Chapter I

17.6K 358 69
                                    


ATHENA ALEXIA BUTLER




Inis na hinampas ko ang manibela ng kotse ko. Nakakainis lang talaga. Sa lahat ng katangahang nagawa ko sa buhay ko, ito ang pinaka nakakainis. Biruin mong nagset ako ng 5:00 am alarm, pero hindi tumunog dahip sa kamalas-malasan, 5:00 pm pala ang naset ko.

Bwisit na buhay 'to, oo! Anong gagawin ko mamayang alas singko at kailangan pa ng alarm?

At ang mas nakakainis pa, wala 'man lang kausad-usad ang traffic. Jusko ka talaga. Ano bang nangyayari sa bansang kinalakihan ko? Ganito na ba talaga dito? Wala ng pagbabago? Gosh.

Napapadyak ako ng makita kung anong oras. Malalagot na naman ako nito. Pag talaga hindi ako nakaabot sa pasyente ko, ay nako! Hindi na boboto! Nakakainis lang.

Wala sa mood na sinulyapan ko ang cellphone ko ng tumunog ito. I sighed before answered the call.

"Payne."

( "Where the hell are you Athena Alexia?!" )

I massaged my temple. "I'm on my way."

( "Gosh Athena! Kanina ka pa on the way. Ano? Unang kakasabi mo ng otw, naliligo ka? Jusko ka girl ah." )

Napairap ako sa kawalan. Medyo totoo.

( "Bilisan mo! Kung gusto mo pang maabutang buhay ang pasyente mo!" )

Napalunok ako. "Oo na! Eto na nga oh."

Nag U-turn ako. Maluwag naman kasi ang space sa likod ko kaya nakagalaw ako ng ayos. Ang tanga ko lang talaga. Ngayon ko lang naisip na dumaan sa shortcut. Ang kaso lang, one way nga lang.

Napakatalino mo Athena. Saksakan ka ng talino. Sa sobrang talino mo, nabobo kana! Hayp!

Halos paliparin ko na ang pagpapalipad ng sasakyan ko makarating lang talaga sa Hospital.

"What the fuck?!"

The heck! Sino ba ang bwisit na 'to na humarang sa daan ko?! Tangiris lang talaga! Parang gusto kong makapatay ngayon sa totoo lang!

Padabog na bumaba ako sa sasakyan ko at agad na lumapit sa cheap niyang car. Eww. Poor.

Inis na hinampas ko ang bintana ng sasakyan niya. Tss. Mabasag sana.

Hindi naman ako binigo ng bwisit na 'to dahil agad siyang lumabas sa sasakyan niya. At wow ah. Ang kapal ng mukha niyang ngitian ako. Hindi ako natutuwa sa pangit niyang mukha. Mas lalo lang akong nainis.

"Iurong mo ang sasakyan mo." I said.

She smile. "Miss, I'm sorry pero pwede bang ikaw na lang? Kailangan ko na kasi agad makaalis."

My jaw dropped. What the fuck?! At talagang ako pa ang kailangan magparaya sa'ming dalawa?! Bakit? Sino ba siya sa inaakala niya?! Argh!

"Wow! Tingin mo ba ako, hindi kailangan makaalis agad?" Barumbadong sagot ko. "Umalis ka sa dinadaan ko."

"Miss, ayaw ko makipagtalo sayo, pero please, nakikiusap ako, pwede bang mauna na ako sayo?"

I crossed my arms over my chest. "Ayaw mo makipagtalo right? Then, umalis ka dinadaanan ko. Tapos ang usapan."

She sighed. "Gosh. Napaka laki ng tae ng gagong 'to." bulong niya pero sapat lang na madinig ko.

Nanlaki ang mata ko. The hell?! Ang kapal ng mukha niya ah! Dinuro ko siya. "You bitch! Ang kapal naman ng mukha mong murahin ako! At ako pa talaga ah! Sino kaba sa inaakala mo?!"

Bella Amor Historia: Athena Alexia ButlerWhere stories live. Discover now