Napabuntong hininga ako. Nanginginig ang mga kamay ko habang nasa tapat ng malaking pinto ng simbahan. Pakiramdam ko, hihimatayin ako ano mang oras. Naging instant water bender din ako bigla dahil sa pamamawis ng mga kamay.
"Ano ka ba. 'Wag kang kabahan, Arabella." Bulong ko sa sarili habang mahigpit ang pagkakakapit sa suot na wedding dress.
Pang-ilang hingang malalim ko na yata 'to. Napaayos ako ng tayo nang dahang-dahang bumukas ang pinto. Bumungad sa pandinig ko ang magandang instrumental music. Dahan-dahan akong naglakad habang si Papa naman ay nakaabang sa gitnang bahagi ng aisle. Napalingon ako sa kaliwa kung saan nandoon ang mga babaeng importante sa buhay ko, namin ni Raven. Sa kanan naman sina Sir Calvin, mostly mga kaibigan ni Raven at mga lalaking importante sa amin. Umiiyak si Annie kaya tinawanan ko lang siya.
"Ang ganda ng anak ko." Bulong ni Papa saka inilagay ang kamay ko sa braso niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad.
'Pag tingin ko sa harapan, nakita ko ro'n si Raven. Nakatayo at nakatitig sa akin. Guhit na lang yata ang nakikita ko sa mata niya dahil sa sobrang pagngiti. Nakangiti rin sa tabi niya si Tito Albert. Lahat naman yata ng tao ay nakangiti.
Pagdating sa altar, inabot ni Papa nag kamay ko kay Raven na malugod niya namang tinanggap.
"Ingatan mo ang Anak ko ha?" Tumango naman si Raven bilang sagot.
Nagsimula na agad si Father nang nakaharap na kaming dalawa sa altar.
"Dearly beloved, we are gathered here today to celebrate this special moment between Raven Bustamante and Arabella Montes. Your presence symbolizes the love and joy that we all feel for our friends, family, loved ones, and our community. It’s an honor to join you in marking the start of Bustamante and Montes' marriage." Mahabang litanya ni Father habang ginagala ang tingin sa mga dumalo.
Sobrang kinakabahan ako. Hanggang ngayon, hindi ko lubos maisip na nandito ako sa harap ng altar katabi si Raven. Dalawang taon ang nakalipas mula no'ng hindi natuloy ang kasal nila ni Melissa. Kapag naiisip ko ang lahat ng napagdaanan namin, napupuno ng galak ang puso ko.
Naging usap-usapan ang engrande pero nasirang kasal ni Melissa kaya pinadala muna siya ng Dad niya sa states para doon manirahan. Napahiya siya dahil lumabas 'yung pagiging territorial at pagka-obssess kay Raven. Naaawa naman ako sa kaniya pero ano pa nga bang magagawa ko? 'yon ang totoo. Lumabas din lahat ng baho ng pamilya nila kaya siguro naglie-low din ang family niya. May ilang nagsasabi na nagmahal lang naman si Melissa pero sabi ni Annie, hindi ganoon ang pagmamahal.
Napailing ako nang bahagya saka nagfocus sa seremonya.
Nagpatuloy sa readings at kung ano-ano pa. Wala akong maintindihan, kabado lang ako at kung ano-anong iniisip. Ganito siguro 'yung sinasabi nilang nasa cloud nine. Pakiramdam ko, literal akong nasa alapaap.
"Today’s reading, performed by Arabella Montes' closest friend, celebrates the support and love that we can each find within our circles of friendship."
Hanggang sa marinig ko na ang exchanging of vows. Lalo akong kinabahan. Wala man lang akong inihandang speech.
"Let us now hear the declarations and promises that Raven Bustamante and Arabella Montes make to each other here today." Iniabot ni Father sa akin ang mic. Bakit kailangang ako pa ang mauna? Pagtutol ng utak ko pero sa huli, wala akong ibang nagawa kundi kunin 'yung mic.
Natawa ako at mababakas sa boses ko ang panginginig dahil sa kaba. Nangingibabaw tuloy ang tawa ni Annie.
"Sorry. Naturingang writer ako... pero wala man lang akong niready'ng sasabihin. Sorry talaga." Natawa si Raven kaya napakagat labi ako. Sabi naman sa akin ni Annie, kahit ano na lang sabihin ko basta galing sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Indestructible Love
RomansaSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...