Dala ang DSLR Camera naglibot ako dito sa Intramuros. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing hawak ko ang bagay na 'to, punong-puno ang galak ang puso ko. Ganito nga talaga siguro kapag ito ang hilig mo.
Mariin akong napapikit ng makaramdam ng pagod. Kanina pa kong umaga nandito, marami na naman akong nakuhang litrato, pero para sa'kin, kulang pa. At hindi ko mahanap ang kulang na yun.
Saglit kong nilibot ang paningin ko sa buong lugar. Hanggang sa makakita ako ng isang babaeng tahimik na tumutugtog ng flute niya.
Wala sa sariling napangiti ako at kinuhanan siya ng litrato.
Hanggang dito ba naman, ikaw parin ang makikita ko.
Napailing na lang ako. Napaka ganda. Napaka ganda niya talaga.
"Hoy Atlas!"
"Hmm?"
"Kanina pa ko dada ng dada dito hindi ka naman pala nakikinig na bruha ka!"
I took a deep breath. "Ano ba yun?"
"Kako, bakit hindi mo ko sinama kahapon? Ang daya mong babae ka, pumunta ka pala ng Intramuros."
Napakamot ako sa batok ko. Ang ingay-ingay niya talaga. "Biglaan yun Ella. Saka busy ka kahapon diba? May meeting kayong music club."
Napairap naman ako ng alanganin siyang tumawa. Minsan, napapaisip din ako ee. Pano ko kaya naging kaibigan ang babaeng ito. "Oo nga pala. Nakalimutan ko. Hehe."
Napailing na lang ako bago mag-inat ng braso. Nakakapagod ang umupo ng umupo. "Alis muna ko."
Her brows furrowed. "Saan ka punta? Sama ako!"
"Wag na. Diyan lang ako sa tabi-tabi."
Hindi ko na siyang hinintay pang sumagot at agad na kong umalis. Syempre, dahil dakilang adik ako, hindi ko nakalimutang dalhin ang camera ko.
Katulad ng lagi kong ginagawa, tumambay lang ako sa garden nitong school. Buti pa dito, kahit tahimik hindi nakakaburyo. Sa classroom namin, maingay na nga ang mga kaklase ko, naboboring parin ako. Ganito nga talaga siguro kapag natanda na. Tss.
"Nemesis!"
Hindi pa ko tuluyang nakakarating sa garden ng marinig ko ang ingay na yun na naging dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
At ang mas malala pa, nasa garden siya. Anak ng putapepe!
Napalunok ako bago pakiramdam ang sarili ko. Ito na naman ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Para akong nakikipaghabulan sa sampung kabayo dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Jusko!
"Ate Gaia!"
"Tara sa canteen. Hindi kaba kakain?"
She shook her head. "Busog pa ko Ate. Kayo na lang muna."
"Oh okay. Mag-iingat ka dito."
"Yes. I will."
Para akong tanga dito na nakatayo at pinagmamasdan silang dalawa hanggang sa nakaalis na si Ms. Gaia.
Bakit ganun? Bakit ang unfair naman ata ng mundo at sobrang ganda niya.
"Hoy Atlas! Sabi ko na nga ba dito ang punta mo!"
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Athena Alexia Butler
RomanceHistoria#5 Athena Alexia Butler Lachesis Faith Griffin Date Started: July 21, 2020 Date Finished: August 9, 2020