CHAPTER 26

18 8 29
                                    


Chapter 26:

Reian's POV:

Tang na! Ang sakit! Bakit ba naman kase pumayag pa akong malayo sa kanya!? Nang makita ko ang luha sa mga mata nito kagabi, para akong dinurog, ayoko sa lahat ng makikitang nasasaktan sya dahil sakin, pero wala akong magawa! Ni hindi ko yata na iparamdam sa kanya ang tunay kong nararamdaman!.

Kaninang umaga, pagpunta ko sa cottage, wala pa si Veins kaya pumunta ako kung saan nagluluto ang mga stuff, nagpatimpla ako ng chocolate dahil sabi sa akin ni Pinsan, nung kumuha ako ng Napkin sa kanya para kay Veins, na itanong ko lang iyon, sabi niya ay favorite nito ay chocolate drink, kaya nagpagawa ako ng chocolate drink, at nilagyan ko iyon ng sticky note saka inilapag sa lamesa ng kubo, ng marinig kong may gumalaw doon sa taas, malamang gising na iyon, kaya iniwan ko na doon at bumalik sa cottage.

Nang makita ko itong masayang naglalakad papunta sa cottage, parang lumundag ang puso ko, dahil kaya iyon sa hot chocolate na binigay ko?, hmm.. Sana naman. Sasalubingin ko sana ito ng ngiti, ng bigla akong hawakan sa panga ni Chesca, at iniharap sa kanya, kumunot naman ang noo ko dito, kung hindi lang ako lalayo kay Veins, hindi ako para pumayag na makapartner ang babaeng ito!!.

"Tumawa ka Zahrt! Malay mo magselos si Veins diba!?" Biglang sabi ni Chesca, biglang nabuhay ang pag asa ko na may nararamdaman din sa akin si Veins, kaya nakipag tawanan ako kay Chesca, gustuhin ko man lumingon ay binalaan ako ni Chesca, hay... Sana talaga mag work.

Hindi ko na pigilan na hindi tumingin dito, kaya lumingon ako kay Veins, nakatingin ito sa akin, ngingiti na sana ako, ngunit umiwas ito ng tingin at umupo sa katabing upuan ni Jonas, para akong tumamlay, nakita kong ngumiti ito pabalik kay Jonas.

Pangiti ngiti pa syang nalalaman sa Jonas na yon! Eh mas magwapo ako dun!, lagyan ko ng zipper ang bibig ng lalaking ito!, tumingin ako kay Veins sakto naman na lumingon ito sa akin, kaya inilipat ko ang tingin kay Jonas, na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi habang kumakain, gusto ko syang ilibing ng buhay!, gusto kong suntukin sya dahil katabi niya ang babaeng gusto ko!, hindi manlang yata ito nagselos sa ginawa ko eh!, parang ako pa yata ang nagselos.

"Nagseselos sya Reian... Relax ka lang alam kong nagseselos sya" Biglang bulong sa akin ni Ches, tumingin ako dito, alam kong may mali sa Chescang ito, kaya kailangan kong malaman.

"Sana nga.." Yun lang ang sabi ko bago sinimulang kumain, paminsan minsan ay sumusulyap ako kay Veins, ngunit hindi man lang ako tinignan nito miski isa, hanggang sa tawagin ito, dahil nandun daw ang derma at nurse nito, dapat ay tatawag din ako ng medic, kaso nauna na pala sya, naiinis din ako dito ng sabihin nitong nadulas lang siya, bakit kailangan niyang pagtakluban ang kasalanan ng nanakit sa kanya?, kung wala syang gagawin pwes ako pinahahanap ko na ang mga lintik ng gumawa nito sa kanya.

Hindi na ako papayag na may mananakit pang muli sa kanya, hahanapin ko kung sino ang gumawa nito sa kanya, ayoko sa lahat kinakanti ang gusto ko, dahil sa oras na malaman ko kung sino sila, hindi na sila muling makakatapak pa ng paaralang pinangarap nila, wag nilang akong sagadin.

Veins POV:

"Miss veins, how did you get this... Scratches?" Doctor Polly said to me, when she held my hand and observed it, while Nurse Eli preparing the medical kit that will needed for my wounds.

I bite my lower lips, ngunit na pangiwi lang ako sa sakit. Nadadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba ang totoo, dahil alam kong sasabihin nila kay mom or dad, about what happen to me, iba magalit ang mga magulang ko kaya, hanggang kaya naming magkakapatid na hindi mapaaway ay ginagawa namin, dahil lagot ang mga ito sa magulang namin.

You're My VeinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon