CHAPTER 4:Vein's POV:
Matapos kong pumunta sa wash room, dumeretso na ako sa canteen, na una na yung mga gaga sa akin, nagugutom na daw sila eh, kaya pinauna ko na.
"Naka order na kami KenV, umorder ka na lang ng iyo dun,alam mo bang ang haba ng pila dyan kanina, naku naku maiistress ang beau... " Naputol na sasabihin ni bunganga, dahil tinalikuran ko na sya, pati ba naman pila dinamay pa, kuda ng kuda eh.. Tsk,tsk..Naiiling na lang ako dito.
Nasa pila na ako, nang may umalingasaw na sobrang bango sa likuran ko, parang ang sarap amuyin nito, kaya lumingon ako, ganon na lang ang pagkadismay ko ng makita ang leader ng ZACORAYJER, nubayan sa dami ng taong pwedeng magmayari ng pabangon iyon bakit ito pa?, napairap na lang ako ng makita bumaba ang tingin nito sa akin, humarap na lang ako ng makitang ako na ang sunod sa pila, oorder na sana ako ng magsalita yung nasa likuran ko.
"Whatzupp!! Miss. Bubble gum?, hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo kahapon sa akin" bulong nito sa tenga ko, ramdam kong nagtaasan ang balahibo ko sa batok, halatang nangigigil ito sa ginawa ko sa kanya.
"Hindi mo talaga makakalimutan iyon, ikaw ba naman sabuyan sa mukha ng Chocolate cake,malilimutan mo pa kaya yon?"Nakangising ani ko dito, bagama't hindi nito kita dahil na katalikod ako sa kanya.
"Aba't,sasapakin ko na to eh! " Galit na ani nito sa akin.
"Relax Bud.. Babae yan" Ani nung Jerson na ito sa kalmadong boses.
"Tomboy yata to eh!" Ani ulit Reian.
"NEXT!! " Sigaw na sabi ng tindera, hudyat na pwede na akong umorder.Agad naman ako lumapit dito.
"One spaghetti, coke in a can and one bowl of Cheese Flavored Fries." Order ko sa kanya, at bago pa to makaalis upung asikasuhin ang order ko sinabi ko na ihatid na lang sa upuan ko yung inorder ko, tinuro ko yung pwesto ko sa kanya, na syang sinangayunan nito.
Nang makabalik sa pwesto, kaya ko pinahatid ang pag kain ko ay dahil sa nainis ako sa sinabi ni Reian na tomboy daw ako hah! Ako tomboy? Sa itsura kong ito pag kakamalan pa akong tomboy?, bwisit sya... Grrrr!.
"Oh? Wala kang inorder?,ano lang ginawa mo dun nakipagchismisan kay Reian ha? " Nagtatakang sabi ni Rish sa akin ,isa pa tong baliw eh!.
"Anong Chismis chismis ang sinasabi mo dyan? "Nakakunot ko muntawi dito. Bakit kase wala dito si Vannah, wala tuloy matinong kausap,nagsama pa kase ito dalawa.
"Hoy! nakita namin kayong nag uusap ni Reian, bumulong pa nga sayo eh, ayiee sabihin mo nagsorry sayo?, naku naku makamandag pa naman yon,laging hakot award yan, mapababae man, o binabae nahuhulog kapag narinig ang boses niya, idagdag mo na ang angking kagwapuhan ng pinsan ko, ayiee! " Mahabang kuda ni bunganga, habang tinutusok ang tagiliran ko, animo'y kilig na kilig sa pinagsasabi niya. Inambahan ko sya ng suntok agad naman itong tumigil, saka tumawa, baliw!.
Nang malapag na ang pagkain ko, saka ko binigay ang bayad ko dito, kakain na sana ako ng mapansin na sobrang pula nung sauce ng Spaghetti, hindi ko na lang ito pinansin, nagugutom na talaga ako, mabilis kong sinubo ang spaghetti..... Ganon na lang ang pagkasamid ko ng malasahan ito, bakit? Maanghang ito?... Sunod sunod akong umubo...
"Tu....big.... ,Tu..big"sunod sunod kong sabi habang kinakalampag ang lamesa ko dahil hindi ako makahinga, agad namang tumalima si Rish, binigay niya sa akin ang tubig niya, nakalimutan kong may coke nga pala ako.
"What happen?, bakit sobrang pula ng mukha mo, tapos ubo ka pa ng ubo? "Nagaalalang tinig ni Rish.
"Ah.. Ang anghangang ng spaghetti ko.. " Ani ko sabay ubo ulit, napapatingin ang mga istudyante sa akin.
BINABASA MO ANG
You're My Veins
RomanceIsang babae nag mula sa US, umuwi sa pilipinas upang mag-aral. Veins ang pangalan niya, babaeng hindi aalis ng hindi dala ang kanya one of the most expensive chewing gum na ang tatak ay "Eclipse ". Nag aral siya sa pinakasikat na paaralan sa...