Chapter XXII

5.6K 192 13
                                    


ATHENA ALEXIA BUTLER




"So, Astraea, sabi ng mommy mo nagbabalak ka daw pumasok sa law school?"

"Yes po tito."

"Cut it off. Call me daddy instead."

Napakagat labi ako. Hindi ko na makatingin sa kanilang lahat at tanging sa plato ko lang nakatuon ang pansin ko. At kahit hindi ko sila pinapansin, ramdam na ramdam ko ang saya sa mga boses ni Daddy.

Sa totoo lang, siya lang masaya sa nangyayari ngayon.

Siya ang tanging gumagawa ng paraan para maging maayos ang dinner ngayong gabi. Dahil kahit si mom, hindi din magawang magsalita.

Oo, gulat na gulat ako. Pero mas nasasaktan ako.

"How about you Faith? Sabi ng mommy mo, nakapagpatayo ka daw ng sariling restaurant, is it true?"

She cleared her throat. "Yes po." 

"So, gusto mo bang humawak ng malaking kumpanya?"

Napafacepalm ako sa loob loob ko. Ayaw ko talaga ng nangyayari ngayon. Ang bigat-bigat ng dibdib ko.

"I'm sorry tito, pe-.."

"Dad. Call me dad." dad cut her off. Napahigpit ang hawak ko sa kubyertos. Gustong-gusto ko ng umalis dito at magkulong sa kwarto ko.

Sobra na. Sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman ko.

"I'm sorry tito pero hindi ko po pinangarap na humawak ng kumpanyang hindi naman sa'kin." walang kagatol-gatol na sagot niya. "Ang restaurant na pinatayo ko, pangarap ko po yun. Kuntento na po ako dun." she added.

Saglit natahimik ang paligid. Tanging mga ingay sa kubyertos lang ang maririnig. At hanggang ngayon, dito parin sa plato ko ang atensiyon ko. Ni hindi ko nga magalaw ang pagkain ko, bigla akong nawalan ng gana.

"Sweetie, di mo ginagalaw ang pagkain mo. Hindi mo ba gusto?" dad asked

I gulped hard before I met his gaze. "I'm sorry. Wala lang ako gana."

"May problema ba sweetie?"

Oo dad. Ang laki ng problema ko. Bakit ganito kayo? Bakit lagi niyo na lang ako sinasaktan? Bakit paborito ako ng tadhanang masaktan ng ganito? I smiled bitterly. "Wala dad."

Nakatitig lang siya sa'kin ngayon marahil binabasa ang kilos ko. Nag-iwas ako ng tingin at tumingin kay mommy, asking for a help.

Kitang-kita ko din ang sakit sa mga mata ng nanay ko. Marahil, alam na niyang sa pangatlong pagkakataon, masasaktan na naman ang anak niya. "Go sweetie. Magpahinga kana. You look tired." mom softly said.

I just nodded at her. "Excuse me. Magpapahinga na po muna ako."

Hindi ko na hinayaang mapigilan pa ko ng tatay ko at dere-deretso akong umalis sa lugar na yun papunta sa kwarto ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko, doon bumuhos ang lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

Sobrang sakit.. Tipong nagsisimula pa lang kaming dalawa, ganito na agad ang magiging hamon ng tadhana buhay namin.

Bakit? Bakit ganito?

Bakit niyo naman ako pinapahirapan ng ganito?

"Athena."

Napakagat ako ng labi ko para pigilan ang malakas na paghagulhol ko. Ayaw kong lumingon, ayaw ko siyang makita.

Dahil alam ko, pag lumingon ako, mas lalo lang ako masasaktan.

Bella Amor Historia: Athena Alexia ButlerWhere stories live. Discover now