Chapter 31:Reian's POV:
Kagabi ay hinatid ko si Veins sa kanila, ng gabing iyon natuwa ako sa text nito sa akin ng matutulog na ito, ng una niyang picture ay Magkakadikit ang malalaking Teddy Bear na binigay ko sa kanya sa kwarto nito, tapos ang isang picture ay yung niyakap kong Teddy bear ang kalapit nito matulog, kaya tuwang tuwa ako non.
Dapat kahapon ay susunduin ko sya sa kanila, ngunit maaga ko kaseng narecieved ang Teddy Bear, kaya hindi ko na lang muna sinundo si Miss. Bubble Gum, pero ngayon ay nasa labas ako ng gate ng Mansion nila Veins, tinext ko na ito, kaya alam kong paparito na iyon sa labas.
Habang naghihintay napansin kong may pumarada sa tapat din ng sasakyan ko, maganda ang sasakyan nito, Ferrari , makapagpalit nga ng sasakyan ulit! Mas mahal pa sa sasakyan nito!, tinted ang salamin ng sasakyan nito, kaya hindi ko maaninag ang taong nasa loob nito, hindi din ito lumalabas, kaya lumabas ako ng sasakyan ko para sana puntahan iyon, ng makita ko na si Veins, kaya lumapit na agad ako dito.
"Goodmorning! My Veins!" Masayang bati ko dito, na ngumiti sa akin hinalikan ko ang noo nito, na syang nagpapula ng pisngi niya, cute pinalo nito ang balikat ko kaya natawa ako.
"Ano ba! Wag dito!" Ani nito na nakayuko at ayaw tumingin sa mukha ko, kaya may naisip na naman akong pilyong salita para dito.
"Sige saloob na lang ng sasakyan kita hahalikan!" Nang aasar na ani ko dito, na maslalong nagpapula ng mukha nito, at dali dali ng sumakay sa kotse ko, natatawa naman ako, umikot sa kotse papuntang driver seat.
Pinaandar ko na ang sasakyan, napatingin ako kay Veins na naka tingin sa sasakyang nilampasan namin, hindi ko na iwasang itong tanungin, dahil na rin sa kuryosidad.
"Kilala mo ang may ari ng sasakyang iyon?" tanong ko habang paminsan minsan sumusulyap sa gawi nito, habang nagmamaneho, nakita ko naman itong napayos ng upo, saka tumingin sa labas ng bintana.
"Hindi...." Ani nito, narinig ko pa ang malalim na pagbuntong hininga nito, napakunot naman ako kung bakit ganon na lang ang naging reaksyon nito.
"Galit ka ba sa akin?..... Did i do too much?" Nag aalalang tanong ko dito, baka kase hindi niya nagugustuhan ang paghalik halik ko sa noo niya, dahil isa pangalang akong manliligaw niya, alam kong gusto na niya ako, ngunit hindi ako sigurado kung mahal na ako nito, hinawakan ko ang kamay nito, at marahang pinisa para makuha ko ang atensyon nito nung hindi nito nasagot ang tanong ko.
"Huh?" Ani nito na halatang hindi narinig ang tanong ko, tumingin ito sa akin.
"Kung kako galit ka sa akin?, o ayaw mo ng hinahalikan ka sa noo?" Paguulit ko sa sinabi ko, natawa naman ito sa akin, at pinisa ang pisngi ko. Lumingon ulit ako dito bago itinuon ang paningin sa kalsada, habang hinihintay ang sagot nito.
"Hindi ako galit! Okay?.. There's nothing wrong about the kiss!" Ani nito na tawang tawa.
"So gusto mo ang halik ko?" Ani ni ko, nagulat ako ng kagatin nito ang kamay kong nakahawak dito, buti na lang ay wala kaming makakasalubong na sasakyan, dahil napagewang ng konti ang sasakyan ko ng magulat ako sa kagat nito, medyo masakit eh.
"Ang sakit non!, pano kung maaksidente tayo!?" Ani ko, na pinagsasabihan ito, napayuko naman ito at nagpuppy eyes sa akin, napabuntong hininga ako, dahil ang cute niya maslalo na ang blue nitong mata.
"Ikaw kase eh! Kailangan mo pang itanong yung..yung! Bagay na yon!" Ani nito na hiyang hiyang sabihin ang salitang halik, napangisi naman ako habang ang paningin ay nasa daan, naiiling na lang ako dito, hanggang sa makarating kami ng School, sabay kaming pumasok sa gate, pinagtitinginan na nga kami ng mga nakakasalubong naming istudyante.

BINABASA MO ANG
You're My Veins
Roman d'amourIsang babae nag mula sa US, umuwi sa pilipinas upang mag-aral. Veins ang pangalan niya, babaeng hindi aalis ng hindi dala ang kanya one of the most expensive chewing gum na ang tatak ay "Eclipse ". Nag aral siya sa pinakasikat na paaralan sa...