Warning mga bebe. May chugs chugs na magaganap. Read at your own risk.
ATHENA ALEXIA BUTLER
"Bakit ba lapit ka ng lapit sa kanya?"
Napakunot noo ako. "Bakit naman hindi? Magkaibigan kami."
"Pero hindi kaibigan ang turing niya sayo, Athena."
Napakagat labi ako. Gosh. Kung ganito pala siya ka-cute magselos, araw-araw kong pagseselosin. "Wag kang tumawa. Hindi ako nakikipagtawanan sayo." inirapan niya ko.
Nagkibit balikat lang ako bago ituloy ang pagkain. Ang sarap-sarap ng pagkain namin ngayon, grabe masisira na naman diet ko.
"Nagpahalik ka na nga, nagpa-akbay ka pa." rinig kong bulong niya.
Nasamid ako dahil sa narinig. Mabuti na lang at kahit papaano, may care pa siya sa'kin dahil sa agad niyang pag-abot ng tubig.
Nakakainis. Ang sarap-sarap ng pagkain ko tapos babanat siya ng ganun.
Pero ang sweet. hehe
Ang harot ko. Gosh."Anong nangyari sayo?" Thalia asked.
Umiling ako. "May bumulong na masamang hangin kaya nasamid ako."
Her eyebrows met. "Masamang hangin ang pucha. Kumain ka na lang dyan. Gutom lang yan."
Natatawang pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Buti na lang kasama ko si cheap ngayon, dahil kung hindi magmumukha kaming tangang tatlo nina Selene at Dike dahil halos lahat sila, kasama mga bebe nila.
Hindi na ko magsasana all. Kasama ko si cheap ee. Hahaha
"Anong ningingiti-ngiti mo dyan Athena?" biglang tanong ni Helen
Napangisi ako. "Secret. Walang clue."
"Nako. Kinikilig yan. Kasi magtatabi sila mamaya ni Lachesis." Cassandra said.
Pinandilatan ko siya ng mata. Ang kapal ng mukha niyang sabihin yun. Hindi man lang talaga siya nahiya dahil kasama namin ang taong tinutukoy niya. Nako Cassandra! Gigil mo ko.
"Magtatabi kayo honey?" gulat na tanong ni Dike.
Napakagat labi ako. Gusto kong matawa dahil nagsisimula na naman siya. "Bakit Dike? Wag mong sabihing gusto mong sa kanila tumabi?" Mataray na tanong naman ng pinsan niyang si Vi. Wala talagang pinagbago ang bruha, masungit parin.
"Oo. Sa kanila ako tatabi. Alangan namang sa inyo ni Jeremiah." sagot naman ng isa. "Narinig ko na sa phone ang ungol mo, ayaw ko ng madagdagan pa yun."
Malalakas na tawanan ang maririnig ngayon dito sa pwesto mo. Halos sumakit na ang tiyan ko sa sobrang lakas ng tawa ko.
Punyemas! Naalala ko din ang araw na yun. Magkakasama kaming lima nina Cassandra, Penelope, Selene at Dike ng tumawag si Dike kay Ianthe. At ako pa talaga ang nagloudspeak ng tawag. Kaya ang siste, para kaming nage-eavesdropping sa mag jowang nagsesex. Gosh. Kahihiyan.
"Shut up bitch." Vi rolled her eyes. "Saka ayaw mo nun, makakapanood ka ng live."
I laughed. "Oo nga Dike. At least sa panonood mo ng live, mababasa ka."
"Eww. Yuck. Hindi ko maimagine." maarteng sagot ng isa
Napainom ako ng tubig ng wala sa oras. Nakakapagod sila kausap. Ang sakit na ng panga ko sa sobrang katatawa.
"Ang saya mo ah."
My smile widened. "Oo naman."
Inirapan niya naman ako. Mas lalong lumaki ang pagkakangiti ko. "Hindi ka ba masaya?"
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Athena Alexia Butler
RomanceHistoria#5 Athena Alexia Butler Lachesis Faith Griffin Date Started: July 21, 2020 Date Finished: August 9, 2020