RAVEN
4:37 AMRaven: good morning :)
seen at 8:03 AMSinong mag-aakalang mamimiss ko ang emoticon na 'yon. Pati ang good morning message niya. Siguradong halatang halata sa aura ko ang pagiging good mood nang pumasok sa trabaho. Kahit na day-off ko ngayon, pinili ko paring pumasok. Wala namang kaso sa kanila 'yon lalo na at may target date na hinahabol.
"Aba, blooming ang ate niyo." Puna ni Annie nang makita akong naupo sa mesa ko. Nginitian ko lang siya saka in-on ang computer. Mukhang walang makakasira ng pagiging good mood ko ngayon.
Pagpatak ng alas dose, sabay-sabay kaming lumabas papunta sa karinderyang lagi naming pinagkakainan, at syempre kasama na naman si Sir Calvin. Pakiramdam ko nga, gustong gusto niya ring makihalubilo sa mga katrabaho namin, lalo na at sobrang joker sina Benj at Annie.
Nilabas ko muna saglit ang cellphone. Napangiti ako lalo nang mabasa ang chat ni Raven. Siguro nga, mas okay 'tong ganito. Masaya akong hindi na siya cold kagaya no'ng mga nagdaang araw. Sabado naman ngayon kaya wala siyang pasok.
RAVEN
11:23 PMRaven: kain hahahhaha
12:34 PM
Arabella: Papalabas pa lang kami.
Raven: sino kasama mo?
Arabella: Sina Annie.
Arabella: Mga katrabaho ko. Ikaw?
Raven: tapos na hhaaha
seen at 12:46 PM"Arabella," napalingon ako kay Sir nang tawagin ako. Naseen ko na lang ang message ni Raven. Itinago ko na lang din ang cellphone bago humabol sa kanila. Nahuhuli na pala ako sa paglalakad.
"Kahapon kayo nagpagupit?" Tanong niya habang sabay kaming naglalakad. Tumango lang ako bilang sagot.
"Bagay sa 'yo."
"Ha?" Maang na tanong ko na sinagot niya lang ng ngiti. Imbes na magsalita pa ay hinila niya na ako pahabol kina Annie. First time yatang napuri ako ng lalaki. I mean, hindi niya naman directly sinabi na maganda ako pero good thing na sigurong sabihan ako na bagay sa 'kin 'tong gupit 'di ba?
"Annie, hindi ko mauubos 'yan." Reklamo ko habang nakatingin sa plato ko na tinatambakan ni Annie ng kanin. Siya kasi ang katabi ko kaya ayan, kung ano anong nilalagay sa plato ko.
"Ubusin mo 'yan, ang payat mo." Sagot niya bago nagsimulang kumain.
"Oo nga naman, Arabel. Damihan mo naman kain mo palagi." Komento ni Lalaine na sinang-ayunan nilang lahat.
"K." Lagi na lang talaga nila akong napupuna. Kasalanan ko bang payat talaga ako? Kahit naman damihan ko ang kinakain, ganito na talaga ako. Para sa 'kin hindi naman ako payat, sakto lang naman. Matangkad lang siguro ako kaya napapayatan sila. Pagkatapos naming kumain, bumalik din naman kami agad sa trabaho.
Akala ko talaga, aabutin pa ako ng ilang araw para sa story na 'to. Hindi ko alam na kaya ko palang tapusin ngayong araw. Napaunat ako ng mga braso habang tinitingnan ang oras. Alas nuwebe na pala sa gabi. Wala na halos lahat ng katrabaho namin pero nandito pa rin si Annie.
"Annie," agad naman siyang napalingon sa 'kin. May suot siyang anti-radiation na salamin. "Hindi ka pa ba uuwi?"
Inalis niya ang salamin saka tiningnan ang orasan. "Sige na nga uuwi na rin. Tapos ka na?" Dumungaw siya sa mesa ko at tiningnan ang file na kasalukuyan kong sinesave.
BINABASA MO ANG
Indestructible Love
RomanceSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...