"Nasa'n na ba 'yon si Annie?" Tanong ko habang ginagala ang paningin sa kabuuan ng paligid. Hindi ko siya makita.
"Kasama ni Leo, ihahatid niya raw. Lasing na lasing." Napalingon ako kay Sir Calvin. Nasa may parking lot na kami. Mag-aala-una na nga yata pero heto at nag-uuwian pa lang kami.
"Ha? Pero hindi niya pa gaanong kilala ang Leo na 'yon."
"Don't worry, mabait si Leo. Itetext ko siya, okay?" Malumanay na sabi niya kaya kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko. Bakit ba kasi naglasing pa si Annie. Palibhasa'y day-off niya nga pala bukas.
"Hatid na kita." Bagsak balikat akong napatango. Alam ko namang hindi ako maihahatid ni Raven dahil nandito na si Melissa. Narinig ko pang inaaway siya ni Melissa dahil nakita nitong hindi niya suot 'yung engagement ring nila.
"Halika na, may trabaho pa bukas." Napatango na lang ulit ako saka kami sabay na naglakad papunta sa kotse niya.
"Calvin!" Sabay kaming napalingon dahil sa tumawag sa kaniya. Tiningnan niya ako saka nginitian at sinabing saglit lang. Nginitian ko naman siya pabalik saka nanatili sa pwesto ko.
Napalingon ako sa gilid at nakita si Raven, hindi siya nag-iisa dahil wagas kung makadikit sa kaniya si Melissa. Seryoso ang mukha ni Raven at para bang sanay na sanay na siyang ganoon si Melissa. Kung hindi lang talaga siya mas bata sa akin, talagang papatulan ko 'yon.
Napailing na lang ako dahil sa mga pinag-iisip.
"Tara na?" Napaangat ako ng tingin kay Sir Calvin. Mukhang nagpaalam lang 'yung tumawag sa kaniya kanina.
"Calvin!" This time, high pitched ang boses ng tumatawag sa kaniya. Napataas yata ang kilay ko nang makitang hila-hila niya si Raven papunta sa gawi namin.
"Oh, Hello Arabella!" Gaya noong unang pagkikita namin, hinila niya ako at binesohan sa pisngi. Napangiti ako pero alam kong ngiwi ang resulta no'n.
"Ang daya niyo. Kung hindi dahil kay Leo, I wouldn't know na may party pala rito." Aniya saka nagcross arms. Tinawanan lang siya ni Sir Calvin saka nagsorry at sinabing nakalimutan niya dahil sa dami ng ginagawa. Kahit alam ko namang sinadya niya 'yon.
"Hey, stop looking at my fiancé!" Nagulat ako sa malakas na sigaw niya. Napansin ko na lang na nakataas na ang kamay niya. Mabuti na lang at maagap sina Sir Calvin at Raven. Inilayo ako ni Sir Calvin habang pinipigilan ni Raven ang kamay ni Melissa. Nanginginig ito sa galit.
Sasaktan niya ba ako?
May rule bang bawal akong tumingin kay Raven? Bakit hindi ko alam? Gusto ko na lang matawa.
"Melissa, napatingin lang siya sa gawi ni Raven at kasama ko siya." Nangungunot noong sabi ni Sir Calvin. Halos tumaas na rin ang boses niya.
"I'm sorry." Kumalma naman siya agad saka mabilis akong nginitian. Nilapitan niya ako at hinawakan sa magkabilang kamay. Gulat ako at hindi alam kung anong gagawin. "You're Calvin's girl right?" Tanong niya saka paulit-ulit na umusal ng sorry. Napatango na lang ako kahit na hindi naman ako girlfriend ni Sir Calvin.
Aniya'y ayaw niya lang na may ibang tumititig kay Raven. Napaisip tuloy ako. Kung tinitigan ko ba si Raven noong una naming pagkikita, sasaktan niya rin ako?
"Melissa, tara na. Naghihintay ang driver mo." Mahinahong saad ni Raven saka tinuro ang van na naghihintay sa gilid. Mabilis pa sa alas kwatrong lumapit sa kaniya si Melissa. Niyakap siya nito.
"Can't you drive me home?" Maarteng tanong niya.
"I can't. May klase pa ako bukas." Napakagat labi ako nang bahagya niya akong sinulyapan.
BINABASA MO ANG
Indestructible Love
RomanceSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...