CHAPTER 14

34 17 57
                                        


Chapter 14:

Veins POV:

Search...Search...Search! Ayon! Ito na siguro ang sinasabi nung babaeng Chesca na yon!, Encantadia pala! Puro encatadia sinulat ko! Well nobody's perfect!.. Oo nga no? Sikat nga ang palabas na to dito, bakit hindi ko to alam?! Whatever!..hmm.. Maganda naman pala to! Na curious kase ako kaya sinearch ko!..

Lumabas muna ako ng kwarto at pumunta sa ate kong Kire, kumatok muna ako syempre, bago ako pagbuksan ng aking baliw na kapatid.

"Anong kailangan mo!??" Malakas nitong sabi as usual nakakarinde na naman ang boses nito, kaharap lang ang kaisap pero ang boses pangmalayo!.

"Bakit? dapat ba may kailangan kapag pupunta ng kwarto mo!?.., hindi ba pwedeng trip kong tumambay dito?!?? Ha?" Mataray kong sabi, saka tinulak ito paalis, at dumeretso ako ng pasok sa kwarto niya, at umupo sa mini living room niya at binuksan ang TV nito na akala mo ay kwarto ko, hehehe!..

"Wow! Kwarto mo to!?? Kwarto mo to???!! kung makaupo akala mo ikaw naglilinis nito!!??" Naiinis nitong sabi sa akin at umupo sa tabi ko, parehas kaming nakataas ang paa sa sofa.

"Pakuha ka naman ng meryenda!" Sabi ko kay ate na inuga ang balikat nito, inis naman itong tumayo at lumapit dun saaming digital Wireless intercom, kung saan pipindutin mo kung kanino ka tatawag, katulad ng ginawa ni ate tatawag sya sa kusina kung saan na dun sila yaya Mel o kung sino mang nandun, kapag sinagot na saka kayo mag usap syempre hahahaha!, lahat ng kwarto namin ay may ganon, Meron din kami sa gate Ring doorbell sa mismong pintuan namin at sa gate... pinapapasok lang ang mga tao nasa gate kapag may deliver o kakilala namin, katulad noong nagdeliver sa akin, dahil kay kwagong iyon!...

"Anong meryenda!??" Sigaw ni ate sa akin, nag isip naman ako, hmm..

"Chicken fillet!, yung maliliit lang size!, tapos.. May chitchirya ka ba dito?"

"Oo, dyan sa may kabinet sa taas ng ref ko!"

"Okay, saka ice cream at tubig yon lang! Thank you!" Sabi ko dito na ang paningin ay nasa TV, narinig ko naman na sinabi ni ate yung mga meryendang gusto ko, kahit gabi na talaga...

Tumayo ako at pumunta sa mini ref ni ate sa may taas non ay may kulay pink na kabinet, binuksan ko yon, tumambad sa akin ang madaming chitchirya at tinapay, kumuha naman ako ng dalawang malaking Vcut at Nova, saka inilapag sa center table dito sa mini living room ni ate, ng malapag ko na ito nakita kong tumunog ang cellphone ni ate, hindi ito na kapatay, nabasa ko ang text ni kuya Zayden sa kanya, what? Magkaaway ang dalawang to?!!.. Humihingi kase ng sorry si kuya Zayden, kaya pala masungit si Ate eh..

Umupo na lang ako para hindi mapansin ni ate na nabasa ko yung text ng kanyang jowaness, umupo na din ito sa tabi ko, mababakas pa rin sa mukha nito ang pagkabadtrip, nakita ko pa sa gilid ng mata ko na sumulyap sya sa katapat na lamesa namin kung saan nakapatong ang kanyang cellphone, nakita ko pang ngumuso ito at hindi pinansin ang cellphone..

"Bubuksan ko na tong Vcut ha?.." Sabi ko dito, aabutin ko na sana yung Vcut ng magsalita ito, kaya na pahinto ako at nagtatakang lumingon sa kanya..

"Bakit?.."

"Ako na ang magbubukas, umupo ka na lang diyan.."

"Oh!?..owkay...weird.." Ani ko na binulong na lang ang huling sinabi, si ate nga ang nagbukas, nakita ko pang pinatay niya ang cellphone niya, siguro ay ayaw ipakitang ang text ni kuya Zayden, pero nakita ko na eh!.. Hayaan na ang maarte, at nagsimula na nga kaming kumain habang hinihintay yung chicken fillet at ice cream, nanuod lang kami sa Netflix, hanggang sa dumating na ang mga snacks namin, at pinagkakain iyon.

You're My VeinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon