Chapter 24:Veins POV:
Umaasta akong sumisipol pero walang tunog hangin lang ang lumalabas, dahil hindi naman ako marunong sumipol, hahaha! Wala na akong magawa sa kakahintay kay Kwago.
"Bubble Gum!?, Bubble gummm!" Narinig kong sigaw ni kwago, na paayos ako ng tayo." Nandito ako kwago!!" Sagot ko dito, saka sumilip sa pintuan, agad naman itong lumapit sa akin, saka hindi nakatinging inabot ang plastic na siguro ay napkin na ang laman.
"Thanks!.." Masayang bati ko dito saka isinarado ang pinto, agad ko naman binulatlat ang binili nito.
"WHAT THE FUCK KWAGO!!?" Galit na sigaw ko.
"Why!?" Natatarantang ani nito sa akin.
"It's a Panty liner! You idiot!" Naiinis kong sigaw dito, ang lakas ng regla ko tapos Panty liner bibilhin nya!?, ay tinaman talaga ng magaling itong Kwagong to!!, ano isang suotan ko lang nito?, napahilamos ako sa mukha.
"Eh iyan yung binigay sa akin nung ale!" Pangangatwiran nito.
"E ano bang sinabi mo!?"
"Sinabi ko kung may panglagay sila sa Panty!"
Ay talaga naman iba ang iisipin nung ale! Panty baga naman ang sinabi!, dapat Napkin! Idiot talaga! Napakamot na lang ako sa buhok ko.
"Dapat sinabi mo Napkin!!"
"Nakalimutan kong sabihin!, Malay ko ba sa Napkin na yan!!" Sigaw naman nito sa akin,.
"Bumili ka uli!, kung gusto mong mabuhay pa!! Bwisit kang Kwago ka!! Pina iinit mo ang ulo ko!!"Naiinis kong sabi, saka sumilip dito na nakangiwi sa akin, saka ko binato sa kanya ang panty liner sapul sa mukha ang kwago.
"Oo na bibili na ako! Ang dami mo pang sinabi eh!!, tapos babatuhin pa ako!" Parang batang ani nito sa akin, at bumubulong pa ang bwisit.
"Anong sabi mo!?" Nanlilisik na matang ani ko dito, ngumiti naman ito ng pilit sa akin.
"Wala PO Ma'am! Bibili na HO ako ng Napkin ninyo!" Na eneemphasize pa ang Po at Ho nito, inirapan ko lang ito, tumalikod naman na ito.
Baliw na kwagong iyon! Panty liner!?, sa lahat ng nabasa kong story sa Wattpad, lahat ng bumibili na mga lalaki hindi nagkakamali ng klase ng Napkin, at higit sa lahat napaka dami kung bumili, samantalng ang kwagong to mali na nga binili! Nagkuripot pa! Isang piraso lang!? Ibang klase talaga ang Kwagong iyon, sa lahat ng nakilala ko sya lang ang pinaka Unique ang personality.
Napatalon ako ng biglang bumukas ang pinto ng Cr, pumasok duon ang kamay ni Kwago na may dalang Napkin, buti naman at tama na ang binili nito, agad kong inabot iyon, talagang kuripot ang Kwagong ito, dalawang piraso lang ang binili!, agad kong binuksan ang pad at nanlaki ang mata ko dahil Mali pa rin ang binili nito.
"BAKIT NIGHT PAD NAMAN TO!?" Sigaw ko dito, ano ako tutulog!?, aba naman kwago!! Talagang hihighbloodin ako sayo!!.
"ANO BA NAMAN YAN! ANDAMI NAMAN KLASE NG NAPKIN NA YAN! BASTA ITAPAL MO NA LANG!! HINDI KA PA TATAGUSAN DYAN!" Napipikon na sigaw nito sa akin, natawa naman ako dito, siguro ay umuusok na ang ilong ni kwago, at nakanguso na parang bata na inagawan ng lollipop hahahahahahaha! Mood swing ko na naman!.
Dahil masyado na akong matagal na naghintay ay ginawa ko na ang dapat kong gawin, saka ako dahan dahan lumabas, napatayo naman si Kwago ng makita akong lumabas.
"Okay ka na?, sorry nga pala nung nasigawan kita.." Napapakamot sa sintidong ani nito sa akin, natawa naman ako dito.
"Okay lang, saka salamat din!" Nakangiting ani ko dito, saka kinurot ang dalawang pisngi nito, nanggigigil kase ako! Napa aray naman ito sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
You're My Veins
RomanceIsang babae nag mula sa US, umuwi sa pilipinas upang mag-aral. Veins ang pangalan niya, babaeng hindi aalis ng hindi dala ang kanya one of the most expensive chewing gum na ang tatak ay "Eclipse ". Nag aral siya sa pinakasikat na paaralan sa...