"Okay na ako, Anak." Nakangiting tugon ni Mama matapos namin siyang maiupo sa wheelchair. Gamit ang kotse ni Sir Calvin, naihatid namin siya sa bahay.
Nginitian ko naman siya pabalik. Isang linggo yata o higit pa ang nakalipas. Doon kami sa hospital nagnew year. Tapos na rin ang first printing, pero heto pa rin ako at tulala, hindi makausad sa nangyari no'ng gabing 'yon.
Pagkatapos ng usapan namin ni Raven, hindi na siya muling nagpakita pa sa akin. Wala rin siyang text o tawag sa cellphone niyang naiwan sa akin.
"Ako na rito, 'nak." Tinanguan ko si Papa saka siya hinayaang itulak papasok ng bahay ang wheel chair ni Mama.
"Salamat." Napabuntong hininga lang si Sir Calvin nang marinig ang sinabi ko. Hindi ako nakapasok sa trabaho dahil palagi lang akong nasa hospital.
Nakakatawa nga. Ito pala ang dahilan kung bakit maaga kong natapos 'yung trabaho ko. Aabsent ako dahil kay Mama. Ito yata ang first time na hindi ako nanghinayang sa sweldo. Mas mahalaga naman kasi sa akin si Mama.
Si Annie naman, paminsan-minsang dumadalaw. Sa hospital din siya nakilala nina Mama at Papa. Pati na rin ng mga kapatid ko. Patuloy naman si Mama sa pagpapagaling, hindi pa siya makakapagturo at sa tingin ko'y next school year na siya makakabalik. Kahit papaano'y, malaki ang pasasalamat kong walang nangyaring grabe at mas masama sa kaniya.
"Papasok ka na ba bukas?" Tumango lang ako. Siguro napansin ni Sir Calvin na wala ako sa mood makipag-usap kaya agad din siyang nagpaalam. Pumasok na lang din ako sa bahay.
"Anak, magtrabaho ka na bukas. Okay na ako rito. Nandito naman ang Papa mo e."
"Pero Ma---"
"'Wag nang matigas pa ang ulo." Napabuntong hininga na lang ako saka um-oo.
Gabi na ako nakauwi sa bahay ko. Nakakapanibagong walang bodyguard ang nakatayo roon pero alam kong ligtas na ako. Sigurado naman akong magkasama sina Raven at Melissa sa mga oras na 'to.
Napangiti ako nang mapait. Matagal akong hindi natulog dito, umuuwi lang para magpalit ng damit. Napabuntong hininga ako habang ginagala ang mata sa kapaligiran. Sanay naman akong mag-isa rito pero pakiramdam ko ang laki ng nawala sa bahay na 'to. Siguro dahil ilang araw ring umuwi si Raven dito.
Raven...
Napakagat labi ako. Pinipigilan ang paghikbi. Miss na miss ko na siya. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi no'ng gabing 'yon pero alam kong hindi kami pwede. Lalo na at maraming madadamay.
Dinala ako ng mga paa sa kwartong tinulugan niya noon. Amoy na amoy ko pa ang pabango niya. Nandoon din sa maliit na cabinet ang iilang piraso ng mga damit niya.
Ang dami kong gustong isumbat sa kaniya. Isang beses ko lang siya sinabihan na lumayo, ginawa niya nga talaga. Hindi ko naman siya masisi, ginusto ko rin namang palayuin siya para wala nang iba pang masasaktan dahil sa amin, kahit na hindi naman talaga naging kami.
Naisipan ko na lang na lumabas doon. Masyadong masikip ang kwartong 'yon para sa nag-uumapaw na alala namin ni Raven.
Naupo ako sa gilid, sa tabi ng kama ko. Doon ko ibinuhos lahat ng iyak. Ganito ako palagi, uuwi rito para umiyak. Pagsisihan ang lahat ng naging desisyon sa buhay tapos sa huli, maiisip ko ring tama 'yon. Ang gulo ng utak ko.
Maging si Annie, hindi niya alam kung anong iaadvice sa akin. Ang gulo talaga.
Lumipas ang oras na gano'n lang ako magdamag. Nakakapagtaka ngang hindi nangalay ang mga binti ko at hindi rin ako lumuha ng dugo. Halos hindi ko na nga maidilat ang mga mata dahil sa grabeng pag-iyak.
Napatingin ako sa cellphone ni Raven, dala ko 'yon palagi kahit na wala akong natatanggap ni isang tawag o text galing sa kaniya.
Pagdating sa opisina, agad akong nagtrabaho. Kahit na horror ang genre ng librong ipupublish namin, wala akong kabuhay-buhay.
Napabuntong hininga si Annie nang makita ako. Napailing-iling siya saka ako nilapitan.
"Hanggang kailan ka ba ganiyan? Hindi ako sanay." Malumanay na saad niya saka ako niyakap. Ayon, bumukas na naman ang gripo na nagpoproduce ng mga luha ko. Iyak na naman ako nang iyak.
"Tara nga, doon tayo sa pantry." Pag-aaya niya. Pinunasan ko na lang ang mukha saka tahimik siyang sinundan.
"Nabalitaan ko kay Leo na sa January 27 daw ang kasal. Sa birthday ni Melissa." Napaiwas lang ako ng tingin. Sinabi na rin 'yon sa akin ni Sir Calvin.
"Mukhang minadali ang preparation." Tumango na lang ako saka uminom ng malamig na tubig.
"Ara... Hindi naman sa nangingialam ako..." Tumigil siya saglit sa sinasabi. "Pero sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Okay lang sa 'yong habang buhay na maitali si Raven sa babaeng 'yon?"
"Mas mabuti na 'yon." Tugon ko saka siya tinalikuran. Napabuntong hininga ulit siya saka ako hinarap sa kaniya.
"Mahal na mahal niyo isa't-isa tapos ganito lang pala. Ara, baka naman may iba pang paraan?"
"Annie, ayokong madamay kayo. Hindi titigil si Melissa hangga't hindi magiging kaniya si Raven."
"Hays. Bwisit na babae 'yon. Nakakainis." Iritableng saad niya. Hindi na lang ako sumagot pa. Bumalik na lang ako sa trabaho saka muling inedit ang content no'ng story.
-----------
Lantang gulay.
'yon ako nitong mga nakaraang araw. Iiyak buong magdamag, ilang oras lang yata ang naitutulog ko. Papasok nang lutang at magtatrabaho. Hindi ko na nga alam kung maayos pa ba ang ginagawa kong pag-edit.
Pinapasadahan lang ako ng oras. Nakakatawa. Halos hindi ko na nga mabilang kung ilang araw 'yung nagdaan. Biglang nawalan ng kulay ang buhay ko.
Nagitla ako nang mayroong kumatok sa mesa ko. Nakatayo sa gilid ko si Sir Calvin. Hindi siya nakangiti.
"Mag-usap tayo." Tugon niya saka ako hinawakan sa pulsuhan at hinila. Kita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang mga nag-aalalang tingin ng mga katrabaho ko, na naging kaibigan ko na rin kahit papaano.
Binitawan niya ako pagdating sa parking lot. Napabuntong hininga siya saka hinilot ang sentido niya. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Siguro naiinis?
"Bakit?" Mahinahong tanong ko.
"Ano bang pinaggagawa niyo sa buhay niyo?" 'yon ang tanong niya. Mahihimigan ang pagkainis sa boses niya.
"Hindi na kita halos makilala. Si Raven ayon, balak na yatang maging adik." Napasingap ako nang marinig 'yon. Aniya'y walang ibang ginawa si Raven kundi uminom galing skwela, manigarilyo.
Ngayon lang yata ako nagkaroon ulit ng balita sa kaniya, maliban na lang sa nalalapit nilang kasal ni Melissa. Hindi ko maiwasang mag-alala. Gusto ko siyang makita ngayon mismo pero alam kong hindi pwede. Gugulo lang ulit ang lahat.
Iratable niyang naihilamos ang palad sa mukha. Pati sila ni Annie sobrang namomroblema.
"Bukas na ang kasal." Aniya matapos makalma ang sarili.
"Kung alam ko lang na sa ganito kayo mauuwi, tinuloy ko na ang panliligaw sa 'yo." Hindi ako nakaimik. Para akong batang pinapagalitan niya.
"Mahal pa rin kita Arabella." Aniya saka ako hinawakan sa braso. "Tinigilan ko dahil alam kong si Raven ang gusto mo... kaya ano 'to? Anong ginagawa niyong dalawa?"
"Sorry." Napayuko ako. "Ginawa ko lang 'yon para walang ibang taong madamay pa. Mahal ko si Raven pero hindi ko kayang mawala sina Mama, ang mga kaibigan ko."
Napailing-iling siya. "Bukas, pupunta tayo sa kasal. 'Yon naman ang gusto mo hindi ba? Siguro naman kaya mong panoorin."
'yon ang huling sinabi niya bago ako iniwan. Naupo na lang ako sa gilid saka nag-iiyak.
Gusto ko ba talaga 'to? Kaya ko ba silang panoorin sa altar?
BINABASA MO ANG
Indestructible Love
RomanceSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...