Indestructible ❤️ - Chapter 27

36 4 0
                                    

"Good morning everyone!" Malakas na bati ni Annie pagkarating niya. Lunes na at ibig sabihin lang no'n, ngayon ibibigay ang new project bawat team. Masaya ang lahat dahil successful lahat ng book na naipublish. Pati na rin ang team building na nangyari.

Team A ang nanalo sa outdoor games at tag-iisang libo rin 'yung prize na natanggap nila. Kaya nanghihinayang kami, kahit nga si Annie na mayaman nanghinayang din, ako pa kaya? Hindi naman kasi ako basta-basta makakakuha ng isanlibo sa buong maghapon lalo na kung wala akong gagawin.

"Good morning." Inilapag ni Annie ang bag sa mesa niya bago ako hinarap. "Okay ka na?"

Tumango ako. "Oo naman."

Hindi na kami muling nagkausap pa ni Raven pagkatapos no'n. Hindi ko na rin siya nakita pa. Siguro, sinadya niya ring 'wag bumaba para hindi kami magkasalubong pa.

Masakit. Lalo na at wala akong ibang hinanap kundi siya. Halos mabali nga yata ang leeg ko hanggang sa pag-uwi namin, pero hindi talaga siya nagpakita. Iniwasan ko ring magbukas ng Facebook dahil alam kong malulungkot lang ako. Na walang akong mabubungaran na message niya.

Pagdating ni Sir Calvin bandang alas diyes ng umaga, nag-announce lang siya tungkol sa bagong story na tatrabahuhin namin. Mabuti naman at hindi 'yon romance. Isang fantasy story na tingin ko'y nakaabot ng million reads.

"Arabella?"

"Po?" Agad akong napalingon sa kaniya.

"Come with me." Nauna siyang maglakad kaya sumunod na lang ako papasok sa office niya. Nakita ko pa ang mga bulong-bulungan nina Lalaine kaya sinimangutan ko sila. Seryoso pa rin talaga sila sa kakapilit na may gusto sa 'kin si Sir Calvin.

"Bakit po?" Naupo siya sa swivel chair habang nanatili naman akong nakatayo sa gilid.

"Okay lang ba sa 'yong ikaw sa developmental editing?" Tanong niya saka binuksan ang laptop niya, may kung ano siyang tinipa roon bago ako tiningnan.

"Ikaw na lang Sir, ayokong nakikipagnegotiate." Tinaasan niya ako ng kilay saka siya napangiti.

"Sige." Natawa siya. "But you'll owe me a dinner."

"H-ha?" Nabilaukan yata ako kahit wala namang kinakain. Jusme. Bakit ba bigla bigla na lang siyang nag-aaya. E siya naman palagi sa first step ng editing, habang kaniya-kaniyang edit na kami ni Annie sa line at content.

"Samahan mo kako ako mamaya, magdinner." Hindi ako nakapagreact. Hindi ako sanay na gano'n siya kastraight forward.

"B-balik na po ako Sir sa pwesto ko." Sagot ko saka mabilis na umalis doon. Narinig ko pa ngang bahagya siyang natawa. Ano bang nasa isip niya at biglang mag-aaya ng dinner?

Pinaningkitan ako ni Annie nang makabalik ako sa pwesto. Nilapitan niya 'ko saka tinanong kung anong meron. Dahil nga makulit si Annie, sinabi ko na lang kung anong nangyari. Pati na rin 'yung pag-aaya ni Sir ng dinner.

"OMG! Paano na si Raven?" Aniya saka ako kinurot sa tagiliran.

"Ewan ko, saka iligtas mo naman ako mamaya." Untag ko. Hindi ako ready sa dinner na 'yon at isa pa, ayokong magmukhang dugyot. Mukhang pambahay nga lang 'tong suot ko.

"Aba, bahala ka sa buhay mo." Aniya saka ako tinalikuran. Bumalik siya sa ginagawang pag-eedit. Mukhang nagsisimula na siya sa pagcorrect ng grammatical errors at punctuation marks.

Napabuntong hininga na lang ako bago nagpatuloy sa ginagawa. Maging no'ng lunch time ay hindi ako halos makatingin kay Sir Calvin. Nanatili akong tahimik habang busy sila sa pagkukwentuhan. Hindi sila makamove-on sa Mansion ng pamilyang Bustamante.

Indestructible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon