CHAPTER 5

45 20 65
                                    


CHAPTER 5:

Stella's POV:

Naglalakad na ako papunta sa parking lot,dahil uwian na,dadaan kase ako kina Tita Grace mama ni Reian, may pinapasabi kase si daddy sa kanya,mag kapatid kase ang daddy ko at yung mommy niya.

"Bye guys!,ingat kayo hane?,dahan dahan lang ang pag dadrive ,baka maaksidente kayo, love you guys! Muah!" Masaya bati ko sa tatlo na ang mukha ay bagot na bagot ,bakit kaya?.Binuksan ko na ang driver seat ng kotse ko.

"Will go ahead ,take care!" ani Vannah saka pinaharurot ang sasakyan nito.

"Bye Stella! I love you too ,take care! Muah!" Masaya sabi ni Rish buti pa to laging malambing sa akin ,di tulad nung dalawa.hmp! Bad sila.

"Ingat ka ,ang dami mo pang sinasabi dyan bunganga" Grabe lagi na lang bunganga ang tawag nito sa akin,hindi naman ako madaldal ah?. Hindi na nito pinansin ang pag nguso ko ,sabay sila ni Rish pinaharurot ang sasakyan. Di man lang ako hinintay!.

Nang makaalis tinahak ko na ang daan papunta kina pinsan,syempre tumigil ako sa Dunkin Donut at starbucks,ito lang ang malapit na madadaanan.

Nang maparada ko na ang kotse ko sa parking lot ng bahay nila pinsan ,syempre mayaman,kaya parking lot na talaga ang itatawag ko ,sa laki ba naman ng bahay nito,este mansyon kung baga.

"Ma'am Stella, naparito po kayo " Ani ni manang puring,na sumalubong sa akin ng pumasok ako sa pinto.

Agad kong inabot dito ang pasalubong ko kina pinsan. Naagad naman nitong kinuha.

"Ito o paki abot na lang kina tita ,paki sabi na kailangan ko syang makausap hane ,Thank you manang Puring!" Nakangiting ani ko dito ,na syang sumunod naman sa sinabi ko.

"Oh? Bakit na padalaw ka yata Pinsan?" Nakangising sabi ni Kolokoy. Ngayon ko lang napansin na kompleto pala silang apat ,nakaupo sa sala nila, habang ngumunguya ng chitchirya.

Doon ko lang na pansin na nakatingin pala sa akin si Jerson ,ganon na lang bumilis ang tibok ng puso ko, hanggang ngayon ganto pa rin ang nagagawa niya sa sistema ko isang tingin lang nagaalburuto na ang puso ko. Agad naman akong umiwas ng tingin.

"Kakausapin ko kase si Tita Grace, Nandyan ba si tita?,nasan pala si Zakaria?" Tanong ko dito, ramdam ko pa rin ang tingin sa akin ni Jerson. Bakit ba na tingin ang isang to?.

"Oo nandyan ,wait mo na lang baba na yon, si Zakaria hindi ko alam kung nasa playground sa likod ,o nasa kwarto niya ,maupo ka muna" ani ni pinsan ,habang winewestra na maupo ako sa tabi ni Jerson , eh ayoko nga no. Ang dami daming upuan dito,dun pa ako pauupuin. Mag sasalita na sana ako ng unahan akong ni Raydon.

"Umupo kana ,wag ng maarte ,pagkakataon mo nang makaupo ,tatanggi ka pa" Nakangising ani nito,halatang inaasar ako ,palibhasa sila alam yung nararamdaman ko,pero yung isa manhid,nakatutuk lang sa isang babae.

"Ika nga Grab the Opportunity " Ani ni Coby ,aba gago to ah? Anong opportunity sinasabi nito? Opportunity na makatabi sya ulit? No way di na ko aasa pang muli.

"Ano mga pinagsasabi ninyo ah?,siraulo kayo!!,opportunity ,opportunity pa kayong nalalaman!"Nakakunot kong sabi sa dalawa na may kasamang pagtataray. Ang dalawang tange tinawan ako ,sabay ngumuya ulit ,matatakaw!.

"Anong tinitingin mo dyan?,kinagwapo mo na yan?" Masungit kong tanong kay Jerson na hindi na yata na alis ang tingin sa akin mula pa kanina ,hindi na lang ito sumagot ,basta na lang tong ngumisi sa akin,at saka kumain.

You're My VeinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon