Chapter XXVII

6.4K 211 25
                                    


ATHENA ALEXIA BUTLER


"Mommy."

"Hmm?"

"Where's mama?"

Natigilan ako dahil sa tanong niya. Hindi ko alam ang dapat kong isagot. Alangan namang sabihin ko sa kanya ang totoo at sabihing nasa tunay na pamilya ang mama niya.

Ayaw kong masaktan ang anak ko. Mas gugustuhin kong ako na lang.

Napahinga ako ng malalim. "May inaasikaso lang ang m-mama mo anak."

"Mom? Are you crying?"

Mabilis akong nagpahid ng luha sa mukha at humarap sa kanya. "No baby. Bakit naman iiyak si mommy?"

She staring at me intently. "Okay. If you say so."

Napangiti na lang ako bago ipagpatuloy ang pagluluto. Hindi na naabutan ni Nemesis ang mga ninang niya kanina dahil kinailangan nadin umalis ng tatlo. Kaya ngayon, kaming dalawa na lang ang natira.

"Mommy."

"Hmm? Yes baby?"

"Someone's knocking on door."

Napakunot noo naman ako. Mukhang may bisita na naman kami. "Ako na mommy magbubukas, okay lang?"

Napangiti na lang ako bago tumango sa kanya. Agad namang umalis sa Nemesis at tinungo ang pintuan. Napapailing na hinain ko na lang ang mga pagkain namin.

"Mama!"

Natigilan ako ng dahil dun. Hindi ko inaasahan na babalik siya. "Nagluluto po si mommy."

"Really? May dala akong pagkain."

"What food mama?"

"Your chicken wings!"

Napangiti na lang ako ng marinig ang usapan nila. Mukhang tuwang-tuwa ang anak ko at pinagbigyan siya ng mama niya.

"Mommy! Mama's here!"

I just smile at her. "Luto na ang pagkain. Halika."

Agad naman siyang  tumalima at umakyat sa upuan na hindi niya mapagtagumpayan. Napatawa ako ng malakas ng makitang hirap na hirap siya sa pagsakay sa upuan.

"Mama" she looked at her mother, asking for a help.

Agad naman akong nag-iwas ng tingin ng pasimple akong tiningnan ni Lachesis. Tss. Ang sarap lang dukutin ng mata niya ngayon. Hindi ako natutuwa sa ginagawan niya.

"May dala akong pagkain." she plainly said.

I just nodded my head. "Thank you." I simply said

Pinaghain ko na lang silang dalawa. Hindi naman ako bastos para hindi idamay sa pagkain si Lachesis. Pinalaki naman ako ng maayos ng nanay ko 'no.

"Mama, subo."

"Oh halika baby. Say aaahh. Ayan na ang airplane."

Napangiti ako dahil sa nakikita. Ang sarap sa pakiramdam ng nakikita ko ngayon. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata ng anak ko. Napaka sarap sa pakiramdam na marinig ang mga tawa nila.

"Mama, si mommy din subo mo."

Mabilis na naglaho ang pagkakangiti ko at napalitan ng pagkagulat. Anak ko. Jusko. Wag mo naman ako ilagay sa sitwasyon na ganun. "No need baby, kaya naman ni mommy." sagot ko

Bella Amor Historia: Athena Alexia ButlerWhere stories live. Discover now