Chapter 35:Veins POV:
Naku po! What's with his face?.. he looks like he doesn't like the way his seeing?.. Bumaba ang tingin nito sa akin katawan, May mali ba sa suot ko?, Pinagmasdan ko din ang suot ko, Maayos naman, hindi naman ka bonggahan, saka napaka simple nga lang eh!
Ang damit kong nakatube na kulay Black at naka white maong short, not totally pek pek short, besides i have cycling naman, so no worries, at sa pang ibaba naman ay naka Black and white adidas shoes, well i love rubber shoes than heels, then a White sling bag in my shoulder.. I'm kinda sexy in this outfit, kitang kita ang curves ng katawan ko at ang slim body ko.
It's been a week since the last time na pumunta si Reian upang ipaalam na nanliligaw na ito sa akin, at today we have a date, by the way it's Saturday, nasa tapat ng pinto namin ito naghintay, nakasandal sa kotse nito habang nakasimangot akong pinagmasdan habang pababa ng hagdan ng labas ng pinto ng bahay namin, Nakakapagtaka nga eh! Bakit naman nakasimangot ito ng mapagmasdan ang suot ko!?.
May mali ba sa suot ko!?. Ang ganda kaya!?, Hindi ko tuloy maiwasan kong baka hindi akma ang suot ko sa pupuntahan namin!, Nang makalapit ako dito ay saka lang ito umayos ng tindig, at napagmasdan ko tuloy ang kakisigan ng lalaking ito.
Naka T shirt itong Blue na may malaking tatak sa harapan na Balenciaga at ang pang ibaba ay naka Black na Jeans, at naka White and black lace up shoes na nike ang tatak, tapos ang mas lalong nakakapag laway dito ay ang medyo namumuo ng muscles na lumilitaw sa kanyang braso, at may naka Sling bag na panlalaki din ito na nasa likurang bahagi nito. Wow! Grabe ang gwapo na! Napakabango pa! Ang sarap amuyin ng amuyin, na patalon ako sa kinatatayuan ko ng magsalita ito.
Napansin ko ang medyo pang ngisi nito, siguro ay alam nitong nag space out na naman ang utak ko hahaha!, Dapat sisihin niya ang sarili niya! Sapagkat sya ang may kagagawan nun! Kung hindi ba naman kase sinalo niya lahat ng kagwapuhan! Edi sana hindi ako natutulala sa kanya! Dati naman walang epekto sa akin ito eh!.
"Mag palit ka" Seryosong ani nito, kaya nanlalaki ang matang na patingin ako dito, kumunot pa nga ang kilay ko dito, nagtataka kung bakit niya ako pinagpapalit.
"Huh?..Ba..Bakit naman!?" Ani ko, ngunit kinalaunan ay napasigaw sa pagtataka, eh gusto ko pa naman ang damit na ito eh!, Ang ganda kaya! At ang sexy ko pa dun!!. Ayaw ba niya!? Eh ang ganda na nga ng view niya eh!.
"Ang panget!..Saka bakit ganyan ang damit mo!? Kita yung pusod mo! Tapos parang nagsuot ka lang ng brr...bra!.." Inis nitong ani sa akin, hindi pa mabigkas ng maayos ang salitang Bra! Tapos bigla na lang nag iwas ng tingin, pinasadahan ko ang suot ko, medyo nasaktan ako sa sinabi nitong ang panget ng suot ko!, Kaya di ko na iwasan na mapanguso at ipakita dito na nalungkot at nasaktan ako sa way ng sinabi nitong salita.
"Ang tawag dito ay tube!.. nakakainis ka! Alam mo ba yun? Pinaghandaan ko pa naman ito para sayo!, Tapos sasabihin mo lang na panget!?"
"Eh sana nga kase yung pupuntahan natin ay tayong dalawa lang! Kaso maraming tao doon!, At kung yan ang susuotin mo sigurado akong hindi na nila titignan ang view doon, kase sayo palang sulit na!" Naiinis na ani nito, na para bang naiimagine na may tumitingin sa akin, namula naman ang mukha ko dun, so ibig sabihin ayaw niyang may nakakakita ng katawan ko!?, Aww.. so possessive..
"Tss.. Fine! Suotin mo na lang tong damit ko!" Bigla na lang itong pumunta sa loob ng sasakyan at may kinuha at ng makabalik ay inabot sa akin ang isang T Shirt na plain white na may tatak na Nike, Wala na din akong nagawa kundi ang suotin iyon, at tumalikod dito upang itack in, dahil medyo malaki sa akin, grabe amoy na amoy ko ang pabango nito sa akin! Hoo! Grabe! Ang sarap amuyin! Gusto nyo?, Maghanap kayo! Akin lang to! Hahaha! Jokie! Pero seriously mag hanap na lang kayo ng iba! Hehehe!.
BINABASA MO ANG
You're My Veins
RomansaIsang babae nag mula sa US, umuwi sa pilipinas upang mag-aral. Veins ang pangalan niya, babaeng hindi aalis ng hindi dala ang kanya one of the most expensive chewing gum na ang tatak ay "Eclipse ". Nag aral siya sa pinakasikat na paaralan sa...