Chapter XVI

5.8K 210 13
                                    


ATHENA ALEXIA BUTLER



"Sweetie, hindi ka pa papasok?"

Umiling ako kay mommy. "Mom, day off ko." Gusto ko sana dagdagan ng 'Duh' kaso naalala ko, mommy ko pala siya. Hihi

"Ay oo nga. Nakalimutan ko. Sorry. haha"

Napailing na lang ako bago mas lalong isiksik ang sarili ko dito sa sofa. Kakagising ko lang kanina, at imbes na maligo ako bumaba ako at lumipat dito sa sofa. Dala ko pa ang kumot ko.

"Are you alright sweetie? May sakit kaba?"

Mabilis akong umiling kay mommy. "Wala po mom. Nanlalambot lang."

She nodded slowly. "May gusto kabang kainin?"

Meron mom. Siya. Ayy charot! "Wala mom. Kahit ano na lang." I simply said. Napafacepalm ako sa loob loob ko dahil sa katangahang naisip. Ang bastos. Gosh

"Okay. Wait a minute. Magluluto lang ako."

Tumango lang ako bilang tugon. At dahil sa likas akong tamad, binuksan ko lang ang tv namin at walang gana na nanood.

Para akong tangang nakatuon ang pansin sa tv pero iba ang nilalaman ng isip.

Nasan na kaya ang cheap na yun? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Alam niya kayang nandito ako sa bahay ni mommy?

Hay bwisit. Stop it Athena. Wag mong isipin ang bwisit na cheap na yun.

Wala ka dapat paki sa kanya.

Hindi mo dapat siya pinaglalaanan ng oras mo. Mahal ang oras mo, remember?

Pero kas-..

"Sweetie!"

Napahinga ako ng malalim bago walang ganang tumayo at pinuntahan siya sa kusina. "Yes mom?"

"May tao ata sa labas. Okay lang ba kung ikaw ang tumingin?"

I nodded. "Okay."

Nakabalot parin sa'kin ng kumot habang naglalakad ako papalabas. Minamalaria na ata ako.

Pagbukas na pagbuka ko ng pinto isang pangit na nilalang agad ang bumungad sa'kin.

Pangit na nilalang, pero nagagawang guluhin ang tahimik kong buhay.

"Athena."

I sighed. "Cheap, what are you doing here?"

She smile. Damn it. Pakiramdam ko naubusan ako ng paghinga dahil sa simpleng pagngiti niyang yun. "Binibisita ang girlfriend ko. Bawal ba?"

Inirapan ko siya. "Hindi dito nakatira ang girlfriend mo. Nagkamali ka ng pinuntahan."

She chuckled. "Hindi ako nagkamali."

I crossed my arms over my chest. "At paano mong nasabi? Aber!"

"Kasi nandito ka. Ikaw yung girlfriend ko. Remember?"

Napanganga ako. Wala man lang paligoy-ligoy? Talagang straight to the point? Wow ah. Ang lakas niya.

"Tara sa loob."

Hindi na ko nakaangal pa ng siya na mismo ang humila sa'kin papasok sa loob ng bahay. Feel at home ang gaga. Bwisit.

"Sweetie, sino ba yun-.. Oh. Hi Lachesis." nakangiting bati ng nanay ko.

Magalang naman na bumati ang isa. "Good morning po tita."

Napairap ako ng pasimpleng tingnan ako ng nakakaloko ng nanay ko. Stop it mommy. Hindi ako natutuwa.

Bella Amor Historia: Athena Alexia ButlerWhere stories live. Discover now