Chapter XXVI

6K 182 26
                                    


ATHENA ALEXIA BUTLER





"May gusto ka bang puntahan?"

Nemesis looked at me for a second. "Wala po. Gusto ko lang po magpahinga." magalang na sagot ng anak ko

Napakagat labi ako bago mag-iwas ng tingin  sa kanya. Kahit naman sobrang focus niya sa pagmamaneho, hindi parin nakakatakas sa paningin ko ang pasimpleng pagsulyap niya.

"Are you sure?" she asked again

Nemesis just nodded at her. "Yes po mama. And mommy also need rest."

Tumango naman siya. "Okay okay."

Niyakap ko ng mahigpit si Nemesis bago ituon ang pansin sa labas ng bintana. Ayaw kong tumingin sa pwesto niya ngayon. Hindi ko kayang tapatan ang tinging pinupukol niya sa'kin. Para akong napapaso sa paraan ng pagtitig na ginagawa niya.

Simula ng magkita-kita kaming tatlo sa airport kanina, walang pasabing kinuha agad ni Lachesis ang mga gamit namin at agad na umalis bitbit ang anak ko. Sobra pa ngang nagalit si Vi dahil sa inasta ng babaeng ito. Nahihiyang nagpaumanhin na lang ako sa kanila. Nakakahiya naman kasi talaga, sinundo pa nila kami tapos hindi naman kami makakasabay sa kanila.

Pero sinabihan ko naman sila na dun na sila dumeretso sa unit ko, tutal dun din naman kami uuwi ni Nemesis. 

"Mommy, are you alright?"

Mabilis akong napabaling ng tingin sa kanya. "Oo naman baby. Okay lang si mommy, pagod lang." nakangiting tugon ko

"Sure kaba na sa unit mo kayo tutuloy?" seryosong tanong niya.

Alanganin akong tumingin sa kanya. "Oo, ngayon lang naman."

Her brows furrowed. "Anong ngayon lang? Anong ibig mong sabihin?"

I inhaled deeply. "May binili akong bahay sa isang subdivision dito sa Manila. Bukas na bukas din, lilipat na kami dun."

Hindi na naman niya ko sinagot kaya tumahimik na lang din ako at binalik ang tingin sa daan. Pareho kami ng anak ko ngayon na nakatuon ang pansin sa labas ng bintana. Napangiti tuloy ako. Mag-ina nga talaga kami.

Ilang minuto din ang lumipas ng makarating kami sa condo na tutuluyan namin ngayong araw. Hindi na ko nagulat ng magpakarga agad ang anak ko sa kanya. Pigil ang ngiting ginawa ko.

Kasal na lang kulang.

"May gusto ka bang kainin baby?" she softly asked our daughter.

"Gusto ko po ng Chicken wings mama."

She nodded. "What flavor?"

"Teriyaki, Buffalo and Honey Bbq mama." she said in so much excitement.

I chuckled. Sobrang paborito ni Nemesis ang mga yan. Sa tuwing may kasalanan ako sa kanya, lutuan ko lang siya ng mga paborito niya bati na agad kami.

"Mauubos mo lahat yun?" gulat na tanong ni Lachesis sa bata.

Nemesis just nodded at her. "Yes mama."

Nakangiting napapailing na lang ako. Tahimik lang naman ako at hindi nakikisali sa kwentuhan nila hanggang sa makapasok na kami ng tuluyan sa unit ko.

Wala namang pinagbago, ganun parin. Hindi naman siya maalikabok o madumi dahil nabanggit sa'kin ni mom na linggo-linggo daw niya pinapalinisan ito.

"Mommy, sleep."

Binaba ko lang saglit ang gamit namin bago ko kunin si Nemesis sa taong nagbubuhat sa kanya. Hindi ko na nagawa pang magpa-alam sa kanya at agad akong pumunta sa kwarto para maihiga ang bata.

Bella Amor Historia: Athena Alexia ButlerWhere stories live. Discover now