"Don't be afraid to do something just because you're scared of what people are going to say about you. People will judge you no matter what."---Unknown
ATHENA ALEXIA BUTLER
Pupungas-pungas akong bumangon sa kama. Grabeng pagod ko kagabi kaya hindi ko na namalayang nakatulog na pala ko.
Sa kaisipang 'yun, nanlaki ang mata ko bago ilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto ko. Sa pagkatatanda ko, magkasama kami ni cheap sa isang kwarto. Ang kaibahan lang, hindi ito ang kwartong 'yun.
Sino naglipat sa'kin dito sa kwarto ko?
Hindi ko na lang pinansin ang pagtataka ko at agad na nag-ayos ng sarili. Mabuti na lang at kahit papaano, maaga pa naman ako nagising. Kundi, AWOL na naman ako. Tssk.
Agad akong bumaba ng matapos ko nag morning rituals ko. Naabutan ko naman si Mommy na nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo. I smile. "Good morning mommy." I give peck in her cheeks.
she smile. "Good morning sweetie. How's your sleep?"
"Fine mom." I simply said.
She just nodded slowly. "By the way, ano oras pasok mo?"
Kumuha muna ko ng pagkain ko bago siya sagutin. "10:00 mom."
"Susunduin kaba ng girlfriend mo?"
My jaw dropped when I heard those words comin from her. The hell? Girlfriend? Sa pagkakaalam ko, single ako. At saka, pano ako magkakagirlfriend ee hindi nga ako nagpapaligaw.
"Mom, wala kong girlfriend."
Mahina siyang napatawa dahilan para mas lalo akong magtaka. Nababaliw na ata ang mommy ko. "Sweetie, nagiging makakalimutin kana."
Napahinga ako ng malalim. "Mommy, wala akong girlfriend. Okay ka lang ba?"
"Sweetie, may girlfriend ka."
"Wala nga mommy."
"Meron sweetie."
I let out a loud sigh. Jusko. Ano bang nangyayari sa nanay ko parang nawala na siya sa sarili niya. Panay ang pilit na may jowa na ko ee sa wala nga.
Buti pa siya alam niyang meron. Samantala ako, clueless parin. Hmp.
"You know what sweetie, I like her for you." she said, smiling genuinely. "Sabi sa'kin ni Juno and Gwenn, hindi daw kayo magkasundo. Pero sa nakita ko naman kagabi, she cares a lot to you."
Sa sinabi niyang 'yun, unti-unting nabuo sa isipan ko ang mga nangyari kahapon. At literal na napanganga ako ng maalala ko na lahat.
Oh my goodness! Shit lang!
Ngayon ko lang naalala na dare na 'yun ni Dike! Argh! Vanessa! Humanda ka sa'king bwisit ka!
"Sweetie, susunduin kaba niya?"
I inhaled deeply. "Mom, she's not my girlfrined. Dare lang naman ang lahat ng iyon."
She just smile. Teka lang ah, napapansin ko lang kanina pa nakangiti ang nanay ko. "But still, I want her for you. Why don't you try?"
I massaged my temple. "Mommy, hindi ko siya gusto. At malabong magkagusto ako dun. Hindi nga kami makatiis na hindi nag-aaway. Jusko."
malakas na tumawa si mommy dahil sa sinabi ko. Gosh. Gustong-gusto ko ng umirap kaso alam kong mapapagalitan niya ko. At syempre, ayaw kong mangyari 'yun.
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Athena Alexia Butler
RomanceHistoria#5 Athena Alexia Butler Lachesis Faith Griffin Date Started: July 21, 2020 Date Finished: August 9, 2020