CHAPTER 9:Veins POV:
"Wow! Grabe di ako makapaniwala na ang babaeng ito ay Archer!" Hindi makapaniwalang ani ni Stella sa akin, na ngayon ay isinusuot ang aking chest guard at arm guard sa Cr namin sa room.
"Paulit ulit mo na yan sinabi Stella, hindi ka ba nagsasawa?" Naiinis na ani ni Rish na bitbit ang gamit ko sa loob.
Kanina pa kaseng umaga nung makita ako ni Stella na may dalang bow, madaming nagulat na kaklase ko, hindi daw sila makapaniwala na marunong akong gumamit ng Bow, hindi naman kailangan ay lalaki lang ang naglalaro niyan, kaya rin naming mga babae, so ayun nga paulit ulit na lang akong tinanong ni Stella, na pano daw ako natuto, sino daw nagturo, hindi daw sya makapaniwala..Hay ano ba naman...Parang ngayon lang sya nakakita ng babaeng archer...
"Teka pwede bang sa laro ninyo ang naka crop top?" Nakakunot na ani ni Vannah sa akin , na ngayon ay iniipit ng pa pony tail ang mahabang pa alon alon kong buhok, pony tail lang naman ang alam kong iipit sa sarili ko hehehe! Kakahiya!...
"Oo naman, kahit isearch ninyo pa sa google ang sabi duon ay magsuot ka ng damit kung saan ka komportable, kaya ito ang suot ko dahil dito ako komportable!" Sagot ko dito, at kinuha sa may lababo ang finger tab na gagamitin sa kamay ko.
"Pero bakit sa mga kasale dun ay jeans at t shirt ang suot nila, o kaya pang PE!"
"Bakit sa suot ba ang basehan ng paglalaro ng Archery!?, makakakuha ba ako ng 30 points kapag nakigaya rin ako ng suot sa kanila Ms. Hazumi?" Mataray na ani ko, saka naman sinuot ang aking quiver na maylaman na limang kulay sky blue na arrow sa dulo nito.
"Hayaan mo na yan si Veins!, alam niya ang ginagawa niya, tignan mo nga o?! Mukhang model sa suot niya! Kanya kanyang Style lang yan!"
"Oo nga Vannah! Ang ganda kaya ni KenV, look o!!, Tapos ang hot pa niya tignan sa itsura niya!..Hindi mo naman gusto ang all black ano?"
"Hindi naman all black ah?! Tignan mo yung aking buhok may blue, tignan mo ang arrow ko may blue, yung bow ko ay may blue, so tell me all black ba talaga ang nakikita mo??"Nakangising ani ko saka kinuha ang aking mahal na mahal na Bow, Hoyt alero recurve pa ito! I search mo para makita mo!.. Hehehe
"Bara kayong dalawa!!HAHAHA!!"
"He!"
"I don't care!" masungit na ani ni Vannah kay Rish, ganyan iyan kapag walang kakampi..
"Let's go!" Ani ko sa kanila at lumabas na kami ng Cr, ang daming natitigilan na istudyante ng makita ako, syempre maganda eh! Ako nga pala ang nilait ninyo mga chong!, ano mga nganga?..
Bulungan to the left, bulungan to the right, at umikot ng sabay sabay, dapat nandala pala ako ng mini electric fan, para humahangin ang buhok ko habang pinagmamasdan nila ang kabuon ko..
"Ang ganda ni Veins!"
"Oo nga, Archery pala sya?"
"Pare, ang ganda talaga ni Veins!, kung pwede nga lang ligawan niligawan ko na!"
"Hindi naman sya maganda no!"
"Astig kaya!"
"Magaling kaya sya sa larong iyon?"
"Tara panuodin natin sya maglalaro sa field!"
"Sige sige, sama ako!"
Talagang kailangan rinig ko pa ha?, hindi ko na lang pinansin ang mga papansin na tao, kahit alam kong na madami akong nakuhang magandang sinabi nila sa akin, pero alam kong hahanap at hahanap pa rin sila ng maipipintas sa akin, kaya say no na lang sa kanila!.
BINABASA MO ANG
You're My Veins
RomanceIsang babae nag mula sa US, umuwi sa pilipinas upang mag-aral. Veins ang pangalan niya, babaeng hindi aalis ng hindi dala ang kanya one of the most expensive chewing gum na ang tatak ay "Eclipse ". Nag aral siya sa pinakasikat na paaralan sa...