Chapter 22:Veins POV:
Naramdaman kong may umuuga ng aking balikat, kaya tumalikod ako dito, medyo inaantok pa ako, hindi pa naman na tunog ang alarm clock ko eh, kaya hindi muna ako gigising.
"Hoy! Gumising ka na dyan!!, Kailangan daw maaga!!, hoy!! Mahihirapan tayo maligo nito eh!!!" Narinig kong sigaw ni Chesca, kailan pa na punta sa kwarto ko tong si Chesca!?, wait!? Wala nga pala ako sa bahay!!!, sa sobrang gulat ko ay napaupo ako sa hinihigaan ko, at napalinga linga sa mga kasamahan ko.
Mga tulog pa ito, yung iba naman ay tiklop na ang higaan, at ang tatlong bibe na kagabi pa ungot ng ungot, kaya na puyat ako sa mga to, dahil puro bunganga na lang ang naririnig ko!, ayon mga bagsak! Tulog na tulog! Magkakayakap pa!.
"Bilisan mong kumilos! Para makaligo tayo ng maaga!" Natauhan lang ako ng paluin ni Chesca ang balikat ko! Medyo masakit iyon! Parang may galit sa akin, napakamot naman ako at sinabing hintayin na lang ako sa labas.
Inayos ko na muna yung hinigaan ko at kinuha na ang mga dapat kong gamitin sa paliligo, inayos ko pa ang cycling short ko na suot ko ngayon, hinihikab akong bumaba sa hagdanan, hinanap ng mata ko si Chesca na ngayon ay kausap si Pucha? Bakit kausap ni Chesca si Pucha?, kailan pa sila naging close?.
Nakita ako ni Pucha, kaya bigla na lang itong umalis, lumingon naman sa akin si Chesca, ngumiti ito sa akin, lumabas na din ako ng kubo at nilapitan ito.
"Bakit kausap mo si Pucha?" Yun kaagad ang bungad ko dito, medyo naging uneasy ang mukha nito, ngunit ngumiti rin sa akin.
"Bakit? Masama ba? Beside Mabait naman si Pucha! Hindi ninyo lang alam ang POV niya!, palibhasa tinitignan ninyo lang ang panglabas na anyo!" Ani nito sa akin, saka ako hinila sa kung saan.
Siguro tama nga sya, masyado ko lang na judge si Pucha, tinulungan nga ako ni Pucha eh!, hay siguro tama na ang paghihinala, naglakad kami sa lugar kung saan may hindi ko alam na tawag duon, basta may lumalabas na tubig duon everytime na magbobomba ka ng tubig.
Kokonti pa lang ang mga tao dito, marahil ay mga tulog pa ito, masyado kaseng maaga pa, pero ganon naman talaga sa camping diba? Dapat maaga kang magising para hindi ka mahuli sa pila ng paliguan, masyadong mahirap yun!.
"Ano yung tawag dyan?.." Parang batang palatanong kong ani kay Chesca, na medyo natawa sa akin, at napairap saka sinabi ko.
"Ang tawag dyan ay Poso! Mag iigib tayo ng tubig at dadalhin dun sa CR na yon." Ani nito natinuturo ang CR na gagamitin namin, nanlaki naman ang mata ko ng makita ang CR na yon.
What!? Hindi kaya makitaan kami kapag naligo kami dun?, kagabi naman ay maganda ang CR na pinaliguan ko!?, bakit ngayon dyan na kami maliligo!?, alam ninyo yung ginawang paliguan ay Gawa sa bamboo tree, tapos tinapalan ng kulay blue at Orange na water proof na ginagamit na pang bubung! Basta yon!.
"Yes dyan na tayo liligo! Kaya kung ako sayo ay magbobomba na ako sa poso ng tubig!" Natatawang ani ni Chesca sa akin na para bang nabasa ang nasa isip ko, saka dumeretso sa may poso, at nagbomba duon, habang ako ay nakatingin sa ginagawa niya.
"Need a hand?.." Napatalon ako sa gulat ng may isang pamilyar na amoy at boses ang bumulong sa tenga ko, ramdam ko ang tindig ng balahibo ko sa gulat, lumingon ako dito, wow! Bagong ligo! Mukhang maaga rin itong nagising, tinaasan ko to ng kilay.
"No thanks! I can handle it!" May confident kong sabi dito, saka lumakad sa pwesto ni Chesca ng makitang tapos na to at napahanga ako ng mabuhat niya ang isang balde ng tubig at saka ngumisi sa akin, at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa isa sa mga paliguan dito, Inilagay ko muna sa malapit na kahoy ang mga gamit ko atsaka pwenesto ko naman ang baldeng walang laman, na nakahanda na para sa akin. Ipwenesto ko na ito sa mismong pagdadaluyan ng tubig, pagkatapos ay pumunta ako sa hawakan ng poso at binigyan ng pwersa ito pababa, na syang naglabas ng tubig.
![](https://img.wattpad.com/cover/232906034-288-k126155.jpg)
BINABASA MO ANG
You're My Veins
RomanceIsang babae nag mula sa US, umuwi sa pilipinas upang mag-aral. Veins ang pangalan niya, babaeng hindi aalis ng hindi dala ang kanya one of the most expensive chewing gum na ang tatak ay "Eclipse ". Nag aral siya sa pinakasikat na paaralan sa...