CHAPTER 10

33 19 56
                                        


CHAPTER 10:

Reian's POV:

Nagdadrive ako ngayon papunta sa school ni Ria, wala kase yung driver namin na naghahatid sa kanya sa school, nakaupo siya ngayon sa passenger seat habang kumakain ng donuts na dinaanan namin kanina..

"Kuya, can we stop at Pandayan Store?" Nagpapacute na ani nito sa akin.

"Little sis, why?" Tanong ko dito, habang nasa daan pa rin ang tingin. Kanina tumigil na kami sa donuts ngayon gustong pumunta ng Pandayan?, sa bagay mapapalayo kami kung National bookstore pa ang pupuntahan namin, tyak na pareho kaming late pagpasok.

"Please kuya, i forget to buy new pencil eh..."

"Fine!.."

"Yehey! Thank you kuya!"

"Welcome!"

Nangmakapunta na duon, ay naghanap na kami ng kakailanganin ni Ria, habang nagiikot ay napatigil ako sa mga pekeng hayop na nandito.

"Wait me here okay?, dun lang ako" Sabi ko dito, na tinuturo ang pwesto na pupuntahan ko. Agad naman tumango si Ria sa akin.

"Hehehehe, feeling ko magagamit ko ito...Saka ito!" Natutuwang ani ko dun sa pekeng ipis, sobrang dami kong binili niyon, tapos bumili rin ako ng pang prank sa utot hahhahaa...

"Kuya, let's go na po sa counter"

"Okay, hahahha!"

Ng makapagbayad na, ay agad ko ng hinatid si Ria sa school, at saka naman ako pumunta sa school ko, may 20 minutes pa ako bago magklase, kaya mag iisip muna ako ng paraan kung pano ko magagantihan si Miss. Bubble gum..

Siguro bukas na lang kaya ko sya gantihan?, pero nasaan kaya ngayon si Miss. Bubble gum?..hay sayang naman tong binili ko, medyo marami din yung pekeng ipis na binili ko, nilagyan ko pa to ng sulat...

Naglalakad na ako ng mapatigil ako sa nakita kong babaeng na kulay blue ang laylayan ng buhok.Blessing na kaagad, tamang tama ang pwesto ni Miss. Bubble gum, pero bakit naka shade naman ito? Ano sya pasikat? Nagshashade pa eh kitang nasa school sya, ano sya nasa outing? Nakita ko syang nakaupo sa isang bench malapit sa building namin. Tulala yata ito at wala sa sarili, para syang estatwa sa kinauupuan niya.

Nakita kong nagulat ito ng tumunog ang kanyang cellphone, aligaga itong tumayo at iniwan ang bag niya sa upuan at sinagot ang tawag nung kung sino man na yon. Pagkakataon ko na yon, nagsimula na akong maglakad sa bag niya, nakita kong may kausap pa rin ito.

Binuksan ko yung pekeng ipis, at ibinuhos sa loob ng bag ni Miss. Bubble gum, wow malinis sa gamit ito, lahat ay nakaorganized, tinaas ko yung mga notebook at inilagay duon yung pang utot prank ko, saka dahan dahan kong ibinalik ang notebook nito, para hindi tumunog agad, kaso tumunog pa rin, kaya mabilis kong tinignan si Miss. Bubble gum ,buti na lang ay busy pa rin ito sa kausap niya kaya hindi narinig. Nang mabuhos ko na lahat ng pekeng ipis, ay sinarado ko na ito at mabilis na tumakbo papuntang building namin.

Hahahahahahaha, i'm so great!, tignan natin kung anong magiging reaction ni Miss. Bubble gum hahaha.
Alam mo yung feeling na kakaupo mo lang tapos bigla ka makakarinig ng utot, tapos mapapalingon sayo yung kaklase mo, hahahah pahiya kanon..

"Hey bud, narinig mo ba sa balita kaninang umaga?" Tanong ni jerson sa akin, ng makaupo na ako, napalingon naman ako sa kanya.

"Ah oo, kawawa nga eh, diba sila yung may ari ng Sanchez Cruise ship in the philippines.." Oo nga pala yun yung kaninang na balita sa tv kaninang umaga, although kagabi nangyari ang aksidente, namatay ang panganay na anak ng pamilyang Sanchez, Sobrang bait at maganda talaga si Ate Tanya, kilala ko sya dahil minsan ay dumadalaw sya sa bahay namin, inaanak kase ni mommy and daddy si ate Tanya....pero nitong mga nakaraang bwan ay hindi na sya na punta saamin..

You're My VeinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon