CHAPTER 27

16 9 33
                                        


Chapter 27:

Reian's POV:

Nakasimangot akong umupo sa cottage, naiinis talaga ako pano niyang nagawang tumawa sa lalaking Jonas na yon!? Ako ang nagseselos! Putsa naman o! Hinanap ko pa naman sya sa Kubo! Tapos matatagpuan ko lang sya kasama ang iba! Nakakatorture!.

Nakita ko na dumating si Miss. bubble gum, masama ang tingin ko dito, nagugulumihanan naman itong tumingin sa akin, ngunit hindi ko binago ang masama kong tingin, hanggang sa makaupo sila ng lalaki nito!, kaharap ko sya ng upuan kaya kita ko ang pagkailang nito.

Nagsimula ng kumain, pero ganon pa rin ang tingin ko dito, kumakain ako pero ang paningin ko ay nakatutok lang sa kanya, kaya hindi ito makalingon sa katabi niyang Jonas na yon!.

Kumukunot na ang noo nito habang kumakain, hindi na ito makatingin sa akin ng maayos, gusto ko na syang lapitan! Naiinis na ako! Sa tingin ko ay nagseselos sya, kaya natuwa ako dun, at umaasa na may nararamdaman na sya sa akin, pero ng makita ko tong nakikipag tawanan at pinapalo pa ang lalaki niya ay gusto ko na lang manapak ng tao.

"Reian pwede mo ba akong samahan kay Ma'am Shella?" Biglang tanong ng bwisit na babaeng katabi ko, sino pa ba edi etong Chesca na to!.

Kita kong umangat ang ulo ni Veins sa pagkakayuko, dahil nga kumakain ito, kita kong ito naman ang masama ang tingin sa akin, kaya tumingin ako ng deretso dito at hindi nilingon si Chesca, nagsalita ako ng hindi na kaharap kay Chesca.

"Maghanap ka na lang ng sasama sayo.." Ani ko, habang pinagmamasdan ang maganda mukha ni Veins, sya lang talaga ang nag bibigay sa akin ng saya kapag nasisilayan ko ang maamo niyang mukha. Kita ko tong napangiti ng sabihin ko ang mga salita iyon kay Chesca.

"But.. Reian sinabi ni Ma'am Shella na kailangan ka rin doon.." Biglang sabi nito, ramdam ko ang inis sa tono ng boses nito, ngunit hindi pa rin ako tumingin dito ng sagutin ko ito.

Napabuntong hininga ako, wala akong Choice kahit labag sa kalooban ko ito, ngunit teacher na ang may sabi kaya nakatingin ako kay Veins ng sabihin ang salitang ito.

"Susunod na lang ako sayo.." Iyon na lang ang nasabi ko dito, kitang kita ko ang pagbabago sa mukha ni Veins lumaylay ang balikat nito, gustuhin ko man bawiin ang sinabi ko ay huli na dahil alam kong nasaktan ko ang damdamin ni Veins, gusto kong tumawa sa tuwa, dahil piling ko ay nagseselos na ito na ang ibig sabihin lang ay may nararamdaman na ito sa akin.

Ng marinig nito ang sinabi ko ay bigla na lang itong tumayo at naglakad palayo, hahabulin ko sana ng bigla na lang ako hawakan ni Chesca, masama na ang tingin ko sa kanya kaya binitawan nito ang kamay ko at hinayaan akong tumakbo para maabutan si Veins, ngunit hindi ko na alam kung saan ito pumunta.

Nagpalinga linga ako, ngunit wala ito sa paligid, ang bilis naman niyang maglakad!, napasabunot ako sa buhok ko habang palinga linga dito, ngunit wala talaga kaya pumunta ako sa kubo ng babae ngunit wala pa rin ito, saan ko hahanapin ang babaeng ayaw magpahanap sa akin?.

Veins POV:

Ginagalit talaga ako ng Kwagong iyon! Bakit pa niya binawi ang sagot nito!?, hindi ba sya makatanggi kay Chesca!?, ganon ba kaimportante ang pupuntahan nila kay Ma'am Shella!?, Kung pinagseselos niya ako Pwes aamin na ako! Nagseselos na talaga ako!! Hindi ko na nagugustuhan ang paglayo niya!.

Tapos kanina ang sama pa ng tingin niya sa akin!, ano naman ang kasalanang ginawa ko sa kanya!? Eh ito nga ang dami ng ginagawa sa babae niya!, 'kung maka babae ka girl! Kayo ba? Kayo ba ha? Ang feeling!' Ani ng subconscious ko, manahimik ka nga!.

You're My VeinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon