CHAPTER 7

41 19 80
                                    


CHAPTER 7:

Veins POV:

It's Saturday so...wala akong masyadong ginagawa ngayon, nandito lang ako sa kwarto ko nakaupo sa sofa at nanunuod ng Movie na 47 meters down..it's about two siblings who want's to see the sharks under the water, when there shark cage broke down..and then they went down at 47 meters, which i think is 154 feet..it's a mindblowing Movie.

I'm at the peak of the movie,when my sister came. Agad naman akong tumingin sa kanya nanaiinis, malapit ng matapos yung pinapanood ko, tapos bigla bigla na lang manggugulo.

"What!?"

"Samahan mo ko magshopping!.... Please may bagong labas na bag sina Vannah, and i want to buy that, kaya sumama ka na!"

"Can't you see, I'm watching?" naiinis kong sabi na tinuturo ang movie na pinapanood ko.

"Oh! C'mon sis!, i buy you something!, sige na wala akong kasama, alangan naman sila kuya!, Hindi naman mahilig sa ganon yon, except kay kuya Vim...maya't maya ang bili ng damit at pabango! At saka hindi ko trip isama yon!"

"Bakit ka sumisigaw!, ang layo ko ba ha?!..nilalak mo ba ang enervon kaya ang hyper ng bunganga mo? Bwisit na to!"

"Sorry na!.. Ikaw kase eh! Sumama ka na.. Hihintayin kita sa labas..Bawal tumanggi!" Saka tumalikod sa akin.

"Bwisit ka talaga! Kapag ako nagpapasama lagi kang busy! Kapag ikaw ang magpapasama wala akong choice ganon?!, ikaw na nga tong magpapasama ,ang demanding mo pa!!" Sigaw ko dito, na batid kong narinig nya sa may hagdanan namin..ngunit dina lang pinansin.

Agad ko naman pinatay ang pinapanood ko..itutuloy ko na lang siguro mamaya. Nagpalit lang ako ng damit at umalis na wala ng make up make up pa, kontento na naman ako sa mukha ko eh.

Nakita ko na ang Maarte kong ate, sasakay na sana ako sa sarili kong kotse ng sabihin nito na sa sasakyan na lang daw niya kami sumakay, umoo na lang din ako dahil napakalakas ng boses, magkatabi lang kami eh...

Nasa sasakyan pa rin kami, dahil nag traffic na naman..nakaupo ako at nagkakalikot ng cellphone ko.

"OO NGA PALA!,may ipapakilala ako sayo mamaya sa Mall."

Napatalon ako sa upuan ko nang sumigaw si ate, nakita ko pa yung driver ng sasakyan niya na napatalon din sa gulat. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"Ano ba! Bakit ba ang lakas ng boses mo! Katabi mo lang ako ate!.. Hindi ako binge!"

"Sorry... Na excite lang naman!" kinikilig pa nitong ani.

"Kahit hindi naman na Eexcite ka eh ganyan pa rin boses mo!.. Saka sino naman iyon?" naiintriga kong ani kay ate.

"Mamaya.. Nga diba? Hintay ka lang kasama niya din ang kapatid niya.. Ipapakilala kita..heheheh. I'm so Excited!" Ani ni ate na kilig na kilig at kinukurot ang aking tagiliran, agad ko naman pinalo ang kamay niya, at hindi na ito pinansin.

Sa wakas umusad na rin ang Traffic, mabilis na kaming nakapunta sa Mall nila Jerson Ben Tyler..batid kong sakanila ito. Tyler's Mall ang nakasulat eh, saka mayaman naman yun.

"Hehehehe! Nandito na daw sila sa may Samshiro Restaurant! Let's go there!" Kilig na kilig na ani nito at hinila na ako papasok sa loob.

"Ano ba ate! Nakakainis ka naman..may paa ako!"

"I know kaso ang bagal mo maglakad eh!"

Napahilamos na lang ako sa mukha ko, nang makita na namin ang Samshiro Restaurant agad naman tumigil si ate at humarap sa akin.

You're My VeinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon