Chapter XI

5.8K 203 22
                                    


ATHENA ALEXIA BUTLER



"Ano bang gusto mong iregalo kay Iris?"

Napaisip ako. Ano nga ba? Kanina pa kami paikot-ikot dito sa Mall pero hanggang ngayon wala parin akong mapili na pwedeng iregalo sa inaanak kong iyon.

Kasi naman, lahat ata ng bagay nasa kanya na. Hindi naman sa binibigay lahat sa kanya ng magulang niya, actually, ang ganda nga ng pagpapalaki ni Jeremiah at Vi kay baby Iris. Ang may problema lang talaga, kaming nga tita at ninang niya.

HAHA. syempre lahat ng gusto naming ibigay sa bata ibibigay namin kahit na ayaw ng mga magulang niya. Pero wala silang magawa. Makulit kami ee.

"Athena."

I looked at her. "Yes?"

"Ano kakong bibilhin mo? Kanina pa tayo paikot-ikot dito."

Inirapan ko siya. "Teka lang okay? Nag-iisip pa kasi ako."

She sighed. "Teddy bear? Ayaw ba niya yun?"

Umiling ako. "Lagi na lang teddy bear ang regalo ko. Gusto ko iba naman."

Tuwing birthday kasi ni Iris, laging teddy bear ang binibigay ko. Mukhang nasasanay na nga siya ee. Panigurado, nasa isip ng batang yun na teddy bear ulit ang ibibigay sa kanya ng ninang pretty niya.

"Edi damit? Dress?"

I shook my head again. "Madami na siyang dress."

"Shoes?"

Umiling ulit ako. "Marami na din siyang shoes."

She inhaled deeply. "Ee anong ibibigay mo sa kanya?"

Napaisip ako bago sumagot sa kanya. "Hindi ko nga alam. Ang kulit mo cheap ah."

Pigil ngiti ang ginawa ko ng marahas niyang kinamot ang batok niya. Cute.

Wait, What? No! Hindi ko sinabi yan. Ang sabi ko, nakakatacute!

"Alam ko na!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Damn it. Para siyang basag na bigla-bigla na lang sisigaw. Inirapan ko siya. "Hindi mo kailangan sumigaw cheap." inis na tugon ko.

She just shrugged. "Diba nabanggit mo sa'kin, Iris loves music."

I nodded slowly. "Yes. Nabanggit ko nga sayo yun. Why?"

She smile. "Tara."

Walang pasabi na hinila niya ko. Habang ako, takang-takang nakatingin lang sa kanya. Ano bang pumasok sa isip nito? Hindi man lang ako sinabihan. At saka, kailangan may paghila pa?

Napadako ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Sa di malamang dahilan, napangiti ako.

Don't ask me why, 'cause I don't know.

Para akong tangang nakangiti lang habang nakatingin sa kamay naming dalawa. Ang init ng kamay niya. Pero yung klase ng init na hindi nakakapaso. Kundi nakakakalma.

Nabalik ako sa ulirat ko ng bigla akong tumama sa likod niya dahil sa biglaang paghinto niya.

The fudge! ang sakit ng ilong ko!

"Bakit ba tumigil ka?!"

"Sorry. Nawala kasi sa isip ko na nasa likod lang kita."

I rolled my eyes at her. Nawala daw sa isip niya pero grabe kung makahila sa'kin. Sabunutan ko siya ee. Hmp!

Napatingin ako sa tapat namin kung saan kami tumigil. Nagtatakang binalik ko ang tingin dito sa cheap na kasama ko. "Ano gagawin natin dito?"

Bella Amor Historia: Athena Alexia ButlerWhere stories live. Discover now