ATHENA ALEXIA BUTLER"Kumain kana ba iha?"
"Tapos na po tita. Kumain na po ako bago umalis sa bahay."
Napakunot noo ako ng marinig na parang may kausap si mommy sa labas. Anong oras na ba ngayon? Ang aga-aga may bisita na agad.
"Oh nandiyan kana pala sweetie. Halika dito, kumain kana. Sumabay kana sa'min."
Kahit nagtataka sinunod ko siya. At laking gulat ko ng makita kung sinong nilalang ang nandito ngayon, kasalo ng nanay ko sa hapag.
Wow! Ano namang masamang hangin ang nagdala sa kanya dito?
"Good morning mom." bati ko.
Hindi ko pinansin ang bwisita. Wala ko sa mood para makipagtalo sa kanya. "Good morning sweetie. Hindi mo ba papansinin ang girlfriend mo?"
I gasped. Gosh. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? At talaga bang boto sila dito kay cheap? Tss.
Kahit naiinis, pinili ko na lang na batiin ang cheap na 'to. "Good morning che-.. Lachesis." muntik pa kong madulas bwisit.
Ningisian niya ko na ginantihan ko lang ng pag-irap. "Good morning Athena."
Tahimik lang naming sinimulan ang pagkain. Pasimple naman akong nasulyap dito sa nasa harap ko. Akala ko ba kumain na siya? Pero kung makakakain ngayon, akala mo hindi pinapakain sa kanila.
Tss. Ayaw agad aminin na gusto niyo ko kasabay sa pagkain.
Ganun lang eksena namin hanggang sa natapos na nga kami sa pagkain. Agad naman kaming nagpaalam kay mommy. Baka kasi malate pa ko. Masasabon na naman ako ni Thalia.
Tahimik naming binabagtas ang daan. Sobrang tahimik ng loob ng sasakyan na akala mo'y walang katao-tao. Sobrang focus ang binibigay niya sa pagmamaneho habang ako, nakatuon lang ang pansin sa labas ng bintana.
she cleared her throat. "Athena."
I immediately looked at her. "Hmm?"
"May gagawin kaba mamaya?"
Napakunot noo ako. Nag-iisip kung may gagawin paba ko pagkatapos ng trabaho sa Hospital. At sa tingin ko, wala na naman. Umiling ako sa kanya. "Wala na. Bakit mo natanong?"
I saw how she gulped hard. Anong meron? "Hey, are you alright?"
She nodded. "Ah oo." tumikhim siya. "May gig kasi kami mamaya. Gusto sana kitang yayain manood. Pero kung hindi ka makakapunta, it's okay naiintindihan ko na pagod ka din."
Napamaang ako. Wow. Ibang klase. Pagkatapos niya kong yayain, sasahihin niyang okay lang kahit hindi ako makapunta. Ang sarap tuloy niyang iuntog ngayon sa manibela. Nakakainis siya!
Hindi ko na siya sinagot at binalik ang atensiyon ko labas ng bintana.
Hindi ko alam kung anong meron sa'kin ngayon. Basta ang alam ko lang, naiinis ako.
Naiinis ako sa di malamang dahilan.
Damn it!
Nakarating kami ng Hospital ng hindi man lang nag-uusap. At kahit gaano ka-awkward ang moment naming dalawa, hindi niya nakalimutang pagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan niya.
Napangisi ako sa loob loob ko. Good yan cheap. Very good ka dyan.
Wala salitang lumabas ako ng sasakyan niya. "Sunduin kita mamaya." mahinang saad niya.
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Athena Alexia Butler
RomanceHistoria#5 Athena Alexia Butler Lachesis Faith Griffin Date Started: July 21, 2020 Date Finished: August 9, 2020