LACHESIS FAITH GRIFFIN"Hoy!"
Walang kagana-ganang nilingon ko siya. "Hmm?"
"Ay pucha! Kanina pa ko salita ng salita dito hindi ka pala nakikinig bruha ka!" she hissed at me.
Napahinga ako ng malalim bago napaayos ng upo. "Ano ba yung sinasabi mo?"
Marahas na napakamot siya sa ulo niya. Napailing na lang ako. Wala ako sa mood ngayon. "Ang sabi ko, may kumausap kay Joseph."
I nodded slowly. "Oh? tapos?"
"Gusto tayo kuning banda." simpleng sagot niya
Napatango ulit ako. Ilang beses na bang may kumausap sa'min tungkol dito? Napahinga ako ng malalim bago napahilot sa sintido ko. "Anong sabi ni Joseph?"
nagkibit balikat lang siya sa'kin. "Hindi ko alam. Kakausapin daw niya tayo."
I sighed. "Alam na kamo niya ang sagot ko."
Again, she scratched her head. "Kahit naman ako. Ayaw ko din. Like, shit, ayaw kong magulo ang tahimik kong buhay."
Napairap ako sa kawalan. Sa tingin ko naman, hindi tatanggapin ng lalaking yun ang offer ng kung sinong kumausap sa kanya.
Alam kong alam niya na ayaw na ayaw namin ang ganun. Sabihin na nating, bakit hindi igrap ang opportunity na 'to? Katulad ng lagi kong sinasabi, ang pagkanta ay libangan ko lang at kahit kailan, hindi ko pinangarap na sumikat.
I inhaled deeply. "Ano pa lang ginagawa mo dito?"
Tinaasan ko siya ng kilay ng irapan niya ko. Wow ah. Marunong pala siya nun. "Alam mo, nakakainis ka."
Napakunot noo ako. "Ako? Nakakainis? Luh gaga, inaano kita?" may sapak na ata siya jusko.
"Hay jusko! Ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa wala sa sarili mo?"
"Hindi naman ah. Baka ikaw ang wala sa sarili ngayon."
"Alam mo milabs. Ilang araw ka ng ganyan. Hindi kana makausap ng ayos. Lagi ka pang tulala. Umamin ka nga."
Napalunok ako. Ganun na ba talaga ko kalala? "Nagdodroga ka na ba?"
Literal na nanlaki ang mata ko bago napanganga. Oo. Napanganga pa ko. Inis na binato ko siya ng ballpen na sumapol naman sa noo niya. Ang pucha! Ginawa pa kong adik. "Gaga! Anong nagdodroga? Ulaga kaba!"
Hinaplos-haplos niya ngayon ang noo niya. "Para ka kasing tanga. Sabog na sabog? Hindi makausap?"
"Hindi ako nagamit nun! Ang gaga mo talaga. Ginawa mo pa kong adik na bwisit ka."
"Ay hindi kaba adik?"
Inirapan ko siya. "Malamang! Hindi ako ad-.."
"Kala ko kasi adik kana kay Miss Athena." nakangising pagputol niya sana sa sasabihin ko.
Hindi ako naka-imik. Nag mistulang naputol ang dila ang dila ko dahil sa narinig mula sa kanya. "H-hoy! Ikaw! Magtigil ka dyan ah!"
"Nako. Nauutal ka milabs ka ah. Kinikilig ka 'no?"
Gustong-gusto ko siyang sipain ngayon palabas ng opisina ko pero hindi ko magawa dahil sa lang sa wala akong lakas para makatayo dito sa upuan ko.
At ang babaeng yun, nakakainis siya. Ilang araw na niya kong ini-snob. Akala mo naman kagandahan siya para hindi ako pansinin.
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Athena Alexia Butler
RomanceHistoria#5 Athena Alexia Butler Lachesis Faith Griffin Date Started: July 21, 2020 Date Finished: August 9, 2020