Chapter 19:Veins POV:
Napansin ko lang nitong magsimula ang away namin ni Reian, hindi na nagtetext si Unknown, na syang ipinagtataka ko ngayon, naglalakad ako sa music room, dahil kagabi ay magkausap kami ni kwagong yon!!, sabi niya ay sa music room na lang kami magpractice ng kakantahin na sinangayunan ko naman saka chinat si Rebecca, so ngayon ay friday na at sa lunes ay Camping na namin.
"Knock! Knock!" Pagkatok ko sa pintuan ng music room, na agad naman pinagbuksan ni Bella, nagbatian pa kami saglit bago ako pumasok sa Music room, kung saan nakita ko na si kwagong nakaupo at may hawak na gitara, actually ang hot niya sa pwestong yun nakaupo syang nakapatong ang kanan na paa sa kaliwang hita at saka hawak ang gitara na animo'y kanina pa tumutugtog.
"Goodmorning.." Walang kagana ganang ani ko sa mga ito, na tumango na lang sa akin, ngunit yung kwagong iyon ay ngumiti pa, inirapan ko na lang ito.
If ever you wonder kung bakit wala kaming sa room is because we got excused to class, for this music chibeleng! Hahahaha!, umupo na lang ako sa malayo sa upuan ni Reian.
"Aw!... Ang bango ko kaya!" Sabi nito sa akin, na inaamoy pa ang damit.
"Manahimik kang kwago ka!" Naiinis kong sabi dito, na ngumuso naman sa akin, hay i don't wanna see that!..
" Gwapo nga!! Hindi kwago!!" Inis nitong sigaw sa akin. Nilingon ko naman sya ng aking nanlilisik na mata, na sinalubong din nito, nagpalitan lang kami ng tingin sa isa't isa ng biglang may umubo sa harapan namin, kaya parehas kaming napaayos ng upo, at tumingin sa harapan kung saan ay nakatingin saami si Rebecca na walang ka Joy joy ang mukha.
"Are you guys done staring to each other?, or you guys need another time for that?" As usual na boses nito, ayon masungit na tanong nito saamin, sabay pa kaming umiling ni kwago dito, bilang pagsagot sa tanong nito saamin, na pairap na lang to saamin bago nagsalita.
"I have a very important announcement, since nandito kayo sa music room hindi ninyo na pakinggan ang anunsyo ni Thea kilala ninyo naman sya, mag iiba ang venue ng camping natin sa kadahilan na may paparating na bagyo duon, and also one week lang ang camping natin, so instead of Boracay, it will be held in one of La Monte's property, and it's secret..."Mabagal nitong sabi saamin, na para bang pinaiintindi ang bawat letra na lumalabas sa bibig nito!.
"Do you have any question?.." Ani muli nito, na nakacross arms na sa harapan namin.
"What about the date?.. Did it also change?.." Ani ko dito, saka inilagay ang aking dila sa loob ng pisngi ko, habang hinihintay ang sagot nito.
"Oh, i forget that!.. It still Monday.."
"How about the money we spend?.." Tanong naman ni Kwago, napalingon naman ako dito.. Bakit gumastos ba sya!? Eh sila may ari ng paaralan nato! Malamang pinagbayad na sya ng magulang niya!. Napansin naman nito ang nakakunot kong nuo na nakatingin sa kanya, kaya na pangiwi ito sa akin.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Nagtatakang tanong nito sa akin, habang nagcross arms sa harapan ko, wala na ang bitbit nitong gitara, tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Bakit kailangan mo pang tanungin ang pera?, kung mismong magulang mo ang nagbayad non!?"
"Atleast nagbayad pa rin ako diba?, kahit magulang ko ang nagbayad non para sakin!.."
"Whatever!" Sabi ko na lang, ng medyo ako mapahiya duon... Bakit naman kase tanong ng tanong pa ako!, napapahamak ako sa bunganga ko. Tumingin na lang ako sa harapan, nakatingin saamin si Rebecca na para bang nauumay na sa bangayan namin, habang si Bella ay napapailing na lang na nagcellphone sa gilid.

BINABASA MO ANG
You're My Veins
RomanceIsang babae nag mula sa US, umuwi sa pilipinas upang mag-aral. Veins ang pangalan niya, babaeng hindi aalis ng hindi dala ang kanya one of the most expensive chewing gum na ang tatak ay "Eclipse ". Nag aral siya sa pinakasikat na paaralan sa...