Chapter 16:Veins POV:
After kong makausap si Kuya Vim ay dumeretso na ako pabalik sa kwarto ko. Kinuha ko muli ang letter na natanggap ko at muling binasa ito.
"Let's Have War...Again"
-Zahrt La Monte
Maikli lamang ang nakasulat ngunit aking kinaiinitan!, na nanahimik na ako La Monte!, napaka immature mo! Dahil lang sa isang parking lot ay gaganitohin mo ako!, wala na bang saya ang buhay mo kaya gusto mong magkaroon ng away sa pagitan natin!?.
Inalapag ko na ulit ang sulat sa study table, naglakad na ako papunta sa higaan, saka pinilit itulog ang lahat ng nangyari sa buong araw na to.
Unti unti ng pumipikit ang mata ko at napapahikab na rin ako ng marinig kong nagbeep ang cellphone ko....Ano ba naman yan inaantok na nga yung tao eh!
Naiinis kong kinamot ang buhok ko, habang inaabot ang cellphone, ng buksan ko to ay bumungad sa akin ang text ni Unknown..
From: Unknown🤔
May kaaway ka ba?
Kinakunot ng nuo ko ang nabasa sa message nito sa akin, bakit naman nagtatanong ang isang to?, at pano niya nalaman ang bagay na yon?
To: Unknown🤔
Why do you care!?.. And it's none of your business!.
Message Sent!
Naiinis kong sabi dito, saka tinurn off ang cellphone saka inilapag sa side table at nagsimula ng matulog.
It's saturday so wala naman akong masyadong ginawa ng magising ako ngayong umaga ay nakatambay lang ako sa kwarto ko.
Napag isip isip kong maglinis na ng kwarto para hindi ko na lilinisin bukas, lahat kase kaming magkakapatid ay nakasanayan na maglinis tuwing sunday, kase gusto namin kapag saturday ang pahinga namin, weird right?, at masgusto kong gumawa ng assignment tuwing sunday night, hahhaha! Ewan ko ba kung bakit trip ko ang ganon!.
Inayos ko ang ang bed ko, sinalansan ko ang lahat ng unan sa may headboard ng kama ko, at saka inayos ang mga nagusot sa comforter ko. Sunod ko namang inayos ay ang mga damit ko na ang iba ay nakaplastic pa, at mga pabango na may sariling aircon, ganon talaga dapat kapag may marami kang pabango kailangan may sarili itong aircon, mini aircon lang naman. Basta sa pabango mas maganda ang nasa isang an air conditioned room, so that it reveal the perfume smell subtly.
Mini living room ko at walk in closet and shoes and all my stuffs is in the right position and it's all clean as well as me!, hahahaha pagkatapos ko kase maglinis ay deretso ligo na rin ako, saka ako umupo sa aking couch, pinagmasdan ko muli ang aking kwarto, baka kase may nakaliktaan akong linisin, buti na lang ay wala.
Tumayo ako at pumunta sa vanity table ko at kinuha ang brush ko, saka nagsuklay ng buhok, habang tinitignan ang sarili sa salamin, nasa ganoon akong posisyon ng may kumatok sa kwarto ko.
"Come in" Sigaw ko, mula sa salamin ay sinilip ko ang papasok sa pintuan ko, ng makita ito si mommy lang pala, akala ko ay si ate o si kuya, ngumiti naman ito sa salamin kung saan ako nakatingin sa kanya, saka pumunta sa likuran ko at hinaplos ang mahaba kong buhok, tiningala ko sya sa kinauupuan ko.

BINABASA MO ANG
You're My Veins
RomansaIsang babae nag mula sa US, umuwi sa pilipinas upang mag-aral. Veins ang pangalan niya, babaeng hindi aalis ng hindi dala ang kanya one of the most expensive chewing gum na ang tatak ay "Eclipse ". Nag aral siya sa pinakasikat na paaralan sa...