CHAPTER 38

18 4 0
                                    


Reian's POV:

Hindi ko alam kung paano na buo ang bawat araw ko sa nagdaang linggo kasama ang Girlfriend ko!, Shit girlfriend ko na siya!. Hindi ko maipagkakaila na parang muling nanumbalik ang saya ko, na muli kong naramdaman na kompleto na ang buhay ko.

I feel alive, i feel the loved i've been longing for. I felt again being contented in my life, i feel complete, it may be cheezy to heard but Veins make me feel what i'm feeling right now. And i can't take that happiness away.

I'm driving right now, susunduin ko si Love sa bahay niya, dahil may plano kami ngayon sabado na Magdate.
Sa loob ng nagdaang araw, walang araw na hindi kami magkasama ni Veins, mas-nakikilala namin ang isa't isa, unting-unti nawawala ang pagkailang namin. At hindi na ito ang una naming date, dahil sa nagdaang araw ay panay kami gala, pumupunta kami sa labas ng school, tapos kapag uwian sa hapon nagdi-dinner kami sa labas.

Nang makarating sa harapan ng gate nila ay agad kong ibinaba ang salamin ng sasakyan para makita ng guard nila ako.

"Kayo pala Sir. Reian!, Pasok po!" Magiliw na bati nito ng makita ako, tumango naman ako dito.

"Salamat Mang Toy!" Nakangiting ani ko dito. Pinaandar ko na ang sasakyan ko ng buksan na ang gate ng bahay nila Veins, bumusina ako sa mga Guard bago ako tuluyang nakapasok sa loob.

Pagbaba ko sa sasakyan ko, ay umakyat na ako sa hagdanan sa harapan ng Mansyon ni Veins, kung saan ay may tiga bukas ng pinto ang mga ito, at ng makita ako ay tumango ako sa pagbati ng mga ito sa akin, bago binuksan nito ang pinto.

Nang tumuloy ako ay agad akong sinalubong ni Yaya Mel, na nakangiti sa akin, at nanunukso ang tingin sa akin, na ikinatawa ko naman.

"Naku Ser Reian!.. ang alaga ko ay ang agang magising kanina, kaya naman pala!?1, paparito ka pala dito!" Natutuwang ani nito at naiiling sa hindi malamang kadahilanan. "O sya talika, maupo ka muna sa sala!, Wala ang mama ni Veins at ang dalawang kuya, yung mag-ate lang ang nandito." Ani to saka ginaya siya paupo sa sala ng mga ito.

"Mukhang excited akong makita ng alaga ninyo ah?, Pakisabi mo na lang yaya Mel na nandito na ako, at sabihin mong take her time. Baga magmabilis iyon!" Natatawang ani ko nang maalala ang humahangos na mukha ni Veins sa pagmamadali ng malaman na andito na ako nung una namin date hahaha.

"Hahaha! Sige iho, ikukuha kita ng meryenda!, Dyan ka lang, kung gusto mo nanuod ka ng TV" saka tinuro nito ang remote na nasa lamesa "iyan yung remote iho, maiwan muna kita dyan." Paalam nito.

"Sige ho salamat Yaya Mel!" Ngiti ko dito.

Bago ko binuksan ang TV at nanuod muna habang hinihintay niya ang kayang prinsesa.

Veins POV:

Inaayos ko ang paglalagay ng light make up sa mukha ko sa harap ng Vanity table, dahil may date kami ni Kwago. Habang nasa harap ng salamin ay sinusulyapan ko ang cellphone ko sa tabi. Hinihintay ang text ni kwago kung nandito na ba ito, ngunit kanina pa ito walang text sa kanya.

*Knock knock*

Narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Lumingon ako dito bago sumigaw.

"Pasok!" Ani ko dito, bago ako humarap muli sa salamin at ipinagpatuloy ang pagme-make up, sa loob ng salamin ay nakita ko ang repleksyon ni Yaya Mel na may ngisi sa labi habang nakatingin sa akin.

Humarap naman ako na nakakunot ang noo dito" Yes Yaya Mel? Bakit na parito po kayo?, Do you need anything po?" Magalang na ani ko, hindi pinansin ang nakakalokong ngisi nito.

You're My VeinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon