"Pasok ka." Sinalubong ako ng nakabathrobe lang na si Annie. May mga nakalagay ng pangkulot sa buhok niya.
"Te, pakimakeup-an din siya." Aniya sa isang baklang nakatayo sa gilid. Nginitian naman ako no'n kaya nginitian ko na lang din pabalik.
"Upo ka rito." Ginawa ko ang sinabi niya. Nasa kwarto kami ni Annie. Ang laki ng kwarto niya, meron pang malaking salamin kaya nakaupo kami sa harap no'n. Dalawa ang make-up artist na nandito.
"Simple lang sana." Tugon ko sa baklang naglalagay ng foundation sa mukha ko.
"Sinabihan ko na sila. Ano ba naman kasi 'yan, alas siyete na o." Reklamo ni Annie habang inaayos ang buhok niya.
"Oo na nga. Nalate ako ng gising pero nandito na ako o." Natatawa na lang ang dalawang make-up artist na nandito dahil sa kung anong pinag-uusapan namin ni Annie. Inirapan lang niya ako bago naupo nang maayos.
Mag-aalas otso y media kami natapos. Dahil nga simple lang naman ang make-up sa 'kin, mabilis lang. Hinayaan ko na lang din ang buhok na nakalugay dahil medyo maiksi lang naman 'yon. Medyo inayos lang nila kaya nagmukha akong tao. Gaya nga ng sinabi ni Annie, may extrang gown siyang nakalaan para sa 'kin. Kulay pink. Aniya'y magpipink ang mga babae.
"Wag ka nang magulat mamaya ha? Nandoon si Sir Pogi."
"Bakit naman? Akala ko ba ako lang ang ininvite mo?"
"Gaga. Kakilala ng magiging asawa ni Ate si Sir Pogi." Tumango-tango na lang ako saka kami sumakay sa kotseng nakaparada sa labas ng condo niya. Feeling ko nga medyo maaga pa kami pero sabi niya ay sakto lang daw 'yon.
Pagdating sa simbahan, sobrang dami na ngang tao. Nakaformal attire silang lahat at ang ganda tingnan. Ganito pala talaga ikasal ang mga mayaman. Ang bongga. Kinasal din naman si Adele sa simbahan at maganda naman na 'yon pero ibang klase pa rin talaga 'tong nakikita ng mga mata ko.
Medyo nahihiya nga ako dahil sinama ako ni Annie sa hilera ng family niya. Tinalo ko pa tuloy ang mga pinsan nila na nasa ibang row. Hindi na lang ako tumatanggi dahil malamang, mas mahihiya ako kung sa kanila ako makikihalubilo. Saktong alas diyes, nagsimula ang seremonya ng kasal.
"Wow." Bulong ko habang tinitingnan ang Ate ni Annie na naglalakad sa aisle. Hindi masyadong revealing ang suot niyang puting gown pero nagsusumigaw naman ito ng pagiging elegante. Ang ganda niya.
Kahit hindi naman ako ang kinakasal, kinikilig ako sa nakikita. Titig na titig kasi sa kaniya 'yung groom.
Akala ko, mabobored ako dahil kasal 'to ng ibang tao pero namalayan ko na lang ang sarili na attentive hanggang huli. Hindi ko maiwasang kiligin at matuwa. Maiyak habang nagpapalitan sila ng vows, dahil sobrang emotional sila pareho. Tuwang-tuwa ang lahat, lalo na sa linyang.
"You may now kiss the bride."
Nagtagal pa kami doon dahil sa picture taking at kung ano-ano pa. Hindi ni Annie binibitawan ang kamay ko. Siguradong alam niya naman na hindi ako kumportable sa ganito karaming tao. Lalo na at lahat sila, mayaman at may kaya sa buhay.
Mag-aalas singko na sa hapon natapos ang reception ng kasal. Maaga pa nga 'yon. Akala ko kasi gabi na matatapos, pero sabi ni Annie maaga rin daw kasi ang simula ng wedding ceremony kaya gano'n.
Nagkita naman kami ni Sir Calvin sa simbahan at kahit sa hotel pero sa dami ng tao at ng kasama niya, hindi na kami nakapag-usap pa. Hindi rin kasi ako umaalis sa tabi ni Annie. Nga lang ayon, nananakit ang panga ko sa kangingiti.
Dahil sa pagod, pabagsak akong nahiga sa kama pagkauwi. Suot ko pa nga 'yung gown. Bukas ko na lang siguro 'to isasauli kay Annie o baka kapag nalabhan ko na.
BINABASA MO ANG
Indestructible Love
RomanceSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...