"Ang saya saya mo palagi, lately." Puna ni Annie matapos naming maglunch. Nginitian ko lang siya bilang sagot.
"Ganiyan ba talaga kapag na-meet na ang parents?" Saka niya 'ko siniko. Medyo lumakas kasi ang loob ko simula no'ng naglunch kami sa Mansion na 'yon at nakausap ko si Tito Albert. Masaya lang ako kasi naiintindihan niya kami ni Raven.
"Pero girl, sure ka bang walang nangyari sa inyo?"
"Annie!" Sita ko saka siya kinurot sa tagiliran. Ilang beses niya nang tinatanong sa akin 'yon. Aniya'y sobrang good boy naman daw ni Raven kung hindi man lang ako hinalikan no'ng nasa kwarto niya o bahay ko. Kinukulit ako ni Annie. Hindi lang daw talaga siya makapaniwala na may mga lalaking ganoon ka-gentleman.
"Seryoso, hindi pa kayo nagkiss?" Tumango ako bilang sagot. Mas mabuti na 'yon, malay mo unang halik namin sa mismong kasal. Wala naman sigurong masama kung mag-iilusyon ako.
"Tingin mo ba may first kiss na 'yon?" Pang-uusisa ni Annie kaya bigla akong napaisip.
"Hindi malabo. Mayroong Melissa'ng patay na patay sa kaniya. At isa pa, lalaki siya at gwapo." Sagot ko na lang. Hindi naman big deal 'yon sa akin. Basta alam kong ako ang mahal niya, okay na sa 'kin 'yon.
"Sabagay... Siguro maniwala ako kung si Sir Calvin 'yung wala pang first kiss." Untag ni Annie kaya nagkatinginan kaming dalawa at sabay na napahagikhik. Halata naman kasi kay Sir Calvin na virgin na virgin pa siya. Jusme, mukha siyang nerdy type sa totoo lang na walang salamin at gwapo. Siya 'yung tipo ng taong maayos at masyadong organize sa gamit.
"Nga pala, nahingi mo na ba number ni Leo?"
"Hindi pa." Inirapan niya 'ko saka naunang nagmartsa papasok sa opisina. Palagi ko kasing nakakalimutan hingin kay Raven, kahit na palagi kaming magkasama gabi-gabi. Sinusulit ko lang talaga 'yon.
"Oo na. Hihingin ko mamaya." Untag ko saka siya sinundan. Nangintab ulit ang mga mata niya dahil sa pagkagalak. Tinanong ko siya noong una kung bakit kukunin niya pa ang number. Tingin ko, iniisip niyang siya na lang ang gagawa ng first move. Pinangaralan ko naman na siya na maging careful sa actions niya lalo pa at playboy 'yung Leo. Sabi niya, alam niya ang ginagawa kaya ayon wala pa rin akong nagawa sa huli. Aniya'y nandito naman daw ako kapag niloko siya no'ng Leo na 'yon.
Napadako ang tingin ko sa maliit na kalendaryo, malapit na palang magpasko. Two weeks na lang. Nakuha ko na rin 'yong Bonus ko kaya naman nakabili na ako ng sala set. Nakakahiya kasi dahil minsan, iniimbitahan ko na si Annie doon. Natuwa nga siya nang makitang nagkakalaman na ang bahay ko. Nagiging babae na raw ako kahit papaano.
Day-off ko rin bukas kaya balak ko sanang dalhin at ipakilala na si Raven kina Mama.
Tungkol kay Melissa, wala pa akong balita sa kaniya. Sa pagkakaalam ko'y paminsan-minsan lang siya bumisita kay Raven sa ngayon dahil busy rin siya sa trabaho. Isa siyang sikat na model. Maganda naman kasi talaga si Melissa, hindi ko lang gusto ang style niya dahil masyadong revealing. Bukod pa ro'n, hindi ko gusto ang ugali niya.
"Girl, tara na." Pag-aaya ni Annie kaya sabay na kaming lumabas ng opisina para umuwi.
"Hi, Sir Calvs." Bati niya nang makita si Sir Calvin na nakatayo sa gilid. Tinanguan lang kami nito kaya nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad.
Magmula no'ng punta ko sa Mansion, mas lalo siyang naging malayo sa 'kin. Kung noon, paminsan-minsan na lang namin siyang nakakasabay sa lunch, ngayon hindi na talaga. Para bang bumalik kami sa dati, pero baliktad. Siya ngayon ang umiiwas sa akin. Wala naman akong ibang magawa kundi hayaan siya.
"Alam mo, kitang-kita ko noon kay Sir Calvin kung paano ka niya titigan, ngitian. Kaya alam kong gustong-gusto ka talaga niya. Sayang lang at may Raven na ang heart mo. Malas niya at kapatid niya pa ang karibal." Hindi na lang ako umimik at hinayaan si Annie sa sinasabi niya. Sabi niya, ang manhid ko raw. Pero hindi niya rin naman daw ako masisi. Torpe si Sir Calvin at halos hindi masabing gusto niya ako.
BINABASA MO ANG
Indestructible Love
RomanceSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...