"Hm. Matulog ka na." Pag-uulit niya. Nakarinig ako ng ilang kaluskos. Mukhang nahiga siya sa kama.
"Iuunblock mo na ba ako?" Napakagat labi ako, umaasang oo ang sagot niya.
"Arabella." Sa pamamagitan ni Raven, naappreciate ko kung gaano kaganda ang pangalan ko. Lalo na kapag binabanggit niya 'yon. "Arabel." Pag-uulit niya dahilan para mapapikit ako. Dinadama ang himig ng boses niya.
"Hindi na ba tayo babalik sa dati?" Tanong ko nang marealize na wala na siyang balak magsalita pa.
"Only if you'll stop liking me." Kung ibang tao 'to at hindi ko siya gusto, siguradong matagal ko na siyang hindi kinausap. Alam ko namang kahit hindi ko sabihin, malalaman at malalaman niya ring gusto ko siya, mas pa roon. Hindi ko na siya binara pagkarinig doon dahil alam ko naman sa sariling gusto ko talaga siya.
BINABASA MO ANG
Indestructible Love
Roman d'amourSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...