"Ang sakit ng ulo ko." Reklamo ni Annie saka siya naupo sa silya. Naiiling na lang ako saka siya isinabay sa pagtimpla ng kape. Kabaliktaran ko ang gusto ni Annie sa kape, kung gusto ko ng dark at walang creamer, mas gusto niya naman 'yung matamis.
"O. Ayan, bar pa more." Pang-aasar ko saka siya tinabihan. Alas diyes na at kararating niya lang tapos heto af inaya niya akong magcoffee break. Pumayag na lang din ako. Mahaba pa naman ang panahon bago ang target date kaya okay lang naman siguro kung magkukwentuhan muna kami ng half day. Si Annie kasi ang nakatoka sa grammar habang ako naman sa content.
"'wag mo na nga 'kong asarin. Ang sakit na nga ng ulo ko e." Untag niya saka humigop sa kapeng binigay ko. "Ano ba 'to, ang tabang." Reklamo niya.
"Isa't-kalahating kutsara na ng asukal ang nilagay ko diyan." Inirapan niya lang ako saka siya naupo nang maayos.
"May ikukwento ka pa sa 'kin. Spill mo na girl." Sa sinabi niyang 'yon, bigla ko na namang naalala si Raven at 'yung nangyari kagabi.
Para sa 'kin, tama ang desisyong ginawa ko. Ayoko ulit na magmukhang desperada sa harap niya. 'yung isang sorry lang natutunaw na 'yung galit.
Napabuntong hininga na lang ako saka kinuwento kay Annie ang mga nangyari, maliban sa nalaman kong engaged na si Raven. Maging ang pag-amin ko kay Sir Calvin na may nagugustuhan na akong iba.
"Sinabi mo bang si Raven 'yung gusto mo?"
Umiling ako. "Hindi. Hindi niya nga alam na matagal na kaming magkakilala ng kapatid niya e." Napahawak ako sa ulo dahil bahagyang nananakit 'yon. Kainis. Hindi na kinakaya ng utak ko ang mga nangyayari sa buhay ko.
"Sabagay." Napabuntong hininga siya. "Jusko, magkapatid na mayaman at pogi pa ang magkaribal sa 'yo."
"Pero Annie..."
"O?" Sinulyapan niya ako habang sumisimsim siya sa kape niya.
"Engaged na si Raven."
"Ano?!" Naibuga niya pa ang kapeng iniinom. Nagpapasalamat na lang ako dahil wala ako sa harapan niya. Baka nabugahan na ako ng kape ng mga oras na 'to.
"Puteks. Tama ba ang pagkakarinig ko?" Tumango na lang ako. Gaya ng inaasahan, galit na galit si Annie. Halos namula pa ang mukha niya dahil sa sobrang galit. Hindi ko tuloy alam kung paano siya pakakalmahin. Lumalakas na rin ang boses niya.
"Tangina. May girlfriend ang lalaking 'yon tapos ang lakas ng loob niyang landiin ka? Ang unfair niya. Ang selfish. Tapos ngayon gusto niyang kausapin mo siya? What the fuck."
"Annie, kumalma ka. Baka marinig ka na sa labas." Nawala yata ang pagkahilo niya na dulot ng hang-over. Aligaga ako sa pagpapakalma sa kaniya dahil kilala ko si Annie, mabait siya pero iba siya kung magalit.
"At saka ako rin naman 'yung nagpumilit. Ilang beses niya 'kong sinubukang layuan, kaya nga minsan cold siya. Ako lang 'yung mapilit."
"Kahit na! Arabella, alam niyang engaged na siya. Hindi na dapat siya kumekerengkeng pa sa social media."
"Annie." Saway ko dahilan para mapabuntong hininga siya. Nangungunot ang noo niya habang tinitingnan ako nang masama.
"Wag na 'wag ka nang makikipag-usap pa sa lalaking 'yon. Ang gago masyado." Marami pa siyang sinabi. Mabuti na lang at dumating si Benj, kaya kahit papaano'y napakalma ko si Annie.
"Anong ganap dito?" Clueless na tanong niya.
"Wala. Magtimpla ka na diyan 'wag mo kaming intindihin pa." Tinaasan niya lang ako ng kilay pero wala naman siyang ibang sinabi.
Nakumbinse ko naman si Annie na bumalik na lang kami sa kaniya-kaniyang pwesto at magtrabaho na sinunod niya rin naman. Mabuti na lang at mabilis humupa ang galit niya, maya-maya lang ay nakikijoke na siya kina Lalaine.

BINABASA MO ANG
Indestructible Love
RomanceSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...