Indestructible ❤️ - Chapter 9

31 4 0
                                    

"Congratulations sa ating lahat!" Nagpalakpakan kaming lahat matapos sabihin 'yon ni Sir J. Successful ang first batch ng printing. Lahat kami ay masaya habang nakatingin sa librong hawak niya.

"Gawa natin 'yon!" Masayang tugon ni Annie habang sinisiko ako. Iba talaga sa feeling kapag successful ang project namin, lalo pa kapag mataas ang sales. Siguradong masaya rin ang author ng story na 'yon. Sige na nga, inaamin kong maganda naman talaga ang story niya. Sobrang bitter lang ako sa love story ng dalawang bida. I mean, how come na pinag-aagawan ng apat na lalaki 'yung bidang babae samantalang ako wala man lang kahit isa. Sige na, magulo na 'ko dahil ang bilis nag-iba ng opinyon ko samantalang hate na hate ko 'yung story noong ineedit ko pa lang.

"Inom. Inom. Inom." Chant ng mga katrabaho ko. Ayan na naman sila sa celebration. Bwisit talaga.

"Pass muna po ako." Pagpapaalam ko kay Sir nang sumang-ayon siya. Libre niya naman daw, pero ayoko talaga.

"Sumama ka na, Arabella." Umiling-iling na lang ako.

"Nako, kung wala lang talagang asawa 'yan si Sir." Bulong sa 'kin ni Annie habang sinisiko ako.

"Leche. Sino ba talagang mas trip mo? Si Sir ng kabilang team o si Sir natin?" Untag ko saka siya tinawanan. Pa'no ba naman ang hilig sa gwapo. Hindi na nakakapagtakang lahat ng ex niya ay gwapo.

"Si Sir Pogi pa rin." Humahagikhik na sabi niya na si Sir Calvin Bustamante ang tinutukoy.

"Doon ako sa single." Aniya saka ako kinindatan. Natawa na lang din ako. Halos lahat naman ng katrabaho namin ay pinagpapantasyahan 'yon. Nag-iisang single, pero ayon sa mga chismis na naririnig ko, muntik na raw 'yon magkaroon ng fiancé. Fixed marriage. Mga mayaman nga naman. Hindi ko lang alam kung bakit hindi natuloy at ayon, nanatili siyang single.

"Sama ka maya ha?"

"Ayoko." Tanggi ko saka ulit naupo sa pwesto ko. Luckily, nangangalahati na ako sa naunang story. Binigay ko na nga kay Annie ang isa no'ng natapos siya sa gawain niya.

"KJ. Wala ka naman ng magagawa 'pag hinila kita e." Aniya saka ako binelatan. Hindi ko na lang pinansin.

Actually, maganda 'tong story na tinatrabaho ko. Serial killings. Natripan ko rin 'yon dahil talagang pinanindigan 'yung genre na thriller/mystery. Meron namang romance pero sobrang kakaunti, and I think mas okay 'yon.

"Uy, tara na." Pag-aaya ni Annie saka sunod-sunod na kinatok ang mesa ko. Napakamot na lang ako sa ulo saka napilitang sinave ang ginawa bago in-off ang computer.

"Ayoko nga e." Pinandilatan niya 'ko ng mata habang busy siya sa paglalagay ng foundation.

"Oo na. Sige na nga." Napangiti siya nang malapad sa sinabi ko. "CR lang ako." Untag ko saka mabilis na kinuha ang bag at dumiretso sa CR. Hindi naman talaga ako naiihi. Tatakasan ko lang siya. Isinara ko ang takip sa bowl saka naupo doon. Kinuha ko na lang din ang cellphone sa nag-online.

RAVEN
4:38 AM

Raven: good morning

12:27 PM

Raven: kain hhaha

6:45 PM

Arabella: Ayoko nang lumabas sa CR.

Raven: lbm ba? Hahhaha

Arabella: Bakit lagi kang online? Hindi ka busy sa school?

Raven: sakto lang

Raven: ganon talaga pag gwapo

Raven: magaling sa time management

Indestructible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon