Chapter 32:Veins POV:
Malungkot akong nagmukmuk sa upuan ko, habang hinihintay ang aming guro sa umagang ito, na iinis na kase ako kay Kwago, hindi manlang nagreply sa text ko at ang bwisit hindi ko manlang nakita ngayon.
"Hoy! Anong itsura yan?, kay panget mo bruha ka!" Ani ni Rish, kay tinis ng boses, hindi ko to pinansin, naramdaman ko na umupo ito, saka lumingon sa gawi ko, ngunit wala talaga ako sa mood na makipag bangayan dito, na pabuntong hininga na lang ako at isunubsob ang ulo sa lamesa ko, at ipinikit ang mga mata.
"Bakit ganyan yan?, kinulang sa tulog?" Rinig kong bulong ni Vannah, marahil ay kadadating lang nito.
"Ayan naluka na sa pag ibig!" Nahihimigan ko ang mga ipit na tawa ni Rish ng sabihin iyon, para bang nakakatuwa ang mga sinabi niya, kahit na hindi naman talaga.
Hindi ko na lang pinakinggan ang mga pag uusap nila, basta nakapikit lang ako, ngunit ang pandinig ay laging alerto, mamaya kase ay dumating si Kwago, hay.. Naalala ko na naman si Kwago, nakakainis! Bakit ba hindi ito nagrereply sa text ko?.
"Mga Prend!! May sasabihin ako sa inyo! Ganito kase yun! Si blank may dalang bulaklak! Tapos ibibigay kay blank! Hahahahaha!" Masayang masayang anunsyo ni Bunganga ng makalapit ito sa upuan namin, nagtataka ako kung bakit hindi nito sinasabi kung sino ang tinutukoy, ngunit umaasa akong alam niya kung nasaan si Kwago, kaya lumingon ako dito, na nagulat ang mukha sa akin, na para bang hindi niya inaasahan na gising ako.
"Nasan si Kwago?" Walang anu ano't sinabi ko ng deretyahan ang pakay ko dito, napapalunok naman ito, saka biglang nagtataka ang mukha.
"Huh?.. Ang layo ng bahay namin sa kanila KenV!, kaya hindi ko alam kung anong nangyari sa kolokoy na yon!, hindi ba nagtetext sayo?" Ani nito na nagtataka, napailing na lang ako dahil wala naman akong mahitang tanong kung nasaan na ba ang kwagong iyon, napapaisip tuloy akong mamayang gabi iyon magpapakita kase nga Kwago siya hahaha!..
"Magtatanong ba ako sayo? Kung pwede ko naman itong itext?" Ani ko na para bang naiinis na dahil hindi ko makuha ang gusto kong sagot sa kanya, napapakamot na lang sa ulo si Bunganga, halatang napahiya sya, hindi ko naman intensyon na mapahiya siya, kaso na iinis talaga ako, iiling iling akong muling sumubsob sa aking lamesa, dahil sa stress kumuha ako ng Chewing Gum at nginuya iyon habang nakasubsub pa rin sa lamesa.
"Class!.. Wala kayong Klase sa subject ko ngayon, at gusto ko lahat kayo ay lumabas at tumingin sa baba, especially ikaw Miss Yannuzi." Mahinahon ngunit may Awtoridad na ani ni Ma'am Santos, ang aming Adviser at English Teacher ng makapasok ito sa room namin, napatunghay lang ako ng sabihin nito ang pangalan ko, nakatingin ito sa kin, na para bang kinikilig.
Anong nakakakilig sa mukha ko?, at bakit kailangan ko pang lumabas kung pwede naman akong maupo na lang sa upuan,? napatingin ako sa mga kaklase ko na bakas ang saya sa mga mukha, sapagkat narinig na walang klase si Ma'am ngayon, habang ang mga kaibigan ko ay animo'y kilig na kilig, at nasipag tayuan ang mga kaklase ko at lumabas ng room saka sumilip sa baba.
Narinig ko ang ipit na tilian ng mga kaklase ko na animo'y nakakita ng artista, naiiling na lang ako, wala sana akong balak silipin ang kung anong meron dun, ng bigla na lang akong hawakan ni Rish at Bunganga sa dalawa kong kamay, pilit nila akong itinayo, dahil wala din naman akong magawa ay hinayaan ko na lang na hilahin nila ako palabas ng room.
"Ano ba ang importante don? Makakapagtapos ba ako ng pag aaral makita lang kung ano yung nasa baba?" Mataray kong ani kina Bunganga, natawa naman ang mga ito, at pilit akong isinisiksik sa mga kumpulan na Classmate ko, ng makita nila akong dadaan ay saka sila tumabi at kitang kita ko sa mga mata nila ang inggit, nakakunot naman ang noo kong lumapit sa railings, lumingon pa ako sa kanila na tutok na tutok sa magiging reaksyon ko, habang ako ay naguguluhan sa nga inaakto ng mga ito, bago pa man ako makababa ng tingin, ng mapatigil ako sa pamilyar na boses na kumakanta, na nagpapabilis ng tibok ng puso ko at ang kanina ko pa hinahanap.
BINABASA MO ANG
You're My Veins
Roman d'amourIsang babae nag mula sa US, umuwi sa pilipinas upang mag-aral. Veins ang pangalan niya, babaeng hindi aalis ng hindi dala ang kanya one of the most expensive chewing gum na ang tatak ay "Eclipse ". Nag aral siya sa pinakasikat na paaralan sa...