Chapter 28:Reian's POV:
Hooo!.. Kaya ko to! Balak ko ng umamin ng nararamdaman kay Veins, ng makita ko tong hindi lumabas ng kubo nung araw na umalis ito, nung kausap ko si Chesca, na realize ko na ayaw kong hindi nakikita si Veins, at higit sa lahat hindi ko kayang pigilan na hindi lumapit dito, kahit na pinalayo na ako nito.
Kaya ng sabado, hindi niya ako pinapansin at higit sa lahat hindi manlang niya ako tinignan kahit isang sulyap lang, nag alala ako doon, parang gusto ko na lang yakapin ito at sabihin ang nararamdaman ko sa kanya, ngunit natatakot ako na baka paglumapit ako ay lalo syang saktan ng mga obssessed kong Fans.
Kaya ng gabing iyon ay napagdesisyonan ko ng umamin sa kanya kaya lumapit na ako kay Chesca para sabihin ang plano ko, ngunit basta na lang akong hinila nito sa tagong lugar, kaya nakakunot akong tumingin dito.
"Dito mo na lang sabihin ang gusto mong sabihin." Ani nito at nagpalinga linga pa sa paligid, bumuntong hininga na lang ako.
"Magtatapat na ako ng nararamdaman kay Veins.." ani ko dito, nagbago ang expression nito sa mukha, para ba itong natakot sa sinabi ko.
"What!? Nagselos na ba sya!?, hindi pa sya nagseselos!" Sabi ni Chesca sa desperadang tono.
"Pwede ba!? Wala akong pake kung hindi siya nagseselos sa akin! Gagawin ko kung anong gusto kong gawin Chesica!!" Nanlaki ang mata nito ng sabihin ko ang pangalan niya, bigla itong may sasabihin sana ng mapatingin ito sa likurang bahagi ko, kaya lilingon sana ako ng biglang hawakan nito ang pisngi ko, at bigla akong hinalikan sa pisngi, naistatwa naman ako sa gulat.
Nang matauhan ay bigla ko itong tinulak, at sobrang galit ang naramdaman ko dito, galit na galit ako dito, gusto ko tong suntokin ngunit may respeto pa rin ako sa mga pinagsamahan namin noon.
"Tang na Chesica! Hindi ka pa rin nagbabago!!, bakit mo yon ginawa!?" Napalingon ako sa likuran at kitang kita ko ang tumatakbong babae na may kulay blue ang buhok at alam ko na kung sino iyon, kaya tinignan ko ng masama si Chesica at dinuro ito.
"Hindi pa tayo tapos!!, ihanda mo ang sarili mo Chesica! Kahit kailan hindi mo ko nagoyo!" Sigaw ko dito bago hinabol si Veins, sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman, nasaktan ko sya! Tang na!.
Hingal na hingal ako ng makita itong nakaupo na sa may kahoy at nagpalinga linga sa paligid, kahit sa madilim ay kitang kita ko ang mukha nitong may umaagos na luha, nakita nga niya ang halik na iyon... Pinagmasdan ko itong mabuti, bago ako dahan dahan naglakad patungo sa likuran nito at basta na lang kumilos ang kamay ko at niyakap ito ng mahigpit, napasigaw naman ito sa gulat.
"Ahhhhhh!!!!!! Rapist!!! Tulonhbacdbzvsvsvvz" Tinakpan ko ang labi nito sa pagsigaw, natatawa naman ako, saka ito dahan dahang lumingon sa akin, kita ko ang gulat at biglang galit sa mga mata nito.
Bigla na lang akong tinulak niya papalayo sa kanya, hindi ko alam kung pano niya ako na tulak ng ganoon, marahil ay dahil sa galit na nararamdaman nito. Masama itong tumingin sa akin at tumayo sa harapan ko.
"Ang kapal ng mukha mong pumunta dito!!!" Galit na galit na sigaw nito at dinuro duro ang mukha ko, nasasaktan ako ng makita ang mga luha sa mga mata nito, gusto kong sapakin ang sarili dahil ako na naman ang nagpaiyak sa magandang mata nito.
"Mali ang nakita mo!" sabi ko dito, ngunit umiling iling ito sa harap ko.
"Kitang kita kong hinalikan ka niya!, kaya wag ka ng magsinungaling! Kung galit ka sa akin dahil sa gantihan natin! Pwes panalo ka na!" Ani pa nito na talagang lumuluha, kaya lumakad ako palapit dito ngunit umatras naman ito palayo sa akin. " Kung lahat ng ipinakita mo ay para mahulog ako sayo! Pwes nahulog na ako! Hulog na hulog na ako!!!"
BINABASA MO ANG
You're My Veins
Roman d'amourIsang babae nag mula sa US, umuwi sa pilipinas upang mag-aral. Veins ang pangalan niya, babaeng hindi aalis ng hindi dala ang kanya one of the most expensive chewing gum na ang tatak ay "Eclipse ". Nag aral siya sa pinakasikat na paaralan sa...