CHAPTER 6

47 18 59
                                    


CHAPTER 6:

Veins POV:

Naglalakad ako ngayon papunta dun sa babaeng inutusan ko,ibibigay ko sa kanya yung Chanel bag na pingako ko, nakikita kong masamang ang tingin ng mga istudyante sa akin,marahil ay dun sa nangyari kahapon, pati ba naman sa kabilang building ay na karating iyon?, eh dalawa ang canteen dito,yung isa ay para sa First and second year,tapos yung saamin sa third and fourth year,sa bagay bakit pa ba ako mag tatanong eh sikat yung binangga ko.

Nakita ko na yung babaeng kinausap ko,nung makita niya ako,galit na galit syang tumingin sa akin,na syang kinagulat ko.

"Ang kapal mo din pumunta dito ano? Pagkatapos mo akong pahiyain!"

"Ano bang sinasabi mo dyan? Diba sabi ko sayo ay bibigyan kita ng Chanel bag ,ito na yun o!" mahinahon kong sabi,batid pa rin ang pagtataka.

"Hindi ko na kailangan yan!,ginamit mo lang ako para pahiyain! Grabe ang lakas talaga ng loob mong lumapit sa akin, ng dahil sayo nagalit sa akin si Reian!"

"Si..sinaktan ka ba niya?"

"Oo dahil yon sayo!, may masama ka palang balak, bakit kailangan mo pang gumamit ng ibang tao!,dahil sayo binubully na ang tahimik kong mundo!,dahil sayo hinuhusgahan na rin nila ako!"

Nagulat ako dito, umiiyak na sya sa harap ko, hindi ko alam na ganto pala ang epekto ng ginawa ko,naguilty ako bigla.

"Sorry...hindi ko alam na sasaktan ka niya..sorry talaga.."

"Anong magagawa ng sorry mo? Maibabalik ba yun ? Maibabalik ba sa dati ang buhay ko?,dahil sayo gusto ko ng mag transfer sa ibang school,sobrang dami na ang ginagawa nila sa loob ng isang araw! ,ano pa kaya ngayon diba!? Ano sabihin mo sa akin may magagawa ba ang sorry mo?!!"

"Sorry talaga...sorry hindi ko alam ..hindi ko sinasadyang gamitin ka."

"Umalis ka na dito ,bago pa may masabi na naman ang mga tao sa akin. Pangarap ko itong paaralan na to eh! Pinag ipunan ko na makapasok dito,tapos ganto lang mangyayari?" humihikbing ani nito sa akin.

"Tutulungan kita sa Tuition mo? Ako mag babayad non,sorry talaga Kyla hindi ko naman gustong mangyari sayo iyon eh, sorry " Nakayukong ani ko dito,hiyang hiya ako,kasalanan ko to eh.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo!! Umalis ka na!,umalis ka na!" Galit na galit na ani niya sa akin,habang tinutulak ako palayo.

Nang makalayo na duon,ramdam ko pa rin ang guilty sa aking sistema, feeling ko ang sama sama ko,kase ng damay ako ng inosenteng tao, naramdam ko ang sakit sa bawat salitang lumalabas sa kanya. kita ko ang lungkot,sakit,takot sa mga mata niya. Nasasaktan ako para sa kanya, kahit na alam kong ako ang dahilan kung bakit nag kaganon ang buhay niya.

Wala sa sarili akong naglalakad sa may hallway papunta sa building namin,nang bigla na lang may sumabunot sa aking buhok,ramdaman ko ang sakit duon,hindi ako makagalaw.

"Ikaw pinagbigyan na kitang insultihin ako!,hindi na kita ginulo,pero ng makita ko kung anong ginawa mo sa mahal ko ,hindi ko na palalampasin ito!"

"Ah aray! Bitawan mo ang buhok ko!,aray! Aray!"

"Kulang pa yan sa mga insultong ginawa mo sa akin at kay Reian ,bwisit kang babaeng ka!"

Gigil na gigil nito sabi sa akin,batid sa boses nitong si Shanize ito, grabe ang pagkakahigpit ng hawak nito sa buhok ko, bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay lalong nagpapadiin sa pagsasabunot nito sa akin. Hindi na ako makagalaw,parang wala akong ganang awatin sya ,parang ramdam ko na deserve ko ang sabunot niya ,marahil sa mga nalaman ko ngayon araw na to.

You're My VeinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon