CHAPTER 13:Reian's POV:
Hahahaha, akalain mo nga naman at inaccept niya ako?!, hindi ko alam kung bakit ganon na lang kasaya ang sistema ko.. Ng mabasa ko palang yung your friends with Kendra Yannuzi, hindi ko na alam kung bakit hanggang sa paggising ko ay masaya ako!! Ewan ko ba!!..
"Goodmorning Mom, dad, kuya at ang aking magandang kapatid!" Masaya bati ko sa kanila na ipinagtaka ng mga ito, ngunit bumati na lang sa akin, agad naman akong umupo sa aking pwesto, at naglagay ng pagkain sa plato.
"Mukhang masaya ang kapatid ko ah?!!, anong meron!?" Nangiinis na sabi ni kuya, talagang panira ng umaga ang isang to eh!
"Syempre nakita ko pagmumuka mong panget eh!,hahahaha!" Sarkastiko kong sabi, napanguso naman ang kuya kong gags, hahaha..
"Hahahahaha!, kuya Zayden your ugly! Hahaha!" Tawa ng tawang sabi ni Ria,na syang nagpasimangot kay kuya.
"Sige lang sabihan ninyo lang ako ng panget, dahil alam naman natin na ako pa rin ang matinik sa babae, diba Reian!?" Sarkastikong sabi nito maiinis na sana ako ng batukan ni Mommy si kuya, at napuno kami ng tawanan ng umagang iyon.. Masaya talaga ako ngayon araw sa hindi mapangalanan na rason.
Nakita ko lahat ng mga achievement ko simula ng elementary hanggang high school, nandito kase ako sa mga istante sa sala namin, kung saan nandun lahat ng achievement namin nila mommy, mahilig kaseng mag dikit ng picture sila mommy at maglagay ng awards dito sa istante, nakakatuwang tignan ang mga ito, kase nakikita mo yung bakas ng paghihirap mo sa pag aaral.
Habang nagtitingin ako dito, bumaba si kuya at mommy and daddy , ibig sabihin ay tapos na silang mag ayos, pupunta kase kami sa burol ni ate Tanya, ako lang at si Zakaria ang maagang nakatapos, kaya hinintay pa namin sila kuya.
"Kuya, bakit ayos na ayos ka?, burol lang ang pupuntahan natin, masyadong OA ang suot mo!" Sabi ko masyado kaseng pormang porma, baka madaig pa yung mga umiiyak kay ate Tanya..
"Ano ka ba!, ganto talaga ako mag damit ah!??" Nakakunot nuong sabi nito sa akin, ng makasakay kami sa Van.
"Ah talaga!?, o ba naman kase nandun si Girlfriend?!!" Sabi ko habang inaayos yung seatbelt ni Zakaria, piningot naman ako nito, na syang nagpasigaw sa akin.
"Aray! Aray!, binatawan mo!!,"Pinagpapalo ko ang kamay niyang nakahawak sa kaliwang tenga ko.
"Kanina mo pa ako iniinis eh!, isa pa Reian! Ipapahiya kita talaga kay Veins!!" Pananakot nito sa akin, hindi ko alam kung bakit na patahimik ako ng banggitin niya si Veins.
"Ano di makapagsalita?!, Crush mo si Veins no!?, Crush mo ba?!!"
"Hindi no!!, Nagtataka lang ako kung bakit magkakagusto ako sa babaeng iyon!??, eh hindi nga pumapasa sa standard ko yon!"
"Ah talaga lang ha!??, tignan natin!"
"Talagang talaga!, bahala ka magconclude!"
"Will you guys stop!??, Both of you don't talk!!, until i say so!, UNDERSTOOD!!?" Istriktong sigaw saamin ni mommy ng makasampa ito sa passenger seat, while daddy is on the driver seat, kapapasok lang nito at ipinagtataka kung bakit sumigaw si Mommy, ngunit hindi na lang nagsalita pa.
"Ikaw kase eh!, One on one tayo mamaya!" Bulong ko, magsasalita na sana si kuya ng makitang nakatingin na saamin ng masama si mom, kaya napatikom kami ng bibig.
Ano ba yan! Napagalitan pa nga!, Dapat hindi ko sirain ang araw na to, masaya ako diba!?, kailangan masaya ako, dahil kung hindi ang pangit kong haharap sa mga tao duon!, pero sabagay walang salitang pangit sa mukha ko, kahit nga hanggang talampakan ng paa ko ay wala kang malalait eh!.

BINABASA MO ANG
You're My Veins
RomanceIsang babae nag mula sa US, umuwi sa pilipinas upang mag-aral. Veins ang pangalan niya, babaeng hindi aalis ng hindi dala ang kanya one of the most expensive chewing gum na ang tatak ay "Eclipse ". Nag aral siya sa pinakasikat na paaralan sa...